Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 939 - Pagpapatuloy (20)

Chapter 939 - Pagpapatuloy (20)

Pagkalipas ng halos sampung minutong pakikipaglaro kay Little Red Bean,

muling tumingin si Xu Jiamu kay Song Xiangsi, "Sa makalawa na kayo aalis,

diba?"

"Oo." Nakangiting sagot ni Song Xiangsi habang kinukuha si Little Red Bean.

"Anong oras flight niyo?"

Nang makita ni Little Red Bean na kinukuha na siya ng mommy niya, dali-dali

niyang hinalikan si Xu Jiamu sa pisngi, na sobrang nagpabilis ng tibok ng puso

ni Xu Jiamu.

Pagkatapos, masayang lumapit si Little Red Bean kay Song Xiangsi.

"Alas tres ng hapon." Sagot ni Song Xiangsi habang binubuhat ang bata.

"So mga alas sinco na ng hapon na pala kayo makakarating America."

"Oo… oh paano, kailangan na naming bumalik ni Little Red Bean sa kwarto

namin."

"Sige."

"Bye."

"Bye."

Tinignan ni Song Xiangsi si Little Red bean at mahinahong sinabi, "Mag'bye ka

kay uncle."

"Bye bye, uncle." Malambing na paalam ni Little Red Bean habang ikinakaway

ang napaka cute niyang kamay.

"Bye." Nakangiting sagot ni Xu Jiamu.

Pagkatapos, tuluyan ng naglakad si Song Xiangsi palabas ng CR na buhat-

buhat si Little Red Bean, pero hindi pa man din siya nakakalayo, muli nanaman

siyang tinawag ni Xu Jiamu, "Xiangsi."

Kaya bigla siyang natigilan, pero halos tatlong segundo pa ang lumipas bago

siya dahan-dahang lumingon. "Mm?"

"Nilagay ko yung card ko sa bulsa ni Little Red Bean. Kapag pagod o

nalulungkot ka sa ibang bansa, tawagan mo lang ako anytime. Iuuwi kita dito."

Ibinuka ni Song Xiangsi ang kanyang bibig, pero bandang huli, hindi niya na

tinuloy ang gusto niyang sabihin, at muling tumalikod para magpatuloy sa

paglalakad.

Samantalang si Xu Jiamu naman ay nanatili lang sakanyang kinatatayuan

habang sinusundan ng tingin ang mag'ina hanggang sa tuluyan ng mawala ang

mga ito.

Ang pinaka malayong distansya sa mundo ay hindi ang distansya nating

dalawa, kung saan ka nakatayo sa malayo ng walang kaalam-alam na mahal

kita, kundi, ang distansya na kahit gaano pa tayo kalapit, ay alam kong hindi

mo na ako kailangan.

Alam kong minahal mo rin ako… Pero para sakin, hindi yung nawala nating

pagkakataonna magsama ang pinaka masakit sa lahat, kundi, ang katotohanan

na wala ka na sa tabi ko, pero nakatira ka pa rin sa puso ko.

-

Noong gabing yun, nagpakalunod si Xu Jiamu sa alak, at kung paano siya

nakauwi sa Mian Xiu Garden? Wala siyang ideya.

Ang natatandaan niya lang, may umakay sakanya noong pasuray-suray siyang

bumaba ng sasakyan niya. Pagkatapos pinisil nito ang ilong niya habang

kinakausap siya na may tonong parang inis na inis. "Jiamu, kanina pa kita

hinihintay. Bakit ngayon ka lang umuwi?"

Pamilyar ang boses, pero kahit anong pilit niya, hindi niya maalala kung kanino

'yun.

Nang sinubukan niyang tignan ang itsura ng taong umakay sakanya, nakita

niya ang mukha ni Song Xiangsi, na hindi nagtagal ay unti-unti ring nawala

kaya bigla niya itong tinulak at pasuray-suray na naglakad papunta sa pintuan,

pero dala ng kalasingan, ilang beses niyang naenter ng mali ang passcode

niya.

"Jiamu, sabihin mo sakin ang passcode, ako na mageenter." Dali-daling

humabol si Yang Sisi para alalayan si Xu Jiamu.

"0513"

Pagkabukas ng pintuan, inakay ni Yang Sisi si Xu Jiamu papasok at hirap na

hirap itong binuhat papunta sa kwarto nito sa taas.

Gamit ang buong lakas, inihiga niya si Xu Jiamu sa kama, bago siya bumaba

para ikuha ito ng mainit na tubig sa kusina, pero pagkabalik niya, marinig

niyang sumusuka ito sa CR.

Kaya dali-dali niyang inilapag ang baso para puntahan ito. Sa tabi ni Xu Jiamu,

sumalampak siya habang hinihimas ang likod nito at nang matantya niyang

kumalma na ang pagsusuka nito, binigay niya ang baso na may lamang tubig

para makapagmumog ito.

Related Books

Popular novel hashtag