Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 936 - Pagpapatuloy (17)

Chapter 936 - Pagpapatuloy (17)

Dahil dito, kinabahan si Xu Jiamu na baka umalis nanaman si Song Xiangsi,

kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kwarto ni Mr. Song para icheck ito.

Kaya si Song Xiangsi, na nasa loob, ay biglang napatalon at gulat na gulat na

napatingin, "Bakit?"

"Wala." Nang makita niya si Song Xiangsi, nakahinga ng maluwag si Xu Jiamu.

Pero hindi niya na ito inistorbo at isinarado lang ulit ang pintuan.

Dahil medyo malalim na ang gabi, niligpit niya lang ng mabilisan ang lamesa at

dumiretso na rin siya sa kwarto ni Song Xiangsi para makapagpahinga, pero

noong papasok na siya, biglang kumidlat ng malakas kaya natigilan siya at

imbes na magpatuloy, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto ni Mr.

Song para silipin si Song Xiangsi.

Pagkabukas niya ng pintuan, nakita niya itong nakabaluktot sa kama at

mukhang nanginginig sa sobrang takot. Siguro, dahil unang beses niyang

makitang ganun si Song Xiangsi, hindi niya maipaliwanag ang sakit, kaya dali-

dali, tumakbo siya papunta sa tabi nito. "Xiangsi?"

Ilang beses niya itong tinawag, bago nito ilabas ang ulo nito sa kumot, at

tumingin sakanya. "Pwede bang dito ka muna?"

Nang makita niya ang takot sa mga mata nito, lalo siyang nasaktan, kaya

walang pagdadalawang isip siyang tumungo. "Sige."

Ilang araw ng hindi makatulog ng maayos si Song Xiangsi, pero ngayon –

siguro dahil sa presensya ni Xu Jiamu – nakatulog siya kaagad.

Kinabukasan, nakaalis na ang bagyo kaya nang sandaling imulat niya ang

kanyang mga mata, sumalubong sakanya ang napaka gandang kalangitan.

Ngayon nalang siya ulit nakatulog ng mahimbing, kaya kahit gising na siya,

muli siyang pumikit at nanatili pa sa kama ng halos sampung minuto, bago siya

bumangon. Pagkaupo niya, nakita niya si Xu Jiamu na natutulog habang

nakasandal sa kabinet.

At doon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi.

Sa totoo lang, ayaw na ayaw niyang magpakitang mahina sa harap ng ibang

tao. Pero mula noong mamatay ang papa, sobra talaga siyang nalungkot, kaya

siguro niya nasabi kay Xu Jiamu kagabi na wag muna itong umalis. Ang buong

akala niya, hihintayin lang siya nitong makatulog, pero hindi niya naman naisip

na talagang babatayan siya nito buong magdamag hanggang sa makatulog

nalang ito ng nakaupo dala ng sobrang pagod.

Sobrang putla at itim na ng ilalim ng mga mata nito…

Nitong mga nakaraang araw, aminado siya na mas napagod ito ng di hamak

kumpara sa kanya dahil habang nagluluksa siya, ito ang umasikaso ng lahat.

Pero sa kabila 'nun, kahit kailan, hindi niya ito narinig na nagreklamo o kahit

simpleng sumimangot manlang sakanya.

Siguro dahil natutulog si Xu Jiamu, ngayon nalang ito natititgan ni Song

Xiangsi ng matagal simula noong magkita sila ulit.

Sobrang gwapo pa rin nito kagaya ng dati, pero halatang halata rin na ang laki

na ng kina'matured ng itsura nito ngayon.

Halatang pagod na pagod ito…. Siguro dahil sa pagaasikaso nito sakanila ng

papa niya…

Habang pinagmamasdan ang natutulog na Xu Jiamu, hindi mapigilan ni Song

Xiangsi na hawakan ang nakakunot nitong noo, pero pagdamping pagdampi

palang ng dulo ng kanyang daliri sa balat ni Xu Jiamu, bigla namang nagring

ang phone nito.

Kaya bigla siyang natigilan, at dali-daling binawi ang kanyang kamay sa takot

na baka bigla itong magising at makita siya nito. Pagkatapos, pasimple siyang

sumilip sa screen ng phone nito, pero nang sandaling makita niya ang

pangalan ng tumatawag, muli siyang natigilan.

Sisi… parehong pareho ng palayaw niya…

'Ito ba yung babaeng Yang Sisi raw ang pangalan?'

Siguro dahil hindi naman talaga nawala ang nararamdaman ni Song Xiangsi

para kay Xu Jiamu, masakit pa rin para sakanya ang katotohanan na may

'girlfriend' na ito, kahit pa sabihin niyang tanggap niya ng hindi talaga sila

pwedeng magkatuluyan, kaya napayuko nalang siya at dali-daling lumabas ng

kwarto. Pagkasarado niya ng pintuan, nairnig niyang nagsalita si Xu Jiamu, na

mukhang naalimpungatan sa tunog ng ringtone. "Hello? Bakit?"

"Mmm… wala ako sa Beijing, nasa probinsya ako eh… Hindi ko pa alam kung

kailan ako uuwi… Sige… Oo, inantok pa ako. Mmm. Sige. Bye. Kita nalang

tayo pagbalik ko ng Beijing."

Related Books

Popular novel hashtag