Dahan-dahan, nilabas ni Mr. Song ang isang bank card galing sa ilalim ng
unan niya at ibinigay kay Xu Jiamu. "May ten million RMB na laman ang card
na 'to. Hindi to pera ni Sisi. Inipon ko 'to noong nagtatrabaho pa ako. Para
sayo 'to."
Hindi maintindihan ni Xu Jiamu kung anong ibig sabihin ni Mr. Song, kaya
biglang kumunot ang kanayng noo at hindi kinuha ang binibigay nito.
Pero pinilit itong ibigay sakanya ng matanda habang nagpapatuloy, "Kapag
naging tatay ka na, maiintindihan mo kung bakit. Mas mamatamisin pa ng
isang tatay na mamatay kaysa maghirap ang anak niya, kaya kunin mo na
ang pera na to. Wala ng rason para ituloy niya yan. Para 'to sa anak ko…
Gusto kong mabawi niya ang dignidad niya. Kung nirerespeto mo ang anak
ko, kunin mo na ang pera na 'to."
Kahit na hindi naman sinisisi ni Mr. Song si Xu Jiamu, hiyang-hiya si Xu
Jiamu at hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng matanda.
"Eleven years na kayong magkakilala ni Sisi, tama…" Sa puntong ito,
mukhang napagod na si Mr. Song dahil pahina na ng pahina ang boses niya
habang nagsasalita, "Hindi maikli ang eleven years at ilang eleven years lang
ang mayroon ang isang tao sa buong buhay niya… Gusto lang sabihin sayo
na ang pinaka masasayang araw ng buhay ni Sisi ay ginamit niya sa tabi
mo…"
Nang marinig ito ni Xu Jiamu, biglang siyang napahawak ng mahigpit sa bank
card na binigay ni Mr. Song.
Dahan-dahang tumingin si Mr. Song kay Xu Jiamu at nakangiting nagpatuloy,
"Kahit na tatlong araw palang tayong magkakilala, alam kong mahalaga sayo
si Sisi, kasi kung hindi, naniniwala akong hindi ka magpupumilit na sumama
dito at magsayang ng oras para alagaan ang isang matandang malapit ng
mamatay.
"May dahilan ako kung bakit ko inutusan si Sisi at yun ay dahil may hiling ako
sayo." Halos tatlong segundong natigilan si Mr. Song bago muling magsalita,
"Kayo man o hindi ang magkatuluyan ni Sisi, sana naman iparamdam mo
sakanya na espesyal siya kahit kaunti."
"Alam kong sobra sobra 'tong hiling ko sayo, pero kung hindi naman talaga
kayo ang magkakatuluyan, hindi mo na siya kailangang isipin. Sobrang
nagaalala talaga ako para sakanya… Kapag nawala na ako, wala na siyang
pamilya. Kapag nasasaktan siya, wala na siyang maiiyakan. Siguro hindi mo
naiintindihan… Pero ang pinaka pinagsisisihan ko sa lahat ay yung hindi ko
na siya maabutang magkaroon ng pamilya…
"At sa tuwing iniisip ko 'yun, sobrang nasasaktan ako… pero bukod sayo,
hindi ko na alam kung kanino ko 'to sasabihin. Nagmamakaawa ako sa…
Pwede mo bang ipangako na kahit anong manyari sainyo ni Sisi,
magkatuluyan man kayo o hindi, kapag nasasaktan siya, pwede bang alagaan
mo siya para sa akin? Pwede bang ikaw ang maging sandalan niya…"
Walang pagdadalawang isip, tumungo si Xu Jiamu. "Nangangako po ako. Wag
po kayong magalala, aalagaan ko po siya."
Nang marinig ni Mr. Song ang sagot ni Xu Jiamu, kampante na siya.
"Kanina pa tayo naguusap, pagod na ako. Magpapahinga muna ako. O siya…
silipin mo muna si Sisi, baka kailangan niya ng tulong."
Magalang na tumungo si Xu Jiamu, pero bago lumabas, tinulungan niya muna
si Mr. Song na humiga at magkumot.
-
Habang hinihintay ni Xu Jiamu si Song Xiangsi sa labas ng bahay, sinulit niya
muna ang pagkakataong makapag sigarilyo.
Paulit-ulit sa utak niya ang mga salitang binitawan ni Mr. Song… Hindi niya
alam kung bakit pero habang iniisip ang mga ito, naalala niya ang sinabi
sakanya ni Song Xiangsi noong nasa ospital palang sila, "Pwede bang
magpanggap kang sweet sakin mamaya… Kahit sa harapan lang ni papa…"
Noong oras na 'yun, dali-dali itong umiling at pinalitan ang sinabi nito na ang
kailangan niya lang gawin ay kausapin ang papa nito ng sandali.