Chapter 84: Balak
Tumango si Huo Mian…
Ngumiti si Huo Siqian, "Tingnan niyo, ang aking nakababatang babaeng kapatid na si Huo Mian ang talagang pinaka-maaasahan. Sa panahon ng pangangailangan, lumalabas talaga ang tunay na kulay ng isang tao."
"Kuya, anong ibig mong sabihin? Hindi sa ayaw kong gawin iyon, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko…" pagpapaliwanag ni Huo Yanyan.
"Sige, tama na ang away. Tapos na ang usapan," binigyan ni Huo Zhenghai ng komplikadong tingin si Huo Mian.
- Pagkatapos ng 9 PM -
Si Huo Mian na lang ang natira sa mourning hall. Maraming bulaklak ang nakalagay sa gilid ng ataul, kung saan nakalagay ang labi ng kanyang lola.
Sinabihan siya na bukas na ang libing kaya kailangan niyang manatili buong magdamag.
Nakapagtapos din si Huo Mian sa isang medical school at nagtrabaho sa ospital nang matagal, kaya sanay na siya sa mga bangkay.
Kung sabagay, malapit naman niya itong kamag-anak kaya hindi siya natatakot.
Habang si Huo Yanyan ay isang duwag… Wala talagang maaasahan sa pamilyang ito.
Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo para magsunog ng papel na joss. Nang biglang, nakarinig siya ng mga yabag sa kanyang likuran.
"Ikaw… Salamat sa ginawa mo ngayong gabi."
Ang matanda at sopistikadong boses ay galing kay Huo Zhenghai.
"Ginawa ko lang ang nararapat," hindi lumingon si Huo Mian at sumagot lang.
"Narinig ko na hindi ka pa kumakain buong gabi. Nag-utos ako na maghanda ng merienda para sayo. Parating na iyon."
"Hindi ako gutom."
"Kumusta ang iyong ina?" pag-aatubiling tanong ni Huo Zhenghai.
"Salamat sa iyo, mabuti naman ang kanyang lagay," sagot ni Huo Mian.
"Parehas kayo ng haba ng pasensya at matigas ang ulo."
"Nakakatawa ka, President Huo. Maganda nga na kaya naming magsarili. Pagkatapos ng lahat, wala kaming ibang taong maaasahan, kung hindi ang sarili naman."
Ninerbyos si Huo Zhenghai sa mga sinabi ni Huo Mian.
"Huo Mian, noon kasi…"
"Sorry. Wala akong pakialam sa kung anong nangyari sa inyong dalawa. Kung wala ka nang sasabihin pa, makakaalis ka na, President Huo. Hindi ba sinabi ng feng shui master na iisang tao lang ang maaaring manatili dito?"
"Naiisip mo bang… bumalik?"
"Ayaw ko."
"Alam mo ba kung ano ang mawawala sa'yo kapag tinanggihan mo ang aking alok?"
"Karapatan sa kayamanan siguro pero hindi ako interesado. President Huo, hindi mo kailangan makonsensya. Patay na si lola ngayon at hindi na ako babalik kailanman sa bahay na ito."
"Ikaw…" hindi inakala ni Huo Zhenghai na tatanggihan ni Huo Mian ang pagbalik sa Huo Family, kahit na siya mismo ang nag-imbita sa kaniya.
Ayon kay Siqian, siya ay nagtatrabaho ngayon sa isang ospital at isa pa ring intern nurse. Mahirap siguro ang kanyang naging buhay.
Sa isang salita lang, kaya niyang ipasok siya ang isang high-level managerial position sa Huo Corporation, kung saan siya kikita ng malaking pera nang walang ginagawang mabigat na trabaho.
Ngunit, tinanggihani pa rin siya nito…
Matigas ang kanyang ulo at may paninindigan kagaya ng kanyang ina…
- Sa loob ng mansyon ng Huo Family -
"Siqian, nakita ko na mabait ka talaga sa batang iyon. Nag-uusap ba kayo nang kayo lang?" tanong ni Jian Hong, habang may hawak na tasa at nakatingin sa kanyang anak.
"Hindi. Gusto ko, pero mukhang hindi niya ako gusto."
"Masasabi kong pinoprotektahan mo siya. May pinaplano ka ba?"
Naglakad si Huo Siqian sa likod ni Jiang Hong at nagsimulang masahiin ang likod nito, "Mom, ano sa tingin mo?"
"Iniisip mo bang tulungan siya para makabalik siya sa Huo family para maging kakampi, nang sa gayon mas marami kang shares sa kumpanya ng pamilya?" sobrang kilala ni Jiang Hong ang kanyang anak. Kahit hindi ito galing sa sinapupunan niya, pinalaki niya ito simula pagkabata. Alam niya na hindi ito papatalo.
"Magandang ideya yan, pero hindi ito masyadong nagtatagumpay. Hindi talaga gusto ng babaeng iyon na bumalik. Ang mga shares ay maaring pang gumana sa ibang tao pero wala siyang pakialam dito. Kung sabagay, kahit namumuhay siya bilang pangkaraniwang tao, hindi ibig sabihin nito ay hindi na siya masaya."
"Talaga? Maaari ko siyang tanungin. Kung gusto mo, tutulungan kita."
"Ayos lang, Mom, magpakasaya ka na lang sa iyong pagreretiro. Hindi ako nag-aalala tungkol sa dalawang walang muwang na iyon," ngumisi si Huo Siqian.
___________________
Dapat ay kukuha ng panghatinggabing flight si Qin Chu at darating sa lungsod ng 3 AM, pero naisip niya na mahuhuli lang din siya. Kaya, pagkatapos niyang magpapirma ng kontrata, nagmaneho siya papunta sa airport ng kabilang lungsod at kumuha ng ibang flight para makabalik ng mas maaga. 11:50 pa lang ng gabi ay nakababa na siya ng eroplano.
Pagkadating niya, dumiretso siya agad sa kanyang bahay sa Imperial Park. Akala niya madadatnan niyang tulog si Huo Mian pero walang tao sa bahay pagkabukas niya ng pinto.
Pagkatapos, tinawagan niya si Huo Mian.
Sinagot ni Huo Mian ang kanyang phone nang tahimik at para makapagpahinga ang kaniyang lola, naka-vibrate mode ang kanyang phone.
"Uy."
"Wala ka sa bahay?" tanong ni Qin Chu.
"Nasa Huo family ako," simpleng sagot ni Huo Mian.
Sumimangot nang bahagya si Qin Chu. Alam niya ang relasyon ni Huo Mian sa Huo family. Hindi ba ayaw niyang bumalik sa bahay na yun?
"Namatay si Lola. Nandito ako para bantayan ang mourning hall," pagpapaliwanag ni Huo Mian ngunit hindi siya nakarining ng sagot kay Qin Chu.
"Nakikiramay ako," pagpapaginhawa ni Qin Chu.
"Salamat."
"Mag-isa ka lang ba?" tanong ni Qin Chu, nag-aalala siya dahil wala siyang ibang naririnig sa phone.