Chereads / Mga Alala [Tagalog] / Chapter 3 - M-A [2]

Chapter 3 - M-A [2]

Salamat. Salitang iyong binitawan 'nong oras na una tayong nagusap.

Salitang nagsilbing daan sa ating simula.

Tanda ko pa noon habang ako'y nakaupo.

Tanaw ang iyong mukhang mala anghel ang ganda.

Tahimik akong nakatingin sayo habang ikaw ay nagsusulat.

Isang oras ata akong nakatitig sayo kahit nagtuturo ang guro.

'Di alintana na baka ako'y mapagalitan basta masilayan ka lamang.

Barang asong ulol na naka-ngiti habang ikaw ay minamasdan.

Pinagtatawanan ng barkada dahil sa parang ka baliwan.

Masisisi mo ba ako? Kung tanging magagawa ko lang ay tumitig sayo.

Dumating ang oras na natapos ang klase.

Ni isang pagbati wala akong nagawa.

Ganon siguro ako ka torpe dahil hindi ko iyon nagawa.

Torpe naman talaga ako, ano pa nga ba.

Bumuhos ang ulan ng bigla.

Nilabas ang payong kong dala sabay silong.

Nakita kita sa hindi ka layuan at mukhang payong na dala.

Nagtama muli ang ating mga mata, kumaway ka sabay ngiti.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Huli ko ng mapansin nasa harap na pala kita.

Parang estatwang 'di maka-galawa.

Animo'y nasiminto sa kinatatayuan.

Lalo na nong sabihin mong. 'Pwedeng maki-payong'

Malakas na kabog ang aking naramdaman, hindi alam kung anong tamang salita ang gagamitin.

Wala naman akong nagawa kundi umoo.

Sino ba naman ako diba? Isang anghel na ang lumapit papakawalan ko pa ba.

Hinatid kita sa sakayan.

Parang isang ulan matatapos din ang lahat.

Pero ang inakala kong hanggang don lamang, nagkamali pala ako.

'Salamat' salitang binitawan mo ka sumakay.

Tulala akong tinitigan ka, hindi na naman alam ang gagawin.

Pitong letra isang salita pero kay sarap pakinggan.

At ang pitong letra isang salita, ay hudyat pala ng ating simula.