"Ma, Pa, aalis na po ako," paalam ko, and they let me naman, I guess they realize na wala naman talaga kaming gagawin ngayon summer kaya hinahayaan nalang nila akong mag enjoy sa labas.
Tinignan ko for the last time ang itsura ko ngayon, I'm wearing jeans and a simple sweater na white paired with sneakers na white din. Tumango ako when I'm all done, I like wearing some comfortable clothes, na trauma na ako when I wore skirt. Kahit saan ako dumaan may sumisitsit, buti nalang kasama ko si Pakoy that time.
Pakoy or parekoy for short, Lourence Adisson Jung is my boy best friend, he's the kuya of Katie Elise Jung, one of my girl best friends. Pakoy is always protective of me, noong time na nagsuot ako ng skirt for a change ay may lumapit sakin na guy, hindi talaga natinag ang mga lalaki, di lang sitsit ginagawa, lumalapit pa. Then Pakoy took me out of that scene, pinaalis niya ang lalaki. Muntik na nga niyang magulpi buti nalang mataas pasensya ni Pakoy.
"'Te saan ka pupunta?" nagulat ako nang bigla nalang sumulpot si Zara sa likod ko while holding her cellphone.
"Somewhere sa isang simbahan, sama ka?" sabi ko, but of course I'm hoping na di siya sasama, ako lang inaya ni Junyte ang awkward naman if dalawa kaming it-treat ni Junyte. Pabigat pa, I mean ayoko naman ma -bored si Zara dito. Maybe after this ilalabas ko si Zara.
"No thanks 'te. Ano, nilunok mo ba lahat ng holy water at gusto mo nang araw-arawin ang pagpunta sa simbahan? Aba himala, so unlike you ate, goodluck sayo 'te, di ka sana masunog!" and nag wave lang siya tsaka tumalikod na.
Nakahinga naman ako ng maluwag doon, pero aba iyong bata na iyon, "Uminom ka din ng holy water kung gusto mo! Baka bumait ka pa ang tamad mo!" sigaw ko para marinig niya pero nag tongue out lang siya sakin kaya tumawa nalang ako.
Sumakay na ako ng tricycle, time check it is already 11:46 AM, hindi ba halata na excited ako? Hindi talaga halata kasi di naman talaga ako excited! Ano lang... Most punctual lang talaga ako diba diba?
When I arrived sa San Roque ay naramdaman and nalanghapan ko na agad ang fresh air, wah! Hindi man siya away from pollution, kasi sa labas ng San Roque ay puro mga cars na naman, at least hindi masyadong polluted. Nasanay na kasi ako sa big cities, Manila, specifically. Cebu is almost like Manila but only almost.
Kaya somehow, I feel at home whenever I'm in Cebu. Lalo na dito sa San Roque, this place is just so soothing. I hope I can explore more sa Cebu though.
Tumingin ako sa paligid, from here tanaw ko ang mini-market and kung saan kami huling nagkita ni Junyte, nasa labas ng mini-market and baba sa puno but walang tao doon. Sa basketball court lang talaga maingay dito eh, halos everyday may naka reserve na maglaro, well may laro naman talaga mamaya.
At dahil doon sa labas ng mini-market ang deal namin na magkita ni Junyte ay pumunta ako doon, and umupo nalang ako. Tumingala ako and I saw the stars in the morning again, it kisses my face. The twinkling light because of the leaves.
Hindi masyadong mainit dito, maybe because maraming mga puno. I really can live here if I got the chance na papiliin. Si Junyte kaya... Malapit lang kaya ang kanila dito? I familirized the way from my house papunta dito sa San Roque, it was just a straight way ride kaya na memorize ko kaagad ang daan.
Saan na ba siya? I check my wrist watch and it is already 12:29 PM, male-late ba siya? Malapit na mag ala una. Binibiro lang ba niya ako? Am I being pranked? The thought of it stings a bit.
Napagdesisyonan ko na papasok nalang ako sa basketball court, baka nandoon siya. I just have to check, since andun naman din ihe-held ang laro, like what Junyte said.
"So sino 'yong nakita ko na ka-close mo?" I heard a voice, narinig ko din ang pait na pagtawa nito, "How nice. My girlfriend with some guy, and hindi lang kahapon ko kayo nakita, napapansin ko kayo more than thrice pero I trust you Yna, so let me hear you explain," I can hear na pilit niya talagang marinig paliwanag nito.
I saw him alright. Nasa loob sila ng basketball court, nasa gilid ng bleachers on the right side. Pagkapasok ko pa lang I know boses na iyon ni Junyte. HIs voice is very unique. Napakalalim nito but hindi nakakatakot. In fact it is very soothing. Like his name. Nakita ko din ang isang babae na petite, na I think girlfriend niya. Nakatalikod si Junyte, and I saw his girlfriend's face.
Not bad. They look cute together. I admit. She's petite, pero mahaba ang buhok niya, unlike sakin, mahaba nga pero curly naman kaya di ko nilulugay. Her skin is almost like mine, she's pale while I'm pinkish sa face but maputi naman. Mas mataas pa ata ako sa kanya. She has style. Off-shoulder white cropped top paired with a white skirt with her white sandals.
"He's just... No one. You know, Tytus... Let's just end this. This is not working for the both of us," I scoff at what she said, siya na nga nakita na may kasamang ibang lalaki but then siya pa nakipag break? Oh boy.
Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Junyte, dahan dahan niyang inangat ang kanyang kamay and for a second akala ko pagbubuhatan niya ng kamay iyong babae but then his hands landed inside his pocket. I know he's not okay, kitang kita ko ang ugat ng kanyang right hand, I'm positive he's clenching his fist.
"Okay," he sighed so heavily that kahit ako nabibigatan din, "But I hope we'll be friends," halos manlaki ang mga mata ko, pero iyong babae napangiwi nalang. How can she reject some handsome guy na baliw na baliw sa kanya?
Yes, baliw itong si Junyte! What the heck, friends? Really?!
Umalis na ako when I feel like patapos na sila mag-usap, may puno malapit sa entrance ng basketball court na pareho lang noong nasa labas ng mini-market kaya umupo ako doon. That was hell of a drama.
Straight lang ang paglabas ng babae because hindi niya talaga ako napansin, mga ilang seconds ay lumabas na din si Junyte, para siyang namatayan, I feel sorry for him though. Hindi niya deserve ang ganoon babae.
"You okay?" nagsalita na ako.
Napalingon naman si Junyte sakin na halatang gulat, nag panic pa siya na tumingin sa wrist watch niya and napahilamos nalang sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad, "I'm sorry Chloe, h-hindi ko napansin," there's a hint of coldness and sadness in his voice kahit na he's trying to feel guilty, I know puma-ibabaw ang sakit sa kanya.
Ngumiti ako para mahawaan siya, "I guess ako manglilibre sayo ngayon," tumayo na ako and held his hand. I didn't mind, nakakakuryente but he needs my advice. Everyone said na ako ang advice queen, which I believe na totoo, people at my age ay hindi katulad ko na medyo mature na mag-isip. That's why my words of wisdom helps.
"C-Chloe, ako nalang," halos manginig na ako sa coldness ng boses niya, lalo na sobrang malalim ang kanyang boses.
Lumapit kami sa nanininda ng dirty ice cream, ngumiti ako sa kanya, "I insist. Right now, kailangan ng lover boy ng sweetness," and humalakhak na ako. Pinili ko ang chocolate flavor. Wala lang, I just remember his eyes kaya chocolate pinili ko.
Pagkatapos naming makabili ay pumunta na kami doon sa puno na nasa labas ng mini-market, I'm still holding his hand though kasi parang anytime babagsak na siya eh. He's not in his right mind. Paano nalang ito mamaya? Hays.
Tabi kaming umupo, tahimik lang siya at ako naman nagsimula nang kinain ang ice cream ko, "Oh, you didn't like the flavor na pinili ko? Bakit tinitigan mo lang Junyte? It will melt if you don't eat it," alalang tanong ko sa kanya.
Tumingin lang siya sakin and ngumit, I am sad kasi di umabot sa kanyang mga mata iyon, of course, he got dumped, "Ah no, actually favorite ko ang chocolates and anything sweets, I... I just don't have the appetite to eat," halos hindi ko na marinig ang last niyang sinabi.
I understand him naman, tumingala ulit ako, "Hmm, you know what Junyte? May stars kapag umaga," tinignan ko siya na nakatingin din sakin with his confused face that made me chuckle.
"May stars naman talaga, di naman iyan nawawala. Di lang nakikita," kahit anong pilit niyang gawin there's still coldness in his voice. Gusto kong mawalan ng pag-asa because I barely even know him, we just met freaking yesterday and I don't know paano siya i-comfort.
"Hmm, tingin ka sa taas," tinignan niya ako bago siya tumingala but I lock my eyes on him, "See that twinkling lights from above? It's a star. May nakikita pa din tayong star kahit umaga Junyte..." and nag chuckle ulit ako but mas mahina na ngayon.
Tumingin din ako doon, he's silent and wala siyang ni-respond sa sinabi ko, oh gosh, baka he thinks I'm silly or baka hindi niya na gets. Dahan dahan akong tumingin sa kanya, only to see him staring at me too, with that amused eyes, or mali ba ako.
Ako ang umiwas ng titig, I just can't stare at his chocolate eyes, parang black hole, like it will devour my soul and all of me. Kakatakot lang, alluring but risky.
"Wow..." napatingin ulit ako sa kanya and nakatingin na siya sa taas ngayon, "Yeah, you're right. The only star inside our solar system is the sun, which make those twinkling lights from above a star sa umaga, wow."
I saw his smile again, di umabot sa mata niya but this time it is genuine. Maybe it is called a sad smile, "You know what Junyte? People come and go. Some are just not meant to stay in your life. They may be a lesson or a blessing, maybe the girl kanina is just a lesson. You're strong, you calm yourself than hating and despising her and the third party, even though ikaw talaga may karapatan na magalit. How I feel bad for her," and I chuckle again, tumingin ako sa kanya and he's looking at me too, di ko mabasa ang nasa isip niya.
"Why do you feel bad?" tanong niya.
Ngumiti ako, and I'm trying very hard to be genuine, "Because iniwan niya ang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin siya," mahina kong sabi and I was hoping for a genuine smile from him but ang ginawa niya lang ay ang titigan ako.
Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganoon siya makatingin sakin. It was so deep na hindi ko talaga malaman kung ano iyon, I can't dive enough to read his thoughts, galit ba siya sakin or nawi-weirduhan ba siya sakin, I don't know.
"Tytus! Halika na!" sigaw ng mga lalaki na nasa labas ng basketball court at nakadungaw sa side namin.
Tumingin ako sa kanya and he did the same, nagulat ako sa paglahad niya ng kamay, "Halika na?" he gently said.