Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 45 - Ang Pagguho ng Mundo

Chapter 45 - Ang Pagguho ng Mundo

CHAPTER 45: Ang Pagguho ng Mundo

Hindi maalala ni Huo Mian kung paano siya nakaalis sa kanyang apartment at paano siya nakarating sa emergency room ng ospital.

Sarado na ang operating room, at may grupo ng mga tao na nag-aantay sa labas ng pintuan.

Nakita niya ang kanyang nanay sumalampak sa isang upuan sa hallway, habang umiiyak nang sobrang lakas.

"Ma, kamusta si Zhixin?"

"Oh, ang kawawa kong Zhixin. Dapat maging okay ka. Paano na mabubuhay ang mama mo kung wala ka?" hindi niya pinansin si Huo Mian, patuloy lang ang malakas na pag-iyak ni Yang Meirong habang nakapikit ito.

Dalawang batang nurse ang lumabas, balak nilang pagalitan siya para tumahimik. Nagulat sila nang nakita nila si Huo Mian. "Huo Mian, kapamilya ka rin ba ng pasyente?"

Tumango si Huo Mian, namumutla ang mukha nito. "Weiwei, kamusta nag kapatid ko? Ano na ang sitwasyon?"

"Hindi pa namin alam. Pero medyo nakakatakot ang lagay niya noong dinala siya dito. Irregular ang heart rate niya, sobrang taas din ng blood pressure niya… Sinusubukan siya iligtas ngayon ng attending. Ang tanging magagawa lang natin ngayon ay maghintay."

"Sige, naiintindihan ko."

Pakiramdam ni Huo Mian nauubusan siya ng lakas; malapit na siya bumagsak.

Kakakain lang nila ng lunch noong tanghali, nag-uusap at nagtatawanan. Paanong may nangyaring ganito kaninang tanghali rin?

Kapag may nangyaring kahit ano kay Zhixin, hindi niya alam kung paano pa nila makakayanang mabubuhay ng nanay niya dito sa Earth.

Seven years ago, nabalot ang buong pamilya niya ng kalungkutan dahil sa pagkamatay ni Uncle Jing. Kapag may mangyayari sa kapatid niya ngayon, takot siyang baka wala na siyang lakas ng loob para mabuhay pa.

Napansin niya ang iba pang pamilya na umiiyak sa labas ng operating room, at na-realize niya na hindi pa niya natatanong kung ano ang nangyayari.

May isang middle-aged man, mukhang forty years old at nakasuot ng gold-rimmed glasses, ang lumapit.

Nakilala siya ni Huo Mian. Siya ang university professor ni Jing Zhixin.

"Professor Sun, anong nangyari?"

"Base sa mga narinig ko, nasama si Jing Zhixin sa aksidente habang pauwi siya papuntang dorm galing sa library. Hindi lang siya ang nabangga. May tatlo pang ibang estudyante ang nagkaroon ng serious injuries. Napag-alaman na isa itong chain reaction collision," sobrang lungkot nang tono ng professor.

Nanigas si Huo Mian nang ilang segundo.

"Paano nangyari yun? Di ba may speed limit sa loob ng campus? Sa bagal ng speed nila, bakit may nangyaring ganitong kagrabeng aksidente?"

"Wala ako noong nangyari ang aksidente. Kailangan natin hintayin ma-process ang surveillance footage para malaman ang iba pang detalye. Per sabi ng student na nakakita, isang Porsche sport car daw ang mabilis na umaandar. Nagdulot ito ng napakalaking damage sa infrastructure ng university, nabangga at nasaktan ang apat na mga estudyante bago ito tuluyang bumulusok sa puno."

"Isang Porsche sports car?" nagdikit ang mga kilay ni Huo Mian. Hindi niya ma-imagine na may mabilis na magmamaneho ng isang sports car sa loob ng university campus, puno ng estudyante at nagdulot pa ito ng damage sa infrastructure.

"Anong nangyari sa may kasalanan? Nasaan sila?" galit si Huo Mian.

"Tumakas siya. Narinig ko yung babae sa passenger seat ay lubha rin ang condition at nasa emrgenceny care din ng ospital. Pero, tumawag na ng pulis ang school. Nag-iimbestiga na sila ngayon, kaya huwag ka na mag-alala."

"Paano ako hindi mag-aalala kung hindi ko alam ang nangyayari ngayon sa kapatid ko?" pagkasalita ni Huo Mian, biglang tumulo ang mga luha nito.

Pagkalipas ng tatlong oras, nagbukas ang pinto ng operating room.

Nagmadaling lumapit sa doctor si Huo Mian at ang kanyang nanay, hinarangan nila ang daan nito.

"Doctor Liu, kamusta kapatid ko?"

"Mukhang hindi maganda ang sitwasyon, ginawa na namin ang lahat para masalba siya. Ngunit may hemorrhaging sa loob ng cranium niya. Dagdag pa dito, ang lokasyon ng pagdurugo ay sobrang sensitive. Wala kaming confidence para gawin ang second operation. Sa ilang saglit, gagawa ng plano ang neurosurgery department. Ipapaliwanag namin sa inyong mga kapamilya nila kung ano ang gagawin naming treatment mamaya."

Pagkarinig nito, naramdaman ni Huo Mian at kanyang nanay ang pagbigay ng kanilang mga tuhod.

'Hindi mukhang maganda ang sitwasyon' ibig sabihin nito hindi pa siya stabilized.

Naiintindihan niya ang theory sa likod ng cranium hemorrhaging. Ito ang surgery na ginawa niya kasama sa Qin Chu sa dating pasyente na nasa ganito ring condition.

Technically-demanding ang procedure at onting mali lang dito ay pwede magresulta sa habangbuhay na side-effects. Ang mga resultang hindi ganun kalala ay paghina ng pag-iisip o kaya naman hirap sa paggalaw. Ang mga malala naman ay paralysis o coma.

"O Diyos ko, ang kawawa kong baby boy. Anong nagawa ko para mangyari sakin ito?" iyak ni Yang Meirong habang nakaluhod sa lapag.

Pakiramdam ngayon ni Huo Mian pinagbagsakan siya ng langit at lupa.