Chereads / Unexpected Kaede / Chapter 2 - Two

Chapter 2 - Two

Tumingin ako kay mama para maiwas ang aking paningin sa kanya, baka hindi naman ako ang kinakawayan nya. Nag alay na lang ako ng dasal para kay appa.

Ilang minuto lang ay nakita ko ang paglisan nya. Tinapik ako ni mama ,"Jee, may problema ba?" nag aalala sya habang nakatitog sa aking mga mata.

"Wala po, namalikmata lang po ako" sagot ko naman.

"Joon... aalis na kami ni Jee. Baka gabihin kami masyado sa daan..." panimula ni mama, hinaplos nya ang salamin ng storage kay papa at nagsalita muli si mama, "Mahal na mahal ka namin Joon..." Unti unting naglakad si mama papalayo, nakasunod lang ako sa kanya, at muli nakita ko yung lalaki kanina. Pamilyar ang mukha nya, pero di ko alam saan ko sya nakita.

Naglakad kami ni mama papunta sa sasakyan. Tahimik lang ang buong byahe namin ni mama, binukas ko na lang ang sounds sa radyo para hindi masyadong tahimik sa kotse.

Tumigil si mama sa isang restaurant, " Kain muna tayo Jee... Na baegopa ( I am hungry)."

"Okay eomma" sagot ko sabay labas sa kotse.  Pagkalock namin ng sasakyan ay pumasok na kami sa restaurant. Nag - bow sa amin ang waiter,  " Ijjog-euloyo. (This way.)". Inalalayan kami ng waiter papunta sa isang three seater na table at ibinigay sa amin ang menu nila.

Lahat ay masarap, lalo na ang mga best dishes nila:

Dakkochi (Korean Chicken Skew

Bindaetteok ( Mung Bean Pancake)

Jjinmandu ( Steamed Mandu Dumplings )

Dolsot Bibimbap ( Hotpot Mixed Rice)

Saengseon Jjigae ( Fish Stew)

Kimchi Jjigae ( Kimchi Stew)

Sundubu Jjigae ( Soft Tofu Stew)

"Jee..." bulong ni eomma

Napansin ko na naglalaway na pala ako, natawa na lang ng mahina si mama habang ineenjoy ang 30 seconds ng kahihiyan ng buhay ko. Kaya para hindi na ako mag laway ay nag order na kami ng Bindaetteok, Jjinmandu, Dolsot Bibimbap at Saengseon Jjigae, isinama rin ni mama ang niluto nyang galbi-jjim.

"Jee, dahan dahan lang..." bulong ni mama

"Ang sharap nyung mangkaen " sabi ko habang may laman pa ang bibig ko.

" Oh sya , tapusin mo na lang yang pagkain mo at uuwi na tayo"

Natagalan bago ako nakahinga ng maayos, pakiramdam ko puputok na ang jeans ko, another katakawan day...

Pagkatapos ay sumakay na kami sa sasakyan. Nakita ko si mama na palihim na nangigiti, alam ko kung ano ang pinagtatawanan nya kaya tinignan ko sya ng iritable.

"Sorry Jee, hindi ko talaga makalimutan ang itsura mo kanina..." tahimik pa syang humagikgik

"Ma..."

Kahit natatawa pa sya ay sinimulan na nyang buhayin ang makina ng sasakyan. Kagaya kanina ay tahimik nanaman kami sa buong byahe. Maya maya pa ay binasag ko na ang katahimikan sa loob ng sasakyan, " Ma , naitabi mo ba ang mga yearbooks ko noong high school?"

Sinulyapan nya ako saglit at ibinalik ang tingin sa kalsada. " Oo, bakit mo naitanong?"

"May gusto lang ako tignan, eomma."

"Nasa mga filing cabinets sila, sa may basement. Katabi ng itim na kahon"

" Gomabseubnida, eomma."

Kailangan ko talagang tignan yung mga yearbook na yun, pamilyar talaga sa akin yung lalaki na yon.

Umulan ulit ng snow habang nasa byahe kami. Pagkauwi namin ay napapaligiran na ng snow ang daanan namin. Pagkapark ng sasakyan ay dali- dali akong nag asikaso ng sarili. Hinubad ko na ang jacket ko at nagpalit ng pambahay, si mama naman ay inayos ang dala namin kanina. Bumaba ako agad papunta kay mama, "Eomma pupunta na ko sa basement ahh"

"Sige, nasa kanan ng hagdan ang switch ng ilaw doon"

Nag thumbs up ako na sign sa kanya at tumuloy sa basement. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad aad sa akin ang sobrang dilim ng basement, ang amoy karton at papel, napaubo naman ako sa makapal na alikabok. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, nakakatakot ang sobrang dilim doon, kinakapa ko rin sa may bandang kanan ang switch ng ilaw

*Click*

Bumukas ang ilaw na sobrang liwanag, kitang kita ang ayos ng basement. Maraming karton ang magkakasama sa isang lugar, mga filing cabinets ni papa na nakatabi malapit sa bintana, mga pinaglumaang kagamitan. Nakita ko ang kahon na palatandaan na sinasabi ni mama. Pinuntahan ko kaagad yung filing cabinet na katabi ng karton at nakita ko ang napakaraming photo albums at yearbooks.

Humanap muna ako ng pwedeng upuan at lamesita. Habang naghahanap ng gagamitin ko napatakip ako sa ilong ko dahil sa kapal na rin ng alikabok.

Ilang minuto rin akong naghahanap sa basement nang biglang tumawag si mama, "Jee, matutulog na ako. Ikaw na muna bahala dyan ahh."

"Ok, ma" tipid kong sagot.

Kinuha ko ang isang maliit na stool na nakita ko doon sa likod ng pinto at nagsimula ng tignan ang mga photo albums at yearbooks na maayos na nakasalansan. Una kong nahawakan ang photo album ko noong elementary. Buo pa ang pamilya namin, narito pa si papa. Puro masasayang ala - ala ang naiwan sa amin ni papa.

Hindi ko mapigilang hindi maluha,mas close kasi ako kay papa; noong nawala sya, sa kwarto lang ako umiiyak at humahagulgol. Ayokong ipakita kay mama para hindi sya panghinaan lalo ng loob. Kaso nahahalata pa rin ni mama na umiyak ako, dahil namamaga ang mga mata ko kahit dampian ng icepack.

Nagsisimula ang photo album sa mga pictures ko simula pagkapanganak hanggang pagkagraduate ko ng high school.

Kinuha ko ang isang album, high school ako wala na si appa pero kahit gayun pa man ay tuloy ang buhay. Habang tinititigan ko ang class picture namin ay kapansin pansin ang background nito... Matingkad na white at ang upuan namin ay isang long bench, nakasuot kami ng high school uniform, at ang flooring ay nalalapatan ng red carpet.

Nanlaki ang mata ko nang napansin ko ang itsura ng isang tao sa background...