Chapter 85: Kumpanya
"Oo," tapat na sagot ni Huo Mian.
"Natatakot ka ba?" naging mahinahon ang boses ni Qin Chu, na para bang nang-aasar ng bata.
"Bakit ako matatakot? Nag-aral ako sa isang medical school, kaya ayos lang sakin mapaligiran ng mga patay. Pero, kapag naiisip ko na si Lola ang nakahiga sa loob ng ataul, nalulungkot ako ng konti."
"Ang buhay at kamatayan ay ang mga batas ng kalikasan. Wala tayong magagawa roon. Huwag mo nang isipin iyon."
"Alam ko."
Pagkatapos sumagot ni Huo Mian, binago niya ang usapan, "Gabi na, bakit gising ka pa?"
"Kababalik ko lang galing sa business trip."
"Nang ganito kagabi?"
"Oo."
"Pagod ka na siguro. Magpahinga ka na," mahinahong sabi ni Huo Mian.
Ngunit, wala pang balak matulog si Qin Chu, "Huwag mo munang ibaba ang phone. Samahan kita."
Sa takot na humindi si Huo Mian, bigla niyang idinagdag, "Gusto kong bantayan ang mourning hall nang kasama ka, sa pamamagitan nito."
Dahil alam niya na maganda ang intensyon ni Qin Chu, hindi makatanggi si Huo Mian.
Kilala niya kasi ang pagkatao ni Qin Chu.
Siguro dahil sa matagal na siyang gising, naluluha-luha na ang kanyang mga mata…
"Sige."
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, sumagot si Huo Mian ng isang salita. Pagkatapos, inilapag niya ang kanyang phone pero konektado pa rin ang tawag.
Pareho silang hindi nagsalita…
Hindi maitatanggi na ang ganitong klase ng pakikisama ay espesyal. Kahit na wala itong pisikal na ibig sabihin, ramdam ni Huo Mian na hindi siya nag-iiisa sa malungkot na gabing ito…
Tahimik na nagsunog ng mga papel pang-alay si Huo Mian para sa kanyang lola nang walang nararamdamang antok ni kahit isang beses, hanggang sa mag-umaga.
Sumikat na ang araw ng 5 AM.
Naglakad si Huo Siqian suot ang isang itim na shirt at suit pants, may dala itiong vintage na LV scarf.
Ipinulupot niya ang scarf kay Huo Mian bago pa man ito makapagsalita.
"Hindi ko ito kailangan."
"Tanggapin mo ito. Kay lola ito noong nabubuhay pa siya. Maliban na lang kung ayaw mo."
Pagkarinig sa sinabi ni Hou Siqian, nailang na humindi si Huo Mian. Kasi kung hindi niya ito tatanggapin, magmumukhang ayaw niya sa gamit ng kanyang lola.
Tiningnan ni Huo Siqian si Huo Mian mula ulo hanggang paa at tumawa, "Mian, ang aking nakababatang kapatid, napakamahal siguro ng iyong dress.""
"Nagkakamali ka. Peke ito."
"Oh, talaga? Alam kong hindi mataas ang sweldo mo bilang isang nurse. At tutal napag-uusapan na natin 'to, ang trabaho mo ay may maliit na sweldo at nakakapagod, hindi mo ba naiisip na bumalik sa Huo Corporation para tulungan kami?
"Pasensya na, hindi ako interesado sa Huo Corporation."
Desididong tumanggi si Huo Mian…
Nahulaan na ni Huo Siqian ang isasagot ni Huo Mian. Natawa na lang siya, "Ha, may galit ka ba sa pera?"
"Hindi, ayaw ko sayo."
Inosenteng ibinuka ni Huo Siqian ang kanyang mga kamay, "Mian, ang aking nakababatang kapatid, lagi naman akong naging pala-kaibigan ako sayo. Hindi mo ako dapat tinatrato ng ganito."
Walang sinabi si Huo Mian. At sa mga oras na iyon, dumating ang feng shui master na kanilang inupahan, "Ang pagluluksa ay tapos na. Pwede ka ng umalis at mag-ayos. Aalis tayo dito ng 7 AM para sa libing."
Tumayo si Huo Mian nang mabagal, pero huli na nung napag-alaman niya na namamanhid pala ang kanyang mga tuhod mula sa pagkakaluhod. Kaya pagkatayo niya, siya ay natumba.
Tinulungan siya agad ni Huo Siqian ngunit hindi ito tinanggap ni Huo Mian kaya bumagsak siya sa sahig.
"Bakit mo ginawa iyon? Hindi naman kita kakagatin," halos walang masabi si Huo Siqian.
Hindi sumagot si Huo Mian. Mabagal siyang tumayo habang nakahawak sa bakal sa gilid ng ataul. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa pahingahan, sa gilid ng mourning hall.
Dahil sa tigas ng ulo ng Huo Mian, napangiti ng mas malalim si Huo Siqian.
Pagkahanap ni Huo Mian ng tahimik na lugar at handa na siyang maupo, bigla niyang naalala na nakabukas pa pala ang kanyang phone.
Nakakonekta pa rin ang tawag kay Qin Chu. Sa kasong iyon… narinig kaya niya ang pag-uusap nila ni Huo Siqian?
Kinuha niya ang telepono para makasigurado. Katulad ng inaasahan, nakakonekta pa rin ang tawag nila…
Hindi niya alam kung tulog na ba si Qin Chu o hindi, kaya nagsalita siya ng mahina sa phone, "Qin Chu, tulog ka ba?"