"Mildred...!.. sigaw ni Ms. Gonda, ang kaniyang masungit na manager." Late kana naman?!.. Magbubukas na ang store hindi ka man lang nakakapagtanggal ng alikabok pa ng pwesto mo. Mga paninda mo hindi mo parin pa naaayos tapos wala karin make-up. Ang buhok mo basta mo na lang itinali....may nakalaylay pa na buhok. Ayusin mo nga yan sarili mo! Wala ka man lang kagrooming- grooming. Pagbalik ko kelangan maayos na lahat... Be ready for customers."...at tumalikod na nga siya at nagcheck naman sa ibang Department. Pagkatapos niya marinig ang maagang sermon ni Ms. Gonda saka pa lang naging normal ulet isip niya. Inalis na niya muna ang babaeng guwardiya na yun sa utak niya at nagsimula na siya sa mga dapat niya gawin.
Sa kabilang dako.. sa employees entrance nakatayo naman si Jessy at nagchecheck ng bawat empleyadong pumapasok. Jessy ang pangalan ng babaeng guwardiya na sumita kay Mildred. First day niya sa branch na iyon na isang kilalang mall sa Makati kaya medyo mahigpit siya. Pero hindi talaga mawala sa isip niya si Mildred.. ang maganda nitong mukha na kahit medyo hindi maayos ang pagkakatali niya sa buhok ay angat parin ang kaniyang kagandahan. "Haissst!!!! Ano kaya pangalan ng magandang babae na iyon? Puntahan ko kaya siya maya sa department niya. Kaso saan naman kaya siya department???.. Gusto ko talaga siya makilala.. Haaay! bahala na. Basta maya break ko hanapin ko siya. Sana hindi siya naturned-off saken kase nasungitan ko siya kanina. Siya na ata ang soulmate ko.. Thank you Lord??!!!! hehehe" napapangiti sa sarili si Jessy.
Si Jessy ay isang babae pero may puso na lalake. No boyfriend since birth rin siya kase wala sa bukabularyo niya ang magboyfriend kahit marami nagkakagusto at nagtatangka manligaw sa kaniya ay hindi niya pinapansin mga iyon. Ang pangarap niya makasama sa buhay ay ang isang katulad ni Mildred na unang nakita pa lang ni Jessy ay naging interesado na siya makilala ito.