Chapter 43 - Memorial

CHAPTER 43: Memorial

"Zhixin," pagkasagot ni Huo Mian ng phone, naging malambing ang boses nito.

"Ate, wala kang pasok sa trabaho ngayon?"

"Oo."

"Bumisita tayo mamayang tanghali sa puntod ni tatay."

"Sige," plano na talaga ni Huo Mian pumunta kahit hindi tumawag si Zhixin.

Exactly seven years ago mula nang mamatay si Uncle Jing. Itong araw na ito, seven years ago, namatay si Uncle Jing sa isang car crash.

"Pumunta ako ngayong umaga kasama si mama pero hindi maganda ang mood niya. Sasama ulit ako sayo ngayong tanghali."

"Wala ka bang klase ngayon?"

"Wala po. Pupunta lang ako sa library para mag-aral mamayang tanghali."

"Sige, hintayin mo ko. Magkita tayo sa gates ng public cementery."

"Okay."

Pagkababa, biglang naging sobrang bigat ng mood ni Huo Mian.

Naaalala pa rin niya ang nangyari noong gabing yun, seven years ago. Pauwi siya galing sa evening classes niya nang biglang may black Buick commercial van na rumaragasa papunta sa kanya, masyado itong mabilis para maka-iwas siya.

Si Uncle Jing, na nandoon para sunduin siya galing school, ay biglang tumakbo papunta sa kanya at tinulak siya.

Sa huli, ang tanging nagawa nalang niya ay panuorin ang pagkamatay ni Uncle Jing sa ilalim ng sasakyan. Nagkalat ang dugo nito sa kalsada.

Minor injuries at kaunting gasgas lang ang natamo niya, pero buhay ni Uncle Jing ang kapalit.

Kung hindi dahil sa kanya, hindi mamamatay si Uncle Jing.

Noong una, iniisip niya aksidente lang ang lahat. Ngunit, nagulat siya noong nalaman niya na ang driver na responsible para sa bangaan ay walang iba kung hindi ang chauffeur ng Qin Family.

Bakit sobrang tapang ng Qin Family, wala silang pake itago na nagbayad sila para pumatay ng isang tao? Kailangan ba talaga nila ipadala ang chauffeur nila para gawin ang dirty work nila?

Walang pake itong mayayaman sa mga ordinaryong mamamayan. Ang nanay at nakakabata niyang kapatid ay sobrang heartbroken.

Paulit-ulit siyang pumunta sa korte, para makasuhan ang offending driver. Noong panahon na yun, napadala na si Qin Chu sa ibang bansa.

Samantalang siya ay naiwan para akuin lahat ng pasanin. Sa huli, pinili ni Huo Mian at ng kanyang pamilya na huwag tanggapin ang compensation.

Walang nagawa ang offending driver kung hindi tanggapin ang charges at makulong. Ngunit, nakasuhan lang siya ng drunk driving at nabigyan ng five years sentence.

Noong mga panahong yun, ramdam niya ang unfairness ng lahat at ang diperensya sa pagitan ng may pera at wala.

At saka, naintindihan niya, na ang isang katulad niya na ganito lang ang background, ay kailanman hindi pwede makisma sa isang mayamang pamilya na may connections katulad ng mga Qins.

Simula noon, tuluyan na niyang kinalimutan ang lahat ng posibilidad na magiging sila pa ni Qin Chu.

Pagkaalala sa mga mabibigat na alaala, binasa ni Huo Mian ang kanyang mukha. Nagsuot siya ng black pants, balck t-shirt at black sunglasses, lumabas siya ng pintuan. Pagkadaan niya sa flower shop, tumigil siya para bumili ng isang bouquet ng white chrysanthemums.

Nasa city outskirts ang public cemetery kaya kailangan niya sumakay ng tatlong bus transfers para lang makapunta doon. Malapit na mag-alas dose nang makarating sila sa gates.

"Ate," kumaway si Jing Zhixin kay Huo Mian.

"Kanina ka pa naghihintay no?" malambing na tinapik ni Huo Mian ang ulo niya.

"Hindi naman ganoon katagal, mga fifteen minutes or so. Ate, mukhang namayat ka ngayon. Masyado ka bang maraming night shifts?"

Malumanay na ngumiti si Huo Mian sa pag-aalala ng kapatid niya, "Hindi, nag-diet lang ako."

Pagkatapos, magkasamang naglakad ang dalawa sa public cementery. Nilagay nila ang mga binili niyang fresh flowers kanina sa puntod ni Uncle Jing.

Andoon ang mga prutas at isang flower basket na iniwan ng nanay niya noong bumisita ito kaninang umaga.

"Zhixin, sa mga nagdaang taon, sinisi mo ba ako katulad nang kay mama?" pagkatanggal niya ng sunglasses, malungkot ang expression ni Huo Mian.

Tumingin si Jing Zhixin sa kanyang ate. Nagulat siya at sinabing, "Ate, anong pinagsasasabi mo? Bakit ko gagawin yan? Yung nangyari noon, hindi mo kasalanan. Ang Qin family ang masama dito. Kung hindi namatay si papa, ikaw ang mamatay. Parehas kayong pinakamalapit na tao sakin."

"Pero kung hindi ko binalewala ang mga banta at pinagpatuloy ang pakikipagdate kay Qin Chu, hindi mangyayari itong aksidente," napakagat si Huo Mian sa kanyang mga labi, puno ng guilt ang dibdib niya.

Nagulat si Huo Mian sa sagot ni Jing Zhixin. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang nineteen-year-old na kapatid ay kayang magsabi nang ganun kalalim.