Chapter 1890: Gusto ko lang Maghiganti (1)
Tumakbo si Huo Mian para tulungan ang babaeng ginugulpi, at nakita niya na si Huo Yanyan ito.
Ilang taon na simula noong huli silang nagkita. Halos pareho pa rin ang itsura niya, bukod sa parang nag-mature ang ekspresyon niya.
"Sino ka? Mind your own business, dinidisiplina namin ang walang hiyang kabit na 'to…" sabi nang mayabang ng isang babae.
"Yanyan, ano nangyayari?" Suminagot si Huo Mian.
"Hindi ako kabit, sinisiraan ako nila…" Magulo ang itsura ni Huo Yanyan, magulo ang buhok niya at punit ang blouse.
Hiyang hiya siya na may crowd na nanonood sa kanya.
Tumalikod si Huo Mian at pinaalis sila at may nakita siyang babaeng may dalang pink na Hermes handbag sa sulok ng crowd.
Si Wei Ying ito, ang batang kapatid ni Wei Liao.
Nagulat din si Wei Ying makita si Huo Mian. Nilapitan niya si Huo Mian at binati, "Sister Mian, bakit ka nandito?"