Nakatingala sa ilalim ng buwan habang hinahaplos ng hanging kay lamig. Hindi alam kung bakit narito, walang alam kung bakit napadpad sa lugar na ito. Tanging bilog na buwan ang siyang nagbibigay ng liwanag sa dilim na daan.
Mga bituwing kay gandang tignan para bang iyong mukhang nakangiti. Kung sana'y narito ka, kasabay sana nating panuurin ang kalangitang kay ganda. Ngunit alam ko na kahit wala ka rito ay nandiyan para ako'y bantayan.
Masakit paniwalaan ang katotohanan. Ngunit mas masakit na paniwalaan ko ang kasinungalingang nandito ka pa.
Huwag kang magalala kahit wala ka na sa aking piling. Mananatili parin ang mga alaala nating dalawa sa aking puso't isipan. Naway masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Hindi parin magbabago ang pagtingin at pagmamahal ko sa iyo.
Basta pagmamasdan ko parin ang kalangitan. Kalangitang siya'g magpapaalala sayo. Huwag kang magalala dahil hindi ko siya pababayaan. Siya ang magsisilbing inspiration upang ipagpatuloy ko ang aking buhay dahil ito'y bigay ng may kapal. At iyong iniwang alaala.
Basta tandaan mo mahal na mahal kita Anne. Mahal na mahal. Ikaw lang ang babaeng aking mamahalin magpakailan man.
-Aldrex