Chereads / Avoiding the Gravity / Chapter 4 - ...Not

Chapter 4 - ...Not

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock.

3:30 AM, hays, napahiga ulit ako. Another hell day. Ang aga ko talaga gumising, matagal kasi ako kumilos at kailangan ko pang mag ayos. Alam niyo naman na girly ako diba? Kaya naligo na ako and it takes 1 hour to finish, and nag ayos na ako ng konting make up and uniform din, viola! I'm ready!

Bumaba na ako para mag-breakfast.

I saw Dad na naghahanda ng makakain and yung mga magaling kong mga kapatid ay may kanya kanyang buhay.

Nakita ko pa si Ate Jen na naghaharutan sa Video Call with his boyfriend. Yucks! So kadiri, "Ate! Stop with the cuddling moment! Nakakasira kayo ng umaga." And I rolled my eyes.

"Aba! Dad oh si Julie sumasagot sagot na! Hoy babae, I'm still your ate so show some respect!" Di ko nalang siya pinansin. I hate them! I hate my siblings!

"Wag mo nang pansinin yang si Julie ate, alam mo naman na masama talaga ang ugali niyan, saan ka ba nagmana Julie? Saan ba siya nagmana Dad? Hahaha, ampon ba siya?" At nagtawanan pa sila, nakakawalang gana! Padabog kong binagsak ang spoon.

"Papasok na ako sa school Dad." And I kissed Dad's cheek. Tumango lang si Dad. Nasaktan ako dahil doon. Wala lang ba talaga silang pakialam sakin? Talaga bang balewala lang ako?

"Julienne," nagulat ako nung tinawag ako ni Dad, I smile when I look at him, "You should bring a decent boyfriend sa party ng Mamita mo Julienne, don't embarrass me by bringing the same partner every year, ano nga pangalan nun? Joshua and France? Well I don't like him for you Julienne. Humanap ka ng mas matino and responsible sa kanila. Go now and don't fail me again."

Pinagdrive na ako ni Manong Jeff, I look outside the window and suddenly I cried.

Ganyan nalang palagi eh, I always seek and longing for my Dad's love and attention. Kailan ko ba makukuha yun? Kailan ba? Palagi nalang ba na kinukumpara nila ako sa mga ate ko? Na malaki ang grades nila kesa sakin? Na naging valedictorian sila kesa sakin? Palagi nalang ba akong balewala? Nakakasawa na kasi eh! Para akong invisible! Parang wala silang bunsong kapatid!

And as for France, akala ko siya na yung taong makakasama ko habang buhay, yung ilalayo ako sa impyernong to! Pero akala ko lang pala yun, iniwan niya din ako! Siya na nga lang yung meron ako eh, pero wala, pare-pareho lang sila! Well of course I also have the Campus Royals lalo na ang best friends ko na sina Chloe, Katie and Zara, they are all I have and they're like my family.

Nagulat ako nung bigla akong napasubsob sa harap.

"Hala, parang nasiraan tayo iha." Paumanhin ni Manong Jeff, nginitian ko lang ito, I'm not maldita naman pagdating sa mga taong loyal sakin, like Manong, he's like a father to me.

"Maglalakad nalang po ako, malapit na naman po tayo eh. Bye po Manong! Ingat po kayo!" At lumabas na ako sa sasakyan.

Mga ilang steps nalang naman eh, nasa Academy na ako.

Napatingin naman ako doon sa kabila. Tss, ayoko talaga sa mga tao diyan. Sa Royal South Academy, ang kakambal ng Academy namin, pero hindi identical. It means opposite ang Academy namin. Mas marami at crowded ang Academy na yan, puro mga basagulero, irresponsible, and mga hindi kanais nais na ugali ang nasa mga istudyante dyan.

"Miss Flat!!!" Napatingin naman ako sa gilid ko na sasakyan, lumabas naman ang ulo galing sa bintana ng sasakyan niya, sasakyan ng alam niyo na siguro ang kinaiinisan kong tao.

I just rolled my eyes at patuloy na naglakad lakad.

"Miss Flat! Taga-North ka pala? Kaya ka pala boring hahaha!" At dahil dun napatingin ako sa kanya, how dare he na pagsabihan ng ganyan ang school ko?!

"You know what Mr Pathetic Casanova, you can call me names and whatever insult from you, I can accept that, but saying bad things about our school?! Aba! Di ko palalampasin yan! Boring?! At least educated kami at responsible. Eh kayo?! Argh! Di ko alam kung anong MASAMANG label ang masasabi ko sa inyo kasi halos lahat nasa inyo na!" I flipped my hair and nagmadaling naglakad and by the way, binabawi ko na ang sinasabi kong malapit na ang Academy kasi feel ko maraming steps pa ang lalakarin ko para makawala dito sa pervert na to!

Nagulat ako nung may umakbay sakin.

"Alam mo Miss Flat, kung interesado ka sakin, sabihin mo lang ah? Wag yung iba at unique ang trip mo hahaha, luma na ang style mo Miss. Mas mabuti pa na straight to the point, I can be your boyfriend for life kapag umamin ka lang." And he winked. 

He suddenly pinched my nose, "And Miss, hindi ako casanova okay? Sadyang maraming mga babae ang nahuhumaling sa damn hot Ryan Will Yoshihara." And nagulat ako nung bigla siyang lumapit sakin and tinignan ako, eye to eye, "I won't hurt fragile girls like you." And he smirked.

Sasapakin ko na sana siya pero pumasok sa thoughts ko yung sinabi ni Dad sakin kanina.

Tinignan ko siya form head to toe. Hindi ko maitatanggi na ang lakas ng appeal at charisma niya. Well formed ang body niya and oo na, gwapo siya. Decent siya tignan if mag-tuxedo siya and almost perfect na siya except for his attitude of course. But one thing is for sure, magugustuhan siya ni Dad and I will make him proud, just this once.

Tinakpan naman niya yung katawan niya na parang takot siyang ma-rape.

"May pagnanasa ka sa katawan ko no? Grabe ka Miss Flat! Sobrang wild mo pala talaga!" At naglick naman siya ng lips niya.

Sinikmuraan ko siya, "Asa ka Mr Pervert! Ikaw? Type ko? Mas gusto ko pang mamatay kesa mangyare yun kadiri!" Nagroll eyes lang ako.

He is really annoying!

"Then bakit titig na titig ka sakin?" Nagwiggle naman siya gamit ang kanyang eyebrows.

Nagcross arms naman ako sa kanya, "I'll be straight to the point with you Mr, I need you to be my date sa birthday party ng mamita ko. I know na ia-ask mo sakin na marami namang lalaki dyan na kilala ko na pwede kong i-ask pero I'm a Campus Queen and magiging issue ito kapag sa isang schoolmate ako mag-aask, so no choice at ikaw ang ia-ask ko kasi ikaw lang ang kilala ko na hindi ko schoolmate and I can pay you if you want? Just name your price."

"Look miss, okay, I'll be your date, but may consequence." And there he goes! His famous smirk!

"What?"

"Be my pretend girlfriend." He said.

"Deal. Just fall for me... Not." And I gave him my calling card and left him there amused. Mukhang ako lang yata ang nagsabi sa kanya nun because I left him dumbfounded.