Habang kumakain si Little Red Bean, nilaro niya ang toyo at tumapon ito sa
kamay niya, kaya para hinid kumalat sa damit niya, binuhat siya ni Song
Xiangsi papunta sa CR para hugasan siya ng kamay.
Dahil bata, sobrang saya ni Little Red Bean sa tuwing nakakakita siya ng tubig,
kaya habang hinuhugasan siya ng mommy niya, pumalakpak siya ng
pumalakpak. Natural, nagkalat ang tubig sa buong paligid, at nang matamaan
matalsikan niya ito sa mukha, pinagalitan siya ito, "Red Bean, tama na!
Magagalit si Mommy."
Pero hindi talaga natinag si Little Red Bean at lalo pa nitong nilakasan ang
pagpalakpak. Dahil dito, bigla itong binitawan ni Song Xiangsi, at tumalikod
para takutin ang bata na iiwanan na ito, kaya sa takot, biglang umiyak si Little
Red Bean, "Mommy, sorry na po!"
"So aayusin mo na ang paghuhugas ng kamay?" Naka'pamewang na tanong ni
Song Xiangsi.
"Opo." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Little Red Bean.
Dito lang ulit naglakad si Song Xiangsi papalapit kay Little Red Bean para
ipagpatuloy ang paghuhugas nito ng kamay. Kagaya ng napagusapan, hindi na
ito naglaro, kaya mabilis silang natapos, pero noong kukuha na sana siya ng
tissue, bigla siyang natigilan dahil sa isang pamilyar na boses, "Xiangsi."
Pagkalingon niya, nakita niya si Xu Jiamu na kalmadong nakatayo malapit
sakanila.
Maging si Little Red Bean ay napalingon din at nang makita niya si Xu Jiamu,
walang kurap-kurap niya itong tinitigan, na para bang inaalala niya kung saan
niya ito nakita.
Ang buong pagkakaalam ni Xu Jiamu ay anak si Little Red Bean ng ibang
lalaki, pero nang makita niya ang mapupungay nitong mga mata na nakatitig
sakanya, pakiramdam niya ay para siyang natunaw. Naglakad siya papalapit sa
mag'ina at malambing na nagtanong, "Little Red Bean, naalala mo ba si
uncle?"
Tumungo si Little Red Bean at nakangiting sumagot, "Uncle"
Sa totoo lang, noong unang beses palang na makita ni Xu Jiamu si Little Red
Bean, iba na ang naradamdaman niya, at ngayon na nakita niya ulit, sobrang
saya niya talaga. "Pwede mo bang ihug si uncle?"
Hindi naman tumanggi si Little Red Bean, pero dahil lagi siyang sinasabihan ng
mommy niya na huwag basta-bastang makikipagusap sa 'strangers', sinilip
niya muna ang reaksyon ng itsura nito, at nang makita niyang hindi ito
nakatingin sakanya ng masama, masaya siyang sumagot ng "Okay" at tumakbo
papalapit kay Xu Jiamu.
Pagkabuhat ni Xu Jiamu kay Little Red Bean, parehong kilig at saya ang
naramdaman niya kagaya noong unang beses niya itong nabuhat.
Ngayong alam niya ng stepdaughter ito ni Song Xiangsi, mas binigyan niya ng
atensyon ang detalye ng maliit na mukha ni Little Red Bean, at habang mas
tinititigan niya ito, lalo itong nagiging pamilyar para sakanya. Inisip niyang
mabuti kung sino ang kahawig ng bata, at nang makumpirma niya, nakangiti
siyang tumingin kay Song Xiangsi, "Sa tagal niyong magkasama ni Little Red
Bean, nagiging magkamukha na kayo."
"Talaga?" Pabirong tanong ni Song Xiangsi habang nakatitig kina Xu Jiamu at
Little Red Bean.
Kung bibilangin, ito na ang pangalawang beses na nagkita ang mag ama. Sa
totoo lang, sa tuwing tinitignan niya si Little Red Bean, kitang kita niya ang
pagkakahawig nito kay Xu Jiamu, pero ngayong magkatabi na ang dalawa,
namangha pa rin siya nang makita niyang parehong pareho ang ilong ng mga
ito.
Hindi kagaya noon, hinayaan lang ni Song Xiangsi si Xu Jiamu na laruin si
Little Red Bean, at siguro, dahil sa lukso ng dugo, si Little Red Bean, na likas
na mahiyain pagdating sa ibang tao, ay sobrang saya habang nakikipaglaro
kay Xu Jiamu.
Nasanay ng magbuhat ng bata si Xu Jiamu mula noong dumating si Little Rice
Cake, kaya kahit malikot si Little Red Bean, nahahawakan niya pa rin itong
maigi.
At pareho man nilang hindi alam kung anong koneksyon nila sa isa't-isa,
malinaw na sobrang komportable nila, sa puntong mas malambing pa si Little
Red Bean kay Xu Jiamu kaysa kay Jiang Licheng, na dalawa't kalahating taon
na nitong araw-araw na nakakasama.