Chapter 88: Wardrobe Malfunction
"Ito na lang ang naiwang itim na kotse sa garahe," sagot ni Qin Chu.
"…" walang masabi si Huo Mian. Ang saya sigurong maging mayaman.
Minaneho ni Qin Chu ang kotse pabalik sa Imperial Park, at pagkatapos, umakyat kaagad si Huo Mian sa taas, dahil gusto na niya maramdaman ang pagiging komportable sa isang lugar.
Sa madaling salita, naramdaman ni Huo Mian na siya ay ligtas at kalmado nang makarating siya sa bahay noong araw na iyon.
Siguro dahil na rin pagod o nakasanayan na niya, agad na nahiga si Huo Mian sa sofa at nakatulog.
Kumunot ang kilay ni Qun Chu ng makita na ganoon si Huo Mian; na parang may humihila sa kanyang puso.
Pagkatapos, naglabas si Qin Chu ng puting kumot mula sa kwarto at kinumutan si Huo Mian.
Mabilis na nakatulog si Huo Mian at nanaginip siya…
Sa kanyang panaginip, nakita niya si Lola Huo, nakasuot ito ng plain na kulay ng gown. Nakaupo ito sa batuhan sa labas ng templo at nagbuburda ng panyo.
Ang sabi, galing si Lola Huo sa isang mayaman na pamilya, at may talento siya sa pagbuburda. Pagkatapos mawalan ng pera ang kanyang pamilya, wala siyang pamimilian kung hindi harapin ang mundo ng paghihirap kasama ang kanyang asawa.
Si Lolo Huo ay nagsimula ulit sa umpisa at nagtayo ng isang maliit na manufacturing factory. Naging sobrang abala ni Lolo Huo, at naiwan mag-isa si Lola Huo sa kanyang sining.
25 years ago, bago pa ipinanganak si Huo Mian, namatay si Lolo Huo dahil sa lung cancer.
Umalis si Lola Huo mula sa kanilang bahay at nanatili madalas sa templo. Kapag tinanong, sasabihin niyang ipinagdarasal niya si Lolo Huo.
Sa huli, siya ay isang babaeng nagmamahal lamang.
Ilang beses lamang nakita ni Huo Mian ang kanyang Lola Huo. Ngunit, hanggang ngayon, naaalala niya ang pakiramdam ng pagiging pamilya sa kanilang dalawa.
Nanaginip siya na lumapit siya kay Lola Huo at ipinahinga ang kanyang ulo sa mga hita nito at nakatulog.
Ang araw ay sumikat mula sa templong nakapalibot sa kanya, at si Huo Mian ay nakaramdam ng kasiyahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nang siya ay magising, natagpuan ni Huo Mian ang sarili na nakabalot sa isang puting kumot. Ang tela nito ay gawa mula sa bamboo charcoal fiber, kung kaya't malambot at dumudulas ito sa kanyang balat.
Maliban kay Qin Chu, wala na siyang ibang maisip na tao na gagawa nito.
Tiningan niya ang kanyang fully charged phone at na-realize na lagpas alas onse na.
Nakatulog siya ng mahigit tatlong oras?
Nagutom si Huo Mian. Humikab siya at nagpunta sa sauna room sa ikalawang palapag.
Sa ikalawang palapag, nandoon ang isang Korean-style shared sauna room na kung saan pwedeng maligo at mag-sauna.
Hindi pa ito nagagamit ni Huo Mian kailanman. Pakiramdam niya ay hindi ito magandang gamitin dahil parehas nilang pwedeng gamitin ito.
Pero si Qin Chu ay wala dito ngayong araw; mag-isa lang siya ngayon sa bahay. Magandang ideya na magrelax muna siya saglit sa sauna room.
Ngunit, tapos na siyang maligo nang maalala niya na nakalimutan niyang magdala ng tuwalya.
Dahil kinakailangan, kinuha ni Huo Mian ang dalawang maliit na tuwalya mula sa sauna room. Tinakpan niya ang pinakamahahalagang parte ng kanyang katawan at maingat na lumabas.
Sinundan niya ang daan papunta sa kwarto, pero biglang bumukas ang pinto ng study.
Nagulat si Huo Mian nang makita si Qin Chu.
Sinubukan ni Huo Mian na mas hawakan maigi ang dalawang maliit na tuwalya, pero dahil sa kaba, nabitawan niya ito.
Ang dalawang tuwalya ay nalalag sa sahig...
"Ah…" sigaw ni Huo Mian. Dahil hindi niya alam ang gagawin, tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay.
Bakit? Dahil nakarinig siya dati ng isang biro tungkol sa pampublikong paliguan na nasunog. Marami sa mga babae rito ang tumakbo habang tinatakpan ang taas na prte ng kanilang katawan, ang iba naman ay ang ibabang parte. Ngunit may isang babaeng naglakad nang kalmado at nakatakip ang mukha nito. "Sa ganitong paraan, walang makakakilala kung sino ako," pagmamayabang na sabi ng babae.
Kaya tinakpan ni Huo Mian ang kanyang mukha.
Nagulat si Qin Chu sa reaksyon ni Huo Mian.
Tiningnan niya ang lantad na katawan ni Huo Mian at nakaramdam ng paghihigpit sa kanyang lalamunan. Sinubukang pigilan ni Qin Chu ang pananabik mula sa kanyang puso.
"Dalawa lang naman tayo rito, kailangan mo pa bang takpan ang mukha mo?" tanong ni Qin Chu, ramdam ang awkwardness sa paligid.