Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 46 - Mabilisang Pagsagip

Chapter 46 - Mabilisang Pagsagip

CHAPTER 46: Mabilisang Pagsagip

"Pakihinaan ang mga boses niyo. Bawal ang mag-ingay dito," dumating agad ang nurse para makialam.

"Ma, kumalma ka."

"Manahimik ka. Kasalanan mo itong lahat, bruha! Ikaw ang dahilan nang pagkamatay ng tatay ni Zhixin at ngayon naman si Zhixin naman ang balak mong kunin. Anong ginawa ko para magkaroon ng isang anak na may sumpa? Sobrang bad karma!" umiiyak habang sinusuntok ni Yang Meirong si Huo Mian.

Nalulungkot din si Huo Mian at wala siyang masabi…

Pagkatapos, biglang hinila ni Yang Meirong ang collar ni Huo Mian at sumigaw, "Ang Qin family ba ang gumawa nito? Huh? Isa na naman ba itong banta dahil lumalandi ka na naman sa anak nila. Sabihin mo, sabihin mo sakin ngayon!"

"Ma kumalma ka. Sabi ni Mr. Yao, isa itong multi-car pileup, hindi isang targeted accident," paliwanag ni Huo Mian.

"Hindi totoo yan. Hindi ako naniniwala. Ikaw ang dahilan nito. Ito ay gawa ng pamilyang yun. Sila ang may sala! Papatayin ko sila!" pagkatapos niya magsalita, tumakbo si Yang Meirong sa exit.

"Ma…" mahigpit na hinawakan ni Huo Mian ang kamay ng nanay niya habang umiiyak.

Napasandal ang nanay niya paharap at nahimatay…

"Ma, huwag mo ko iwan," pakiramdam ni Huo Mian sasabog na ang ulo niya.

Nasa critical condition pa rin ang kapatid niya at ngayon, nahimatay naman ang nanay niya. Pakiramdam ni Huo Mian dalawang beses siyang sinasaktan ngayon at halos gumuho na ang mundo niya.

Pagkatapos niya ma-secure sa maayos na lugar ang nanay niya, pinakalma niya ang sarili at umakyat papunta sa top floor ng ospital.

- Sa my pinto ng hospital director -

"Gusto ko makita ang director," sabi ni Huo Mian sa lalaking assistant.

"May appointment ka ba?"

"Wala."

Nakita na ng assistant si Huo Mian last time kaya kilala na niya ito. Tumango siya, "Mag-antay ka lang dito saglit at kakausapin ko siya."

Ilang saglit, lumabas ang assistant, "Pwede ka na pumasok."

"Salamat."

Nakita ni Huo Mian ang Director na nakaupo sa kanyang upuan habang naglalakad siya papasok, siguro ay nagususulat ito ng report o kung ano man ito.

"Director Wu."

"Oh, andito ka na pala. Maupo ka," hindi na bago sa director ang makakita nang ganitong uniform.

Tumango si Huo Mian, ang mga mata nito ay mapupula. Umupo siya sa tapat ng director.

"Andito ka para sa isang bagay. Sabihin mo sakin," iniisip ng Director na andito siya dahil kulang pa ang bonus na binigay niya sa kanya last time.

Hindi niya inaasahan na iiyak si Huo Mian pagkasalita niya, "Director, ple-please iligtas niyo po ang kapatid ko."

"Anong nangyayari, maghinay-hinay ka muna, take your time," malungkot niyang sabi. Napatigil si Director Wu sa kanyang mga ginagawa at inayos ang kanyang glasses nang makita niya ito sa ganitong kalagayan.

"Director, ang kapatid ko ay nabangga ng sasakyan ngayon sa school at dinala dito para sa emergency care. Sabi ng lead surgeon, may brain damage siya ngayon at kahit matapos ang surgery, hindi pa rin siya ligtas kaya naman nagsuggest ang doctor ng second surgery, ngunit nasa crucial part ng brain ang mga injuries niya, kaya sobrang risky ng second surgery. Nineteen palang siya at siya lang ang tangi kong kapatid. Ayoko siya mawala. Please, tulungan niyo po ako."

"I see. Huwag ka mag-alala. May tatawagan lang ako at magtatanong."

Pagkatapos, tinawagan ni Doctor Wu ang Neurosurgery Department extension at nakipag-usap sa doctor doon.

Pagkatapos ng ilang minuto, binaba ni Director Wu ang phone at malungkot na sinabi, "Huo Mian, ang sitwasyon ngayon ng kapatid mo ay complicated. Hindi confident para sa surgery si Doctor Liu galing sa Neurosurgery Department. Maliban pa dito, kahit maging successful ang surgery, baka may side effects pa rin ito."

"Edi ano ang kailangan natin gawin? Paano kapag hindi namin itinuloy ang second surgery? Mas makakabuti ba iyon sa kanya?" pag-aalala ni Huo Mian.

Umiling si Doctor Wu, "Makinig ka sakin, ito ang mangyayari: Kapag hindi natin ginawa ang second surgery, malalagay sa panganib ang buhay niya dahil pag hindi natanggal lahat ng namuong dugo sa brain niya, pwede ito magresulta sa isang labis na pagdurugo sa loob ng utak niya anytime. Sobrang seryoso nito."

"Anong kailangan namin gawin?" parang walang alam si Huo Mian. First time na wala siyang maisip na matino.

"Ito, bumalik ka at pag-isipan mo mabuti. Kausapin mo rin ang pamilya mo at tanungin. Pero ipapaalala ko sayo na sobrang magastos ng second surgery. At least three hundred thousand yuan ito at ang pinakamagandag oras para isagawa ang surgery ay sa loob ng isang linggo. Kung hindi at kapag mas pinatagal pa natin, mas malaki ang risks. Para sa mga gastos ngayon sa ospital, huwag ka na mag-alala. Nagbigay na ako ng notice na hindi mo kailangan bayaran ang bill kaagad. Makakapaghintay ito at mababayaran din sa future. Pero ngayon, umalis ka na at pag-usapan niyo ng pamilya mo ang tungkol sa second surgery. Yun ang pinakamahalagang desisyon na dapat mo gawin sa ngayon."

"Salamat, Director. Aalis na po ako at pag-iisipan ang tungkol dito."

Tumayo si Huo Mian na para bang wala sa wisyo… Three thousand yuan, sobrang laking halaga nito. Saan niya kukunin ang ganito kalaking pera?

"Sandali," biglang tawag ng Director.

Inikot ni Huo Mian ang pagod niyang ulo…

"Huo Mian, yung guest surgeon na nag-perform ng surgery dati para sa senior official, si Dr. Qin, isa siya sa mga matagal mo nang kaibigan, tama ba?" biglang naisip lang ni Dr. Wu ang tanong na ito.