In the underworld, there are a mafia clan called Blue Pegasus. The founder of the clan is Timothy Arceneaux not his real name. Years pass and the clan become famous. In the underworld it became a top mafia syndicate. Besides its famous name, the clan is popular to be untouchable. Some higher authorities become its comrades and the breaking of human rights and violation continues.
As Blue Pegasus became top. It was been a home for thousands of reaper, assassins, hackers, scientists and inventors. As the population grow, the head master decided to build a villa. A villa where it's member can build their home inside. The most attractive inside the villa is the main mansion. A mansion where the main family lived. A mansion that I define as the palace of the hell.
"Unnie! Were here." naalimpungatan ako sa pagyugyog sa akin ni Frost. Kaagad akong bumangon at nag-inat pero tumama ang kamay ko sa rooftop nang kotse.
"Unnie! kahit kailan talaga napaka antukin mo." ani Blade sa akin. Nginitian ko na lamang siya na ikinagulat niya.
"Nakita mo yun, Night unnie!" halos hindi makapaniwalang wika ni Blade. Hindi na ako nagtaka kung bakit iyon kaagad ang reaksyon niya. I have an image of an cold assasin. I don't usually smile. Kung mag smile man ako ay napakarare na nun.
Di ko alam, di ko lang talaga type ngumiti. Ngumingiti naman ako pero yung alam kung natutuwa talaga ako. Pinaka hate ko yung ngiting pilit. Bakit kapag ngumiti ka ba nang peke di pa rin niya malalaman na hindi genuine yung ngiti mo sa kanya? Of all the things, I don't like liar people. Aaminin kung nagsisinungaling din ako kung minsan ngunit ang ayaw ko lamang at yung mga pinepekeng feelings. Yung mga magaling magkunwari.
"Ngumiti si Ice unnie!" aniya habang pumalakpak pa.
"Oo nga, oo nga." wika naman ni Night at tuwang-tuwang nag-apiran pa silang dalawa.
"Mga baliw na." narinig kong reklamo na lamang ni Frost sa tabi ko.
Napabuntong-hininga ako habang hinihimas ang aking sintido. Nagkabalikan na naman ang kambal-tuko. Okay na naman kasi kami ni Night kaya bumalik na naman siya sa pagiging childish niya. May saltik yata talaga tong dalawa kung kapatid.
Nauna kaming bumaba nang kotse ni Frost. Iniwan namin sa loob ang mga loka-loka. Nang mapansin nilang bumaba kami ay nag-unuhan ang mga itong makababa. Tsk! Kailan pa kaya titino tong mga to?
It's been a week since we left Korea, with new identity and new life with our tsk--new tita-mom. Yea! Naging upgraded siya at gusto na niyang tawagin namin siyang tita-mom and guess what, nadagdagan ang psycho sa buhay namin ni Frost. She spoiled us. No! Let me correct myself, she over spoiled us. Noong isang araw halos punuin na niya ang bahay nang tsokolate mula sa bussiness trip niya galing London dahil iyon ang bilin nang loka-lokang si Blade. Natatawa na lamang si Shine at Shimmer dahil hindi naman ganoon dati si Ms. Monica nila. Naging weird lang yata nong dumating kami sa buhay niya. Minsan naisip ko nga na baka nakasinghot nang katol kaya ganoon. Pinagpaplanuhan na nga siyang dalhin ni Frost sa mental. Isasama daw niya ang kambal-tuko naming mga kapatid.
"Unnie! This school is so awesome." papuri ni Blade.
"Oo nga!" sagot naman ni Night.
"Im not talking to you." ani Blade tsaka siya yumakap sa akin. Natatawa na lang ako kung minsan kay Night kapag ito ang sumasagot sa tuwing ako ang tinatawag nina Blade at Frost. Siyempre unnie din tawag ni Blade at Frost sa kanya dahil mas nauna siya kaysa sa mga ito.
"Im not talking to you too." sagot naman ni Night tsaka pa niya inismiran si Blade at yumakap kay Frost.
Ganyan yang kambal-tuko na mga yan. Kung minsan partners in crime kung minsan naman magkaaway, pranksters at iba pa. Kung kasama mo silang dalawa sigurado akong hindi tatahimik ang mundo mo.
"Tama na yan." awat ko sa dalawa. Ang kulit na kasi.
"Frost--este Spring. Samahan mo sila." utos ko. Kailangan ko na yatang sanayin ang pagtawag sa kanilang mga bagong pangalan. Isa pa'y baka may makarinig nang mga codenames namin dito at ma identify kami nang mafia.
"Unnie! Huwag mo akong iwan sa dalawang to." pagmamakawa ni Spring. Tinulak ko si Summer kay Spring kaagad namang niyakap ni Summer si Spring na parang tuko. Dagdagan pa si Night--este si Autumn na nasa likod niyang naka akap din. Ang hilig talagang tuksuhin nang dalawa itong si Spring.
"Ikaw na ang bahala sa kanilang dalawa." bilin ko sa kanya.
"Bakit saan ka pupunta?" tanong ni Spring na pilit lumalayo sa kambal-tuko.
"Matutulog." nagpout siya. Pininch ni Summer ang pisngi niya kaya medyo napatawa ako nang magreklamo siya at tinampal ang kamay ni Sum.
"Tawagan niyo na lang ako sa phone, pag-uuwi na." dagdag ko pa.
"Unnie! Help me." pagmamakaawa sa akin ni Spring. Natatawang tinalikuran ko na lamang siya. Mamaya titigil din yung dalawang yun.
Sila naman umistorbo sa pagtulog ko 'eh, di mag-sama silang tatlo. Mga excited' kasi, sa lunes pa naman ang klase. Sabado pa lang ngayon. Gusto nang pumunta sa school. Ayaw ko sanang sumama dahil balak kung matulog maghapon pero ang mga walangya hinila ako palabas nang kwarto. Ang sakit tuloy nang likod ko.
Habang naglalakad upang makahanap nang matutulugan ay napadaan ako sa gym. Malawak ang school na' to. Halatang mga mayayaman ang mga narito dahil ang ganda sa loob. Bakit kaya dito kami ininroll ni Tita Monica? Im not going to call her tita-mom baka lumawak ngiti niya pag tinawag ko siya nang ganoon.
Tumalikod na ako at aalis na sana nang may naramdaman akong bagay na tumama sa paa ko. Pagtingin ko bola.
"Miss, pwede pakipasa." narinig kung tinig nang isang lalaki. Pinulot ko ang bola at lumingon sa kanya. Kumunot ang noo ko na iba ang itsura niya. Umuwang yung bibig niya. Parang nakakita nang na kung anong bagay na ikinagulat niya. Napatingin ako sa likod ko, wala naman. Weird naman niya.
"Oh! bola mo." kaagad naman siyang nabalik sa sarili niya nang magsalita ako. Ipinasa ko ang bola sa kanya. Nilakasan ko dahilan para mapa-atras siya. Tsk! Type yata ako nang bwisit na to' ah. Wala sa likod ko ang tingin niya kundi sa mukha ko.
Tinalikuran ko na siyang nga-nga parin. Ngayon lang ba siya nakakita nang maganda? Tsk! Habang naglalakad ay nakakita ako nang classroom na nakabukas. Dito kaya ako matulog? Wala naman kasi akong makitang mapwestuhan at tsaka walang tao sa loob pwede na sigurong matulog sa loob. Kapagka may naglock makikita naman nilang may natutulog sa loob.
Napangiti ako at mabilis pa sa alas kwarto na pumasok sa classroom. Naghanap muna ako nang mapwestuhan tsaka umupo sa isa sa mga desk doon. Hay salamat wala nang distorbo. Wala na yung mga kapatid kung mga pasaway.
Nasa kalagitnaan ako nang pagtulog nang nagvibrate ang phone ko sa bulsa. Siguro'y sina Fros-este Spring na ito at tinatawag na ako para umuwi. Hay kailan pa kaya ako makakatulog nang tahimik na walang distorbo? Ihinilig ko ang mukha ko sa desk at napatingin sa kanang gawi.
Nagulat ako nang may mga pares na mga matang nakatingin sa akin. May isang lalaking nakaupo sa kabilang row. Nakahilig din ang kabilang pisngi niya sa desk habang nakatingin sa akin. Parang huminto ang oras at hindi ko man lang namalayang natapos na sa pagvibrate ang phone ko sa bulsa sa sobrang titigan naming dalawa.
May kung anong bulate sa tiyan ko nang ngumiti siya sa akin. Anong nangyari sa akin? Kaagad akong tumayo upang makalayo sa lugar na iyon. Ang lalaking iyon, mayroon ba itong hipnotismo at hindi ko man lang nailayo ang titig ko sa kanya. Ngunit sa tanang buhay ko ay wala pang taong kayang makipagtitigan sa akin. Wala. Dahil sa huli'y sila parin ang umiiwas nang tingin. Pero kakaiba ang mga pares nang matang iyon. May kakaiba akong naramdaman sa lalaking iyon.
"Hello!" sagot ko sa tawag ni Spring.
("Unnie! Were are you? Uwi na tayo nasa kotse na kami")
"I'll be right there." sagot ko sa kanya.
Kaagad na akong tumakbo papuntang parking lot pero napalingon ako nang may tumatawag sa akin. Nang tingnan ko yung lalaking nakipagtitigan sa akin sa loob nang classroom kanina. Nakangiting kumaway siya sa akin. Problema nang lalaking yun? Kilala ko ba siya?
"Where have you been, unnie? Kanina pa kami tawag nang tawag sa 'yo." tiningnan ko nang masama si Summer. Pabebe na naman kasi ang boses niya.
"Sleep." tipid kong sagot tsaka na pumasok sa loob nang kotse.
"How's the school?" ngumiti sa akin si Autumn. Ngiting alam ko na. Hindi na ako nagulat nang tumili siyang parang kiti-kiti.
"Sistah! This is the best school ever. Ang daming mga gwapo dito." anya na kilig na kilig pa. Parang hindi assassin kung umasta tong isang to.
"Ang sabihin mo, daming abs kamo. Nge! Kadiri ka ate." Napatawa ako sa sinabi ni Sum.
Night has this kind of obssesion of abs. Pusta ko nanilip na naman yan sa mga locker rooms. Kung minsan pinagsasabihin namin kaya nagtatanda na din. Pero alam naman niya ang limitasyon niya. Hobby lang talaga niya ang humawak nang abs nang hindi lamang mga lalaki kundi pati din ba mga babae. Dumating pa nga sa puntong bawal nang lumabas sa boung villa ang nakatopless. Ipinagbawal nang aming ama para kay Autumn.
Among us, Autumn is known as body perfectionist. Siya nga ang pinakamaitim samin pero siya naman ang may pinakamagandang katawan. Hindi naman siya masyadong tan. Medyo maitim lang ang complexion nang skin niya kumpara sa aming tatlo. Pero ang skin niya ang mas nagpasexy pa sa kanya lalo.
"Pwede ba unnie, stop craving about boys body. There's nothing unique about them." here we go. The man-hater Blade Arceneaux. Hindi ko nga alam kung bakit naging man-hater yan. Basta! Naiinis siya kapag may umaaligid saming mga lalaki though wala naman dahil wala namang lumalapit sa amin sa villa. Takot lang nila.
We didn't attend gatherings outside. Bawal sa amin para na din sa proteksyon namin. Kung mayroon man, kailangan naming magsuot nang fake face mask which I feel annoying. Kahit lumabas nang villa fake mask din. Gaya nang sabi ko, ang mga tao lamang sa villa ang nakakita nang mga totoong mukha namin. Pero ang mga tao naman sa Villa ay certified loyal sa Blue Pegasus. Kaya safe ang sekreto nang pagkatao namin.
"Hayaan mo na ako sistah, eh! Ang ganda tingnan eh." ngumiti si Autumn.
"Tama si Summer, Autumn. You should stop your obssesion about someone's body. Hindi natin alam at baka may mangyari pang masama sayo." Nagpout lamang siya sa sinabi ko.
"Nag-aalala lamang kami sayo unnie, wala na tayo sa mansion, sa villa. Ibang mundo na itong kinalalagyan natin. Sa mundong ito ang lahat nang ipinagbawal sa atin ay makukuha natin sa isang pitik lang. Ayaw ko lang sumobra at sa huli'y mapasama ka." napatingin kami kay Frost. Andiyan na naman yung pagiging nanay niya.
"Sabi nga ni----asskfkfkkflf." kaagad na tinakpan ni Summer ang bibig ni Spring. Mag dedemo na naman kasi ito nang mga sayings nito na nababasa nito sa mga libro. Kung minsan nakakainis ding magkaroon nang genius na kapatid. Napailing na lang ako. Hindi lang pala dalawa ang psycho sa mga kapatid ko. Nakalimutan ko na kung minsan nagiging psycho din itong si Spring.
"Tama na sa mga saying's mo Spring. Okay na eh, okay na eh." halos matawa ako sa itsura ni Sum.
"Dadagdagan mo pa nang mga saying's eh." dagdag pa niya tsaka na niya pinakawalan ang bibig ni Spring.
"So, how's the school?" pagbabalik ko sa tanong ko.
"Its fine. The facility is fine. Hindi nga lang namin alam kung maganda parin ba ang quality nang education." sagot ni Spring na masama ang tingin kay Summer na ang lawak naman nang ngiti. Kailan pa ba tinablan nang iritasyon ni Spring si Summer. Never! kahit magtampo pa si Spring ay napapatawad parin nito ang kalokohan ni Sum nang hindi natatapos ang araw.
"Knowing tita-mom, hindi naman niya tayo ipapasok sa hindi magandang school. Eh! Alam niyo naman kung gaano ka obsses yon sa 'tin."
Speaking of her. She's calling me on my phone. Kaalis lang niya nung isang araw para sa bussiness trip niya sa Paris at sigurado akong may pasalubong na naman yun dahil may ibinilin na naman ang kambal-tuko.
"Yes tita." napatingin sa akin ang tatlo nang banggitin ko si Tita Monica.
("Tita-Mom.") hindi ko siya sinagot sa ipinagpipilitan niya sa akin. Alam niya namang nachicheesesan ako sa gusto niyang itawag ko sa kanya eh.
("Just kidding.") Tumawa siya sa kabilang linya. Ini-on ko ang loud speaker para marinig nang tatlo ang hagalpak niyang tawa.
("Where are you? Are you with the three?")
"Yea."
("Sunduin niyo ko dito sa airport, kung di magwawala ako dito.")
"Seriously!" napatingin kami sa magreact na si Spring. Naparoll eyes na lang siya. Hindi na naman yata naka-inom nang maintenance ang Tita Monica at tsk! kung ano-ano ang sinasabi.
"We didn't know how to go there Tita-Mom. Hindi pa namin kabisado ang daanan dito sa Pinas, remember." si Autumn ang sumagot.
("Yea. Ngayon ko lang naalala---kung ganoon magpapasundo nalang ako kina Shine at Shimmer.") kung hindi ako nagkakamali. Humahaba na naman ang nguso nito.
"Sige Tita,vkita na lang tayo sa bahay." wika ko tsaka na pinatay ang tawag. Knowing her, sigurado akong hindi niya kami titigilan kapag hindi ko kaagad pinatay ang tawag. Akala ko noong una, she kinda a quiet person. She really mysterious for me on the first place ngunit nagkamali pala ako cause she's talkative. Well, she's talkative to us but cold to others. Namana ko yata sa kanya ang ugali ko. It's so unbelievable parin sa amin na kapatid siya ni mom.
Alam na namin kung paano sila naging magkapatid ni mom. She's a half sister of our mother. Pareho sila nang ama pero magkaiba nang ina. Ruther Verschaffelt is their father. Isa itong Norwegian national. Nakilala nito ang ina ni mommy na si Emma Young isang filipino-korean. Pero limang taon palang noon si mommy nang mamatay si lola Emma. Umibig muli si Lolo at nakilala ang ina ni Tita Monica na si Suzzane Rodriguez, isang spanish. Ito na din ang tumayong ina ni Mom mula nang mag-asawa ang dalawa.
Tinanong ko kung bakit walang nakukwento si mommy nang tungkol sa kanyang pamilya sa amin. Lalo na't totoo ang sinasabi ni Tita Monica dahil may mga larawan sila noong bata pa sila kasama si Lolo Ruther at Lola Suzzane at mga dukomento din na nagpapatunay na si mommy ay totoong kapatid niya. There's one reason that I got from my biological aunt.
"To protect her family and her identity."
Tumatatak ang mga salitang iyon sa aking isipan. Kung naisip ni Mom ang kaligtasan nang pamilya niya bakit siya pumayag na magpakasal kay Dad? Is it because of love? Pinilit kaya siya ni Dad? Pero bakit hinayaan niya ang sarili niyang mahulog sa demonyo naming ama? Why she stay beside him even he was too cruel? Why she let us became an assassins and killed those people even we don't want to? Kahit pa man anong piga ko sa utak ko ay wala akong sagot. Akala ko noon kilalang-kilala ko na si Mom pero lumalabas pa yata na marami pang sekreto ang hindi nabubunyag tungkol sa kanya. Para siyang butas na napakalalim. Kailangan nang panahon para marating ang pinakadulo nito.
"Uwi na tayo." napakurap ako nang mata sa sinabing iyon ni Autumn. I didn't know that I almost forgot about them while thinking about how mysterious our mom is.
Binuhay ni Autumn ang makina at pinaharurot ang kotse palabas nang campus.
"Unnie! May balita ka ba sa clan?" tanong ni Spring. Umiling ako.
"After we got here, Wala na akong balita." sagot ko.
Alam ni Tita Monica ang nangyayari sa loob nang mansyon. Andoon si Ash na nagrereport sa kanya. At alam kung pag may masama mangyari o ma'y banta ay sasabihin niya sa amin. Sa ngayon, ayaw ko munang makarinig nang tungkol sa Blue Pegasus.
"Ayaw ko munang makarinig nang tungkol sa clan." dagdag ko pa na ikinatango lamang ni Spring.
Ilang minuto din ay nakarating din kami sa bahay. Malaki ang bahay na inuukupa namin. Si Tita Monica naman ang may-ari. Binuksan ni Shine ang gate nang bumusina si Autumn. Matapos maipasok sa garage ang kotse ay bumaba na kami. Kababa pa lang namin nang salubungin kami ni Tita Monica.
"I miss you all girls." pinagyayakap niya kami at pinaghahalikan isa-isa.
"Tita-Mom, it just two days." ani Summer.
"Two days is like year for me, my dear." ngumiti siya sa amin nang malawak.
"May pasalubong ako sa inyo." kaagad na lumiwanag ang mata nang kambal-tuko. Tita Monica is spoiling us. Sana nga lang di lumaki ulo nang dalawa sa mga gifts nito.
"Is it a cake?" umiling si Tita Monica sa tanong ni Autumn.
"What is it then?" ngumiti siya sa amin. Iginiya niya kami sa loob nang mansyon.
Sa living room may apat na paper bag na nasa ibabaw nang mesa malapit sa sofa.
"I know girls na magugustuhan niyo to. This is a special gift from your Tita-Mom." isa-isa niyang binigay ang mga paper bags na pasalubong niya sa amin.
"Open it girls! Open it. Alam kung magugustuhan niyo ang mga iyan." tuwang-tuwa si Tita Monica habang sinasabi niya iyon. Halatang excited siya.
Binuksan ko ang paper bag na binigay niya sa akin at kaagad na tumambad sa akin ang flower dress na blue. Oh! No. Not this one. Napatingin ako sa mga kasama ko. Nakakunot ang noo ni Spring habang hinihila palabas nang paper bag niya ang kulay green na dress katulad nang design nong sa 'kin. Tiningnan ko yung kay Summer at Autumn ganoon din. Yellow yung kay Summer at Red naman yung kay Autumn.
"Blue sa'yo Wynter cause your an Ice. Autumn, Red dahil iyon ang kulay nang dahon kapag tag-lagas. Summer, yellow sa'yo dahil simbolo nang tag-araw. And green for you Spring dahil panahon nang tagsibol." mahabang paliwanag niya sa color choices niya na hindi ko mapigilang mairap. Are we a power rangers na kailangan may sariling kulay? Tsk!
"Oh ano girls, nagustuhan niyo ba?" tuwang-tuwang wika ni Tita Monica. Habang sinusukat kay Summer ang dress na binili niya. Hinawakan siya ni Summer sa kamay upang tumigil ito sa ginagawa.
"Tita-Mom, were not a flower girl." naiwika na lamang niya dito. Napailing na lang ako at tinalikuran sila. Nakita kung tinalikuran din siya nang tatlo.
"Ah, girls. Girls." pilit niya kaming tinatawag ngunit dumiretso kami sa mga kwarto namin.
"GIRLS SORRY! I BUY IT BECAUSE I THOUGHT IT WAS KYEOPTA!" napangiti na lamang ako sa sigaw ni Tita. She's seriously another psycho.
*****