Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 937 - Pagpapatuloy (18)

Chapter 937 - Pagpapatuloy (18)

Sa ikapitong araw ng pagkawala ni Mr. Song, umuwi na sina Xu Jiamu at Song

Xiangsi sa Beijing.

Pinaka maagang flight ang kinuha nila, kaya mga bandang ala una ng tanghali,

nakarating na sila sa Beijing.

Bago sila umalis, iniwanan ni Xu Jiamu ang sasakyan niya sa parking lot ng

Beijing Airport, kaya hinatid niya muna si Song Xiangsi.

Dahil patay na oras silang bumyahe, wala pa masyadong mga sasakyan sa

kalsada, kaya wala pang forty minutes ay nakarating na sila sa Su Yuan

apartment.

Pero bago bumaba, tumingin muna si Song Xiangsi kay Xu Jiamu at

nakangiting sinabi, "Jiamu, maraming salamat sa lahat."

Pagkatapos iunlock ang mga pintuan, tumingin din si Xu Jiamu kay Song

Xiangsi at nakangiting sumagot, "Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang

ako. Hindi ako nagpalit ng number."

"Naalala mo ba ang number ko? Kung hindi na…"

Naglabas si Xu Jiamu ng isang business card at iniabot kay Song Xiangsi.

"Nandito ang lahat ng contact details ko."

Pero hindi ito kinuha ni Song Xiangsi at nagpatuloy lang sa pagngiti kay Xu

Jiamu.

Kaya malungkot na yumuko si Xu Jiamu para tignan ang business card na

hawak niya, at muling nagpatuloy, "Xiangsi, nangako ako sa papa mo na

aalagaan kita. Kunin mo na 'to. Kung may kailangan ka, kahit anong oras…"

Pero hindi pa man din tapos si Xu Jiamu sa sinasabi niya nang biglang

magsalita si Song Xiangsi. "Jiamu… Tinawagan ko na ang direktor.

Magshushoot na ulit kami bukas para sa commercial."

Dahil sa sinabi ni Song Xiangsi, biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu. "Diba

sinabi ko naman na sayo? Magpahinga ka muna pagblik natin ng Beijing. Hindi

mo kailangang magmadali…."

"Jiamu," Muling sabat ni Song Xiangsi. "Jiamu, isang linggo nalang, matatapos

na ang pagshushoot ng commercial… Sa susunod na Miyerkules, babalik na

ako sa Amerika…"

Hindi makapaniwala si Xu Jiamu sa sinabi ni Song Xiangsi, kaya halos

kalahating minuto siyang napatitig dito bago siya muling magsalita na halatang

gulat na gulat, "Ba…balik ng Amerika?"

"Oo."

Ang tanging rason lang naman kung bakit umuwi si Song Xiangsi ng Beijing ay

para alagaan ang papa niya, pero ngayong wala na ito, sa tingin niya,

kailangan niya ng umalis ulit.

Alam ng Diyos na sobrang nagpapasalamat siya kay Xu Jiamu para sa lahat ng

ginawa nito para sakanya, pero sa kabila ng lahat ng 'yun, hindi niya na

mababago ang katotohanang hiwalay na sila.

Biglang nanahimik si Xu Jiamu, at dahil dito, sobrang naging nakakailang nga

awra sa loob ng sasakyan, kaya nang hindi na matiis ni Song Xiangsi, muli

siyang nagsalita, "Kung wala ka ng sasabihin, bababa na ako."

Nakatulala lang si Xu Jiamu sa harapan niya, at nang sandaling marinig niya

ang sinabi ni Song Xiangsi, tumungo lang siya.

"Bye." At tuluyan na itong bumaba at pumasok sa apartment nito.

Hindi alam ni Xu Jiamu kung dahil ba nagkasama sila ng ilang araw o dahil sa

mga nalaman niya tungkol dito, pero…. mayroong parte sa puso niya na

humihiling na sana wag na silang magkahiwalay ulit, kahit alam niyang may

asawa at sarili na itong buhay… kaya ngayong sinabi nitong aalis na ito ulit,

para siyang binuhusan ng malamig na tubig na hindi niya alam kung paano

siya gagalaw sa kinauupuan niya at ang tanging nararamdaman niya lang ay

ang nangingig niyang mga kamay.

-

Isang araw pagkatapos nilang bumalik ng Beijing, pumasok na si Xu Jiamu sa

Xu Enterprise, at dahil mahigit sampung araw siyang nawala, natambak na ang

mga trabaho niya. Bukod sa sunod-sunod na mga meeting, halos mamaga na

ang kanyang kamay kakapirma ng iba't-ibang mga dokumento. Hindi rin sapat

ang isang buong araw para mahabol niya ang mga kailangan niyang habulin,

kaya sa madaling salita, kinailangan niyang doblehin ang pagtatrabaho kahit

pa sa opisina na siya matulog.

Apat na magkakasunod na araw siyang nagbabad sa trabaho at halos hindi

makausap bago niya natapos ang lahat.

Kapag nagiging busy ang isang tao, normal lang na hindi niya iniisip ang mga

bagay na malayo sa ginagawa niya, pero sa oras na mabakante siya,

imposibleng hindi niya maalala ang lahat, kaya para aliwin ang sarili,

nakipagmeeting si Xu Jiamu sa isang kliente kahit gabi, pero sa hindi

inaasahang pagkatataon, nagkasalubong sila ni Song xiangsi sa isang seafood

stall sa Xiangyuan.