Chereads / A LOVE TO UNFOLD (TAGALOG) / Chapter 2 - ALTU 2

Chapter 2 - ALTU 2

YEAR 2013.....

Elementary palang ako nang una kong malaman na ampon lang ako nina Mommy at Daddy. Galing ako sa bahay ampunan na kung saan basta basta lang ako iniwan ng aking biological na ina. Kaagad ko din naman itong natanggap dahil halos pinalaki ako nina Mom na punong puno ng pagmamahal.

Actually, may kuya ako, si Kuya Mike. Dalawang taon ang agwat ng edad nya sa akin.

Bakit nga ba ako inampon nina mom eh kung may anak na sila?

Simple lang. Gusto nila ng anak na babae. Di na kasi pwede manganak si mom...naaksidente sya a year bago nila ako inampon. Naapektuhan ang kanyang ovary sa aksidenteng iyon kaya minabuti nilang mag ampon nalang.

At swerte ko naman, ako ang napili nila.

Lumaki akong maganda, masayahin, mabait at sweet na anak.

Bakit pa ako magiging suwail eh ang swerte swerte ko sa kanila diba?

Tinuring nila akong tunay na prinsesa, pati narin si Kuya Mike ay love na love ako.

Wala na akong hihilingin pa.

Kaya bilang ganti sa pagmamahal nila sa akin...naging masunurin ako sa kanila. Sa bawat oras na kasama ko sila ay pinaparamdam ko kung gaano ko sila kamahal..dahil sa ngayon ay iyon pa lamang ang pwede kong maibalik sa kanila.

Ako si Erin Morales, 14 taong gulang at kasalukuyan akong 2nd year highschool student sa isang private school dito sa Manila.

Malaking bulas ako kaya lagi akong napagkakamalang mas matanda kesa sa tunay kong edad. Sa height ko na 5'7", kapag flag ceremony ay lagi akong nasa dulo ng hanay ng mga babae. Minsan masaya maging matangkad pero minsan hindi rin. Hehehe.

Di ko alam kung saan ako nagmana, pero sabi ni mommy baka foreigner daw ang biological father ko. Mestisa kasi ako at brown ang kulay ng aking mga mata. Matangos din ang aking ilong kaya ang kinalabasan...isang napakagandang prinsesa. Charot!

Nakakahiya man aminin, maraming nanliligaw sa akin sa school pero di ko sila pinapansin. Sabi ko pag aaral ang aatupagin ko hanggang makatapos ng college. Para naman maging masaya sina mommy at daddy sa pag ampon sa akin. Dahil ang nsa isip ko lang ay ang mapasaya sila at wala nang iba.

Pero nagbago ang lahat....nang di ko inaasahan..

Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment, samantalang si Kuya Mike ay nanonood ng basketball sa tv.

"Kuya nasaan sina Mommy at Daddy?" Tanong ko. Habang busy sa pagsusulat.

"Sabi nila pupunta daw sa province nina Mommy para sunduin yung pinsan natin. Si Brett." Walang lingon na sagot ni Kuya habang ngumunguya ng fries.

"Brett? Nakita ko naba sya kuya? Di ko maalala ang name eh. At bakit susunduin? Magbabakasyon ba sya? Wala na syang pasok?" Nagtataka kong tanong. Kasi kakasimula lang ng pasukan sa school.

"Ewan ko nga eh. Sabi nina mom dito na daw sya titira. Nakita mo na yun, 5 years old ka palang nun nang dalhin sya nina Tita Marga dito minsan." Sagot ni kuya habang naglalakad. Tinunton nito ang refrigerator at kinuha ang pitsel na may tubig. Nilagyan ang isang baso at agad na nilagok.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nag iisip. Naeexcite akong makilala ang aking pinsan.

"Kuya bakit dito na sya titira?" Tanong ko ulit.

Nasa school kasi ako nang umalis sina mom at dad. Kaya pag uwi ko ay si kuya nalang ang aking kasama.

"Di ko alam baby eh. Tanong nalang natin sina mom ha pag uwi." Napakamot na sagot ni kuya. Nakatingin na ito sa akin pero maya maya ay agad ding binawi at itinuon ang paningin sa tv.

Ganyan ako kamahal ni kuya. Baby ang tawag nya sa akin. Kahit nga 2 years lang ang gap namin pero kung tratuhin nya ako ay parang bata pa.

Dalaga na kaya ako. Nireregla na nga ako eh.

Pero happy naman ako na ganyan sila kasweet sa akin. Wala na akong mahihiling pa. Perfect gifts sila sa akin ni God.

Di na ako umimik at naging concentrated nalang sa ginagawa ko.

Binuksan ko ang phone at nagplay ng aking favorite song. Ang Wrecking Ball ni Miley Cyrus na sikat na sikat ngayon.

"Baby. Tulog muna ako sa taas ha. Gisingin mo nalang ako kapag anjan na sina dad." At kiniss ako nito sa noo bago umakyat sa second floor ng bahay.

4th year highschool na si kuya Mike. Graduating na...at next year ay college na sya. Maiiwan akong mag isa sa school at wala narin akong makakasabay. Nakakalungkot man pero wala na ako magagawa.

Mamimiss ko ang kulitan namin sa kotse tuwing papasok at uuwi. Lagi kaming sabay eh.

Patapos na ako sa aking ginagawa nang maramdaman kong sumasakit ang aking tyan. Kaagad akong tumakbo sa cr na nasa dulo lang ng kusina. Nagbawas ako.

Palabas na ako ng cr nang marinig ko ang ingay sa may sala.

"Oh Brett...maging comfortable ka dito ha. Simula ngayon dito kana titira kaya wag kana mahiya." Si mom! So nakauwi na pala sila. Dahan dahan kong tinunton ang sala. Nahihiya kasi ako lalo na at may bagong tao sa bahay. Sanay kasi ako na kami lang apat plus si yaya Tesie at mang Andoy na driver namin ang kasama sa bahay. At di rin kami masyado nagkakaron ng bisita.

"Oo nga Brett. Maging at home ka. Sigurado matutuwa si Mike kapag nakita ka. Magkaedad lang kayo nun eh tapos magiging classmate mo pa." Si dad. Nakita kong nagtatanggal ito ng suot na jacket. Nasa likod lang ako ng kurtina ng aming kitchen. Nakakubli. Pilit na sinisilip ang bago naming makakasama sa bahay. Si Brett este Kuya Brett.

Ngunit di ko makita ang kanyang mukha kasi natatabunan ito nina mom at dad. Nakaupo na ito sa sofa.

"Erin, anak? Bakit ka andyan? Halika at samahan moko ihatid tong merienda sa sala." Bigla kong narinig sa aking likuran.

"Ayyyyyyy! Nanay naman eh! Ginulat moko!" Wika kong gulat na gulat talaga.

Si Yaya Tesie pala. Actually Nanay na ang tawag ko sa kanya. Ang bait bait nito sa akin, sya na kasi ang nag alaga sakin mula nung ako'y inampon. 7 months palang daw ako noon.

May bitbit itong tray na may mga pagkain.

"Tara na anak para mameet mo naman ang iyong pinsan! Ang pogi pogi!" Wika ni Nanay.

Napakagat labi ako. Mahiyain talaga ako eh. Lalo na at first time ko makikita ang isang tao.

"Nay, nahihiya po ako eh."wika ko.

"Asus nahihiya kapa. Simula ngayon lagi mo na syang makikita at makakasama kaya masanay kana. Saka dapat iwelcome mo ang bago mong kuya..si Brett." Sabi ni nanay.

Nahihiya man ay sumunod ako kay Nanay Tesie. Sa likod nya lang ako habang patungo sa sala.

At nang malapit na kami sa sala ay unti unti kong nasilayan ang itsura ni Kuya Brett.

Matangkad. Mas matangkad sa akin.

Matangos ang ilong.

Chinito.

Makapal ang kilay.

Mapula ang lips.

Malaki ang katawan.

In short...perfect!

Pogi sya! As in pogi talaga!

Pogi din naman si Kuya Mike pero lamang ng isang paligo si Kuya Brett.

Moreno ito at maputi si Kuya Mike. Marahil ganyan ang kulay nya dahil lumaki ito sa probinsya.

Bigla akong namula nang napatingin ito sa akin. Seryoso ang pagkakatingin nito sa akin, chinito pa naman kaya parang mukhang galit.

Napatingin narin sina mom at dad sa direksyon ko.Kaagad ko nabanaag ang mga ngiti nila.

Agad akong lumapit at kiniss ang mga pisngi nila.

"I miss you mom and dad. Hindi kayo nagpaalam sa akin na aalis kayo." Wika kong nakasimangot kunwari.

"Sorry na baby. Biglaan ang lahat eh." Wika ni mom sabay yakap sa akin. Grabe diba, baby na baby ako sa family.

"Mom sino po sya? "Sabi ko sabay tingin kay Kuya Brett. I know his name pero other than that ay wala na.

"Baby, sya si Kuta Brett mo. Anak ng Tita Marga mo. Namatay sa aksidente ang parents nya...ang tita at tito...kaya naiwang mag isa itong si Brett. Dito na sya titira baby mula ngayon kaya maging mabait ka sa kanya ha." Wika ni mom. Namula ulit akong nang sumulyap sa akin si Kuya Brett. Nakangiti na ito.

Gosh! Sa pagngiti nya ay lumabas ang kanyang mapuputing ngipin. Lalo pala syang pumupogi kapag nakangiti!

Feeling ko kumabog ng husto ang aking dibdib.

"Hi Erin. Ang laki mo narin. Last time kitang nakita 5 years kapa lang." sabi nito.

"Yakapin mo naman si Brett baby. Para mafeel nya na welcome sya." Si mom.

Nahihiya man ay sinunod ko siya. Niyakap ko si kuya. At doon ko nalaman ang walang kasing init na yakap. Ewan ko, there is something na kakaiba sa yakap ni kuya. Masarap! At ambango nya!

Lumayo din ako agad at umupo sa tabi ni Dad. Niyakap ko si dad.

"Nasan ang kuya mo?" Tanong ni dad.

"Nasa taas po natutulog." Sagot ko at isa isang binuksan ang mga pasalubong nina Mom.

Mga kakanin at prutas ang laman ng mga ecobag. Marahil galing ito ng Mindoro kung saan sila galing.

"Erin, gisingin mo si Mike para mameet nya si Brett." Utos ni dad.

Agad naman akong sumunod. At bago pumanhik ng hagdan ay muli akong sumulyap kay Kuya Brett.

Gosh! Ang swerte swerte ko! May dalawa na akong kuya! Ampopogi pa!