Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Unexpected Kaede

🇵🇭yukihirobi
--
chs / week
--
NOT RATINGS
15.4k
Views
Synopsis
Isang nerd at isang nobody ang pagtatagpuin muli sa isang reunion party, isang party na sisira sa kanilang magkakaibigan. Uusisain ni Jee (Kim Ji Won) ang buhay ni Kaede ( Younghoon) at kikilalanin niya ito para malaman ang misteryong bumabalot sa binatilyo. Malaman din kaya nya na hindi lang ordinaryo ang pagsasamahan nilang magkakaklase? ***Mature Content***

Table of contents

Latest Update2
Two6 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - One

"Jee may magaganap raw na high school reunion party sa Martes. Ite-text ko sa'yo yung ibang detalye" wika ni Shaine sa kabilang linya, halata ang pagkasabik nya sa kaniyang boses dahil makikita niyang muli ang crush nyang si Kaede.

Hindi makakaila na napakakisig nya pero misteryoso din. Naaalala ko na tuwing papasok kami sa klase lagi lang syang tulog, hindi naman sya mapagsabihan ng mga guro namin dahil tuwing may exam o pagsusulit sya ang nakakakuha ng pinakamataas na marka.

Sya rin ang first honor sa klase namin. Maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya, pero hindi nya ito pinapansin.

Sabi nga nila bahay – eskwela ang buhay nya. Si Davis lang ang tanging nakakakilala kay Kaede. Pero walang nakakaalam kung sino si Davis sa buhay ni Kaede, kung kapatid nya ba ito o kaibigan.

Tumunog ang cellphone ko, binukas ko ang message galing kay Shaine.

5pm sharp dapat nasa meeting place na ang lahat. Sa harap ng school natin. Tapos pag lahat ng makakapunta ay naroon na saka tayo aalis lahat papunta kina Davis. Sabi nila nagrent daw si Karina ng bus para magkasya ang lahat dun. Excited na ko ayieee!!!

Message ni Shaine sa akin. Alam ko deep inside na nagtititili na sya.

Ok, I'll go text ko sa kaniya

Nag ring ang telepono namin, kahit tinatamad na ako tumayo ay tumayo parin ako, " Hello?"

" Jee , kumusta ka na." malalim ang boses nya, pero di ko sya mabosesan.

"Sino ito? Paano mo nalaman pangalan ko?" kinakabahan ako at sa taranta ko ay ibinaba ko ang telepono sabay hang nito.

Dahan dahan akong napaupo sa aking kama, natulala, iniisip ko kung sino nakausap ko. Umiling iling ako para mawala iyon sa aking isipan.

Ibinagsak ko ang aking hapong katawan sa aking kama. Ilang minuto lamang ay naramdaman ko ang pagkaantok.

Nagising ako ng tanghali, tinignan ko muna ang aking cellphone, napagtanto ko na walang message sa akin si Shaine...

Tumayo na ko at inayos ko muna ang aking sarili bago ko ipinihit ang doorknob, at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako papunta sa kusina, nakita ko na abala ang aking ina sa pagluluto ng aming tanghalian.

Mula sa likuran ay niyakap ko sya, " Hi, ma. Ano po niluluto nyo?" wika ko sabay langhap ng niluluto nya

Alam kong napangiti si mama sa ginawa ko, hinaplos nya saglit ang kamay ko na nakayakap pa rin sa bewang nya, " Ito ang paborito ng papa mo, yung Galbi-jjim. Kahit wala na siya ay kailangan pa rin natin alalahanin ang mga ala-ala na naiwan nya sa atin." Bakas ang lungkot sa kaniyang boses, kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya, pansin ko na napaluha si mama dahil nagpunas sya ng mata.

Nilingon nya ko ng nakangiti, "Mag asikaso ka na Jee , pupunta tayo sa papa mo." tapos non ay binaling nya muli ang kaniyang atensyon sa pagluluto. May kirot akong naramdaman sa aking puso.

Mag- tatatlong taon na pala na wala na si papa. Iniwan kami ni papa noong dumayo s'ya para bisitahin ang kaniyang mga magulang sa probinsya. Sabi ni mama ay bigla na lang raw tumawag ang kapatid ni papa na umiiyak. Inatake raw si papa ng kaniyang altapresyon; nang isinugod nila si papa sa ospital ay dead on arrival na sya.

Inayos agad nina tita, lolo at lola ang mga dokumento para maiuwi si papa dito sa Nowon-gu.

Halos apat na araw na nakaburol si papa, binigyan ni mama sina lola ng pamasahe para makaluwas dito.

Ilang araw ding tulala si mama dahil sa pagkawala ni papa. Mahal na mahal sya ni mama. Hindi rin sya nakakilos ng maayos dahil sa depresyon, sinamahan muna kami ni Tita Hee-Young at sinustentuhan kami pansamantala ng kaniyang mga kapatid, samantalang ako ay patuloy sa pag - aaral sa eskwela, napag alamanan ng eskwelahan ko na namatay ang aking ama kaya tulung tulong sila sa pag ipon ng abuloy, kahit late na ay iniabot nila sa akin iyon. Laking pasalamat ko sa kanila, hindi ko alam kung paano nila nalaman iyon, kaya nagtanong ako sa faculty pero hindi nila binanggit sa akin.

Tatlong buwan ang lumipas at nagkaroon ng sariling business si mama, isang cafè and restaurant na ang main star ay ang paborito ni papa na Galbi-jjim. Iyon din ang naging siurce of income namin para maibili ang mga pangangailangan naming dalawa.

*****

Ang dami ng nangyari ngayong araw, may reunion kami kinabukasan, may unidentified caller, tapos ngayon aalis kami ni mama...nakakapagod.

Nagtungo ako agad sa kwarto ko, tapos diretso sa palikuran para maligo. Naalala ko nanaman yung tumawag kanina, infairness ang gwapo ng boses nya...

No, Jee!

Ugh, ano ba iniisip ko... umiling- iling na lang ako para mawala sya sa isipan ko. Binilisan ko na lang maligo para makapamili pa ako ng susuotin.

" Jee , tapos ka na ba?" tanong ni mama mula sa labas ng aking kwarto

"Magbibihis na po ako, ma"

"Sige anak. Mag aayos na rin ako, antayin mo na lang ako sa sala."

" Okay, ma" sagot ko habang namimili ng damit sa cabinet ko.

Kinuha ko ang high waist ripped jeans na matagal ng nakasabit doon sa cabinet ko, pagkatapos naman ay ang puti kong tube at yellow cardigan, nag sneakers na lang ako dahil hindi naman party ang pupuntahan namin.

Inayos ko na agad ang mga pinag gamitan ko at bumaba sa sala. Nakita ko na hindi pa nailalagay ni mama ang mga baon namin sa bag, kaya inayos ko na agad iyon at inilagay naman sa dishwasher yung mga pinag gamitan nya sa pagluto ng baon namin.

Ilang saglit pa ay naririnig ko na ang mga yabag ni mama. Naka puti syang v-neck na t-shirt at simpleng  jeans, tapos high cut na sneakers.

Simple pero maganda...

" Jee , ano sa tingin mo ang suot ko? Maganda ba?" tanong ni mama habang conscious sya na nakatingin sa damit nya, ngumiti lang ako at alam nya na ang ibig kong sabihin dun.

"Ma, inayos ko na ang baon natin." sabi ko habang hawak ko ang baunan namin

"Dinala mo ba ang jacket mo, Jee ?" sabi naman ni mama habang kinukuha ang susi ng sasakyan

"Nasa kotse, ma yung mga jackets"

Napatango na lang si mama, sumunod naman ako agad sa kaniya sa labas.

Nagsisimula ng maging berde ang mga damuhan, isang senyales na patapos na ang tagsibol at papasok na ang tag-araw.

Binuksan na ni mama ang kotse habang  ni-lock ko naman ang bahay. Lumapit na ako sa kotse, at binuksan ang passenger's side.

Tinignan ako ni mama habang paupo ako sa passenger's seat, nakangiti sya at nakatitig sa akin " Kamukhang kamukha mo talaga si Joon Woo"

Nangiti na lang ako dahil halos lahat sila yun ang sinasabi sa akin, kamukha ko raw si papa.

Nilingon nya muli ang steering wheel at ini-start na ang sasakyan. Hindi pa kami nakakalayo ay bigkang umulan ng nyebe. Nabigla naman kami. "Sana ay hindi tumagal yang snowfall..." nag aalalang bulong ni mama

"Hindi yan, ma." lumingon sya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa pinaglibingan kay papa, pina-cremate na sya nina mama. Tumigil ang snow pagkababa namin ng sasakyan.

Pumasok kami sa isang parang bahay kung saan naroon ang iba't ibang klase ng urns, doon nakalagay ang mga abo ng mga namayapa nilang kamag -anak. May iilang tao din na naroon at bumibisita.

Nilagay ni mama ang picture namin noong graduation ko, ang ribbon cutting ng business namin at ang naipundar naming bahay sa loob ng cabinet, kung nasaan ang abo ni papa.

"Joon Woo, pasesya ka na kung ngayon lang kami nakadalaw ulit ni Jee. Graduate na si Jee ng college, saka ayos naman kami. Ikaw ayos ka lang ba kung nasaan ka man?" biglang naiyak si mama

"Miss ka na namin, appa." bulong ko habang hinihimas ang likod ni mama.

Pinunasan agad ni mama ang mga luha nya at pinakalma ang sarili.

Napansin kong parang may nakatingin sa amin, sa lugar namin ni mama kaya nagpalingon lingon ako. Napansin ko ang isang lalaki, kumaway sya sa akin at ngumiti...