Noong gabing 'yun, mahigit dalawang oras pang nanatili si Song Xiangsi sa
tapat ng puntod bago siya bumaba.
At kagaya ng pangako, hinintay siya ni Yang Sisi, na hindi na natiis at
nakipag'kwentuhan na sa driver. Nang makita siya nitong papalapit, dali-dali
nitong binuksan ang pintuan ng backseat para sakanya.
Sa buong byahe, wala ni isa sakanila ang gustong kausapin ang isa't-isa, kaya
bukod sa tunog ng tambutso ng taxi sa tuwing humaharurot ito, wala ng ibang
maririnig.
Pagkarating nila sa Fifth Ring Road, sinenyasan ni Yang Sisi ang driver na
ipara na siya sa gilid.
Kaya pagkahinto ng sasakyan, dali-dali niyang kinuha ang kanyang wallet,
pero nang magmamabayad na siya, biglang nagsalita si Song Xiangsi, na
kanina pa nakatulala, "Ako na."
Sa pagkakataong ito, hindi na nagmatigas si Yang Sisi at hinayaan na si Song
Xiangsi sa gusto nitong mangyari, kaya para hindi na maabala ang driver,
mabilisan niyang zinipper ang kanyang wallet at isinuksok sa kanyang bag.
"Salamat."
Dali-dali siyang bumaba, pero pagkasarado niya ng pintuan, muli siyang
huminto at tumingin kay Song Xiangsi. "Hindi ko naman talaga dapat sasabihin
sayo lahat ng 'to, pero dahil sinabi sakin ni Xu Jiamu na kasal ka na, ang sakit
lang isipin na ayaw niya ng magmahal kung hindi lang naman din daw ikaw….
Sobrang nalungkot lang ako para sakanya…"
Habang sinasabi ito ni Yang Sisi, mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata, at
maging ang kanyang boses ay nanginginig din. Ito kasi ang unang
pagkakataon na tumulong siya sa isang taong sobrang nasaktan siya… at ang
masasabi niya lang ay… wala siyang pinagsisisihan.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong nalaman niya ang katotohanan,
nginitian niya si Song Xiangsi at nagpaalam ng mahinahon, pero pagkatalikod
niya, tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha – mga luha na
magkakahalong saya, lungkot, at sakit…
Plano sana talaga ni Song Xiangsi na umuwi na sa Su Yuan Apartment kaagad
dahil naghihintay na sakanya si Little Red Bean, pero noong mag-isa nalang
siya, bigla niyang naisip na dumaan muna sa Second Ring Road.
Buti nalang bukas pa ang paborito niyang mushroom restaurant… Pero dahil
malalim na ang gabi, isa nalang ang kumakain at lasing pa, kaya medyo
maingay.
Kilalang kilala siya ng may-ari, dahil bukod sa isa siyang super star, madalas
talaga silang kumain dito ni Xu Jiamu noon. Kaya nang makita siya nito,
masaya itong sumalubong sakanya at hinatid siya sa isang pwestong sobrang
tahimik.
Hindi talaga gutom si Song Xiangsi kaya iilang putahe lang din ang inorder
niya.
"Grabe! sa tagal ninyong magkasama, hindi pa rin talaga nagbabago ang
panlasa niyo ni Mr. Xu. Pag pumupunta rin siya dito, ganitong ganito rin ang
mga inoorder niya."
Siyempre alam naman ni Song Xiangsi na ang Mr. Xu na tinutukoy nito ay si Xu
Jiamu kaya medyo nagulat siya. Noong una, hindi niya alam kung anong
isasagot niya o kung sasagot pa ba siya, pero pagkalipas ng limang segundo
hindi niya na napigilang magtanong, "Lagi ba siyang kumakain dito."
"Ay oo… Linggo linggo siyang pumupunta dito. Kadalasan magisa lang siya,
pero lagi siyang nagrerequest ng dalawang plato at dalawang pares ng
chopsticks. Tapos lalagyan niya rin ng pagkain yung isang plato." Nakangiting
sagot ng may-ari.
"Oh." Sa pagkakataong ito, hindi na talaga alam ni Song Xiangsi kung anong
isasagot niya kaya napangiti nalang siya at hindi na nagsalita.
Pagkatapos nito, umalis na rin ang may-ari para ipunch ang mga order niya.
At dahil literal na siya ang yung lasing na lalaki nalang ang customer, naiserve
kaagad ang mga ito.
Ganun na ganun pa din ang timpla ng mga pagkain… Kaya para kay Song
Xiangsi, sobrang hirap nitong lunukin, dahil sa tuwing malalasahan niya ito,
wala siyang maalala kundi si Xu Jiamu…Bandang huli, hindi niya na pinilit ang
sarili niya, at kahit halos wala pang nabawas ang mga ito, binayaran niya na
ang bill at umalis.
Alas diyes na ng gabi noong makalabas siya ng restaurant, pero imbes na
pumara ng taxi, naglakad-lakad muna siya.
Sakto, medyo malapit ang mushroom restaurant sa shopping district, kaya
noong nakaramdam na ng pagod si Song Xiangsi, hindi niya namalayan na
nasa tapat siya ng Xu Enterprise.
Binilang niya ang mga bintana hanggang sa office ni Xu Jiamu. Nakabukas pa
ang mga ilaw ito, pero dahil sa sobrang taas, hindi niya makita kung anong
ginagawa nito sa loob.