Chereads / Relasyong T-Bird / Chapter 2 - Chapter 2: PAGHANGA

Chapter 2 - Chapter 2: PAGHANGA

"Sorry po talaga kase hindi napo kase ako pwede malate kase last warning ko napo ito. Hanggang tatlong beses lang po kase kami pwede malate every month.." wika ni Mildred sa babaeng gwardiya na kung kanina lang ay nakasimangot ang mukha sa kanya at mataas ang boses ngunit ngayon ay nakatingin na lng sa kanya at parang napako na sa kanyang kinatatayuan.

" Hello po!! okey lang po ba kayo? Sorry po talaga sa nangyari. Hayaan mo po hindi na mauulet" wika parin ni Mildred sa babaeng gwardiya na pakiwari niya ay para na lang siya nakikipagusap sa hangin. At nang magsasalita ulet si Mildred para magpaliwanag ay doon pa lang ulet natauhan ang gwardiyang babae. "Ahmmmm!!!! si.. si.. sigeeee ayos lang"..na halos mautal-utal at hindi parin inaalis ang tingin ng babaeng gwardiya sa mukha ni Mildred.

Ilan segundo pa ay tumalikod na ang babaeng gwardiya at humakbang na papalayo na kung kanina lang ay mabibigat ang mga yabag ay heto ngayon na kalmado at parang walang nangyari.Habang papalayo pinagmasdan na lang siya ni Mildred. "Haissstt!!! ano kaya nangyari dun??? Pero infairness ang ganda niya pala.. mukha siyang mestisa. Parang hindi bagay sa kanya ang maging gwardiya. Sa height niya, katawan?????Uhhhmmmmm... at teka mas maganda siya lalo habang namumula siya kanina sa inis niya saken, hehehehehe".. wika na naman ni Mildred sa sarili habang lumalakad narin siya patungo sa selling area na napapangiti siya magisa sabay tapik ng mukha niya. "Wooohhhhh!!! Mildred ang werdo mo ha?? bakit ganyan ka makareaksiyon sa babaeng gwardiya na yun???! Maganda ka rin kaya.. halos pareho nga lang kayo ng height nun e at saka hindi rin nagkakalayo katawan ninyo? Yun nga lang mas maputi siya sayo tapos ikaw naman ay morena"....at kinakausap na nga ni Mildred ang sarili niya magisa hanggang sa hindi na niya namalayan nakarating na pala siya sa deparment niya.