Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 928 - Pagpapatuloy (9)

Chapter 928 - Pagpapatuloy (9)

Alas kwatro na ng hapon noong magyayang umuwi si Mr. Song.

Dahil nabigyan ng pagkakataon na makausap si Mrs. Song, hindi matawaran

ang saya niya, kaya sa kabuuhan ng byahe, nakangiti lang siya.

Pagkauwi nila, malambing niyang kinausap si Song Xiangsi, "Sisi, gusto ni

papa ng manic galing sa Qiaoxi, pwede mo ba akong ibili?"

Dali-dali namang tumingin si Xu Jiamu kay Song Xiagsi. "Teka, sasamahan

kita."

"Kaya na yan ni Sisi… Hindi naman yun malayo. Samahan mo nalang ako

anak sa park sandali."

-

Sa tulong ni Xu Jiamu, dahan-dahang naglakad si Mr. Song sa park, kagaya

ng nirequest niya.

Ilang beses siyang huminto, para ituro ang ilang partikular na lugar na may

mga ala-ala si Song Xiangsi noong bata pa ito, na masaya niyang kinukwento

kay Xu Jiamu.

"Yang puno na yan… Siguro nasa thirty o forty years old na yan… Noong bata

pa si Sisi, lagi siyang naglalaro jan ng jumping rope kasama ang mga kalaro

niya."

"Dati… wala naman yang man-made lake na yan… Noong bata pa si Sisi,

butas lang yan… at dahil mahilig talagang maglaro ang anak ko, lagi yang

nagbababad dun kasama ang ibang mga batang lalaki, kaya pag uuwi yan…

punong puno ng putik ang damit niyan… Nako! Ayun! Galit na galit ang mama

niya."

"Oh… Yang cypress forest nay an… siguro mahigit sampung taon na rin

yan…Dati maliliit pa yan, hindi ko akalain na lalaki pa yan ng ganyan… Sa

tuwing napapagalitan si Sisi, tumatakbo yan jan para umiyak."

"May maliit na poknat yan si Sisi kasi noong bata siya, lagi siyang

nakikipaglaro sa ibang mga bata. Isang araw, sa kakulitan niya, nalaglag siya

kaya nasugatan yung ulo niya. Pero ngayon… hindi naman na masyadong

kita yun kasi kumapal na yung buhok niya…"

Pagkatapos nilang libutin ang park, wala ng sapat na lakas si Mr. Song para

maglakad pabalik, kaya muli, binuhat nalang siya ni Xu Jiamu pauwi.

Kahit na pagod na si Mr. Song, madami pa siyang gustong gawin. Pagkauwi

nila, hinatak niya si Xu Jiamu papasok sa kwarto niya at tinuro ang isang

matandang lamesa, para senyasan ito na buksan ang drawer.

Hindi naman tumanggi si Xu Jiamu. Binuksan niya ito, at sa loob, bumungad

sakanya ang isang sirang lata, at base sa utos ni Mr. Song, dinala niya ito sa

matanda.

Pagkatapos, umupo siya sa tabi nito at maingat na binuksan ang lata. Sa

loob, punong puno ito ng iba't-ibang litrato – may ilang black and white,

colored, sira, at bago. Kasama ng mga ito ay mga ginupit na magazines at

dyaryo… Lahat tungkol kay Song Xiangsi.

Nakangiting hinimas ni Mr. Song ang kumpol ng litrato, bago siya ilabas ng

isang black and white. "Si Sisi 'to noong one hundred days old siya… Tignan

mo siya, ang taba niya no… Hindi kagaya ngayon… Sobrang payat niya na…

Siguro nga pag nahanginan siya, liliparin na siya eh…"

"Ito naman noong one year old siya… Dinala siya ng mama niya sa isang

photo studio sa bayan… Tignan mo, maganda na siya noon pa no?

"Ito naman noong tatlong taon siya…. Noong grade one siya… Oh.. ito naman

noong grade three siya. Nanalo siya jan ng award… Ito yung lolo't lola niya…

Ito yung first year niya sa middle school… At ito naman noong high school

niya. Noong panahon na yan, sikat na siya sa school… Maraming

nagkakacrush sakanya kaya halos araw-araw, may love letter yang inuuwi…

Ito naman noong second year high school siya, ito rin yung taon na namatay

ang mama niya…. Mula noong taon na yan, hindi na masyadong ngumingiti."

Related Books

Popular novel hashtag