Chapter 950 - Konklusyon (1)

Nakatitig lang siya rito, na para bang hindi siya nangangalay at nagmamadali,

hanggang sa mamatay na ang mga ilaw nito. Pagkalipas ng halos limang

minuto, nakita niya si Xu Jiamu na lumabas ng Xu Enterprise.

Sinalubong ito ng security, na nagbigay ng susi ng sasakyan nito at nagbukas

ng pintuan ng driver's seat. Hindi nagtagal, umalis rin ito kaagad.

Medyo mabilis itong magpatakbo pero kahit nakalayo na ito, nakatitig pa rin si

Song Xiangsi sa direksyon ng dinaanan nito hanggang sa biglang mag'ring ang

kanyang phone.

Tinawagan lang siya ni Jiang Licheng para magtanong kung bakit hindi pa siya

nakakauwi.

Pagkaputol ng tawag, sinilip niya ang oras: fifteen minutes matapos mag alas

dose ng madaling araw… Ibig sabihin, dalawang oras na pala siyang nakatayo,

at sa tagal 'nun, sampung segundo niya lang nakita si Xu Jiamu at sa malayo

pa.

Labintatlong oras nalang at babalik na siya sa America…

Kaya kahit sa ganung paraan niya lang ito nakita, masaya na siya, sobrang

saya….

-

Ilang minuto nalang bago mag'ala una ng madaling araw noong nakauwi si

Song Xiangsi sa Su Yuan apartment. Noong oras na 'yun, nakatulog na si

Jiang Licheng sa sofa kakaantay sakanya, at nang sandaling buksan nito ang

pintuan, biglang kumunot ang noo nito, na para bang nagtataka kung bakit

mukhang sobra siyang pagod. "Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Wala lang." Bago ang lahat, dumiretso muna siya sa kwarto para silipin si

Little Red Bean, at nang masiguradong mahimbing na itong natutulog, doon

lang siya muling humarap kay Jiang Licheng. "Pasensya na talaga kung

matagal kang nagbantay kay Little Red Bean ngayong araw."

"Okay lang." Dahil nakauwi na si Song Xiangsi, dali-daling kinuha ni Jiang

Lichen ang kanyang jacket at naglakad papunta sa pintuan para magpalit ng

sapatos, pero bago siya lumabas, muli siyang humarap kay Song Xiangsi.

"Nakapagempake na ba kayo?"

"Oo."

"Oh pano… sunduin ko nalang kayo ng alas onse."

Pagkalabas ni Jiang Licheng, humiga si Song Xiangsi sa sofa. Nakatitig lang

siya sa mga ilaw sa labas ng bintana, at halos hindi niya maramdaman ang

kanyang katawan sa sobrang bigat ng puso niya.

-

Hindi masyadong nakatulog si Song Xiangsi noong gabing 'yun, at kinabukasan

naman bago palang mag'alas siyete ay gising na si Little Red Bean, kaya

maaga silang nag'umagahan at naglaro sandali, bago siya magempake.

Halos isang buwan lang siya sa China, pero sa dami ng mga pinamili niya para

sakanya at para kay Little Red Bean, dumami ng limang beses ang mga gamit

nila, kaya sa kabuuhan, tatlong maleta ang napuno niya.

Pagsapit ng alas onse, kagaya ng pangako, dumating si Jiang Licheng. Ibinaba

muna nito ang mga maleta, at matapos siguraduhing wala ng naiwan, bumalik

ito para buhatin naman si Little Red Bean.

Patay na oras silang bumyahe kaya eleven forty palang ay nakarating na sila

sa airport. Agad nilang chineck in ang mga bagahe nila, at pagkalagpas ng

security check, ibinigay na sakanila ang mga ticket, pero nang matanggap ito

ni Song Xiangsi, bigla siyang natigilan, na para bang may gumugulo sakanya.

"Xiangsi? Xiangsi?" Nang makitang nakatulala si Song Xiangsi, hindi napigilan

ni Jiang Licheng na tapikin ang kaibigan, "Anong iniisip mo?"

Dahil dito, biglang nahimasmasan si Song Xiangsi. Dali-dali siyang umiling at

ibinigay ang kanyang passport, ID, at plane ticket.

-

Mula kahapon, ang madaldal na Little Rice Cake ay biglang ayaw nalang

magsalita at lagi lang nakasalumbaba. Hindi rin ito kumain ng gabihan, at

gusto lang nitong maglaro sa playroom. Dahil dito, sobrang kinabahan si Qiao

Anhao, at sa tulong ni Madam Chen sinubukan nilang suyuin ito, pero kahit

anong gawin nila ay hindi talaga sila pinapansin nito at naglalaro lang ng Lego.

Kinabukasan, kagaya ng nakasanayan, maagang gumising si Little Rice Cake,

at kumatok sa kwarto nina Lu Jinnian at Qiao Anhao para magpatulong sa

paghahanda papasok sa school.

Related Books

Popular novel hashtag