Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 929 - Pagpapatuloy (10)

Chapter 929 - Pagpapatuloy (10)

"Noong taon na yan, laging mugto ang mga maya niya kasi araw-araw at gabi-

gabi, wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak."

"Napansin ko din noong taong ito, nag'matured siya ng sobra… Dati kasi, lagi

siyang umuuwi ng madumi ang damit kaya lagi ring nagagalit ang mama niya,

pero ang nakakatawa… lagi rin namang nilalabhan ng mama niya yung damit

niya… Mula noong mamatay ang asawa ko, lagi kong nakikita yung anak ko na

patagong naglalaba ng damit niya… Siguro ayaw niyang mapagalitan ko siya…

"Kahit na hanga ako sa pagiging matured niya sa murang edad, sobrang

nasasaktan pa rin ako.

"Ito yung picture na kinuha niya sa university of Beijing… Ako yung naghatid

sakanya dun. Tignan mo… may picture kami sa Tiananmen Square…"

Puno ng magkakahalong emosyun, huminga ng malalim si Mr. Song. "Ito yung

taon na nagkasakit ako at kinailangan ko ng malaking pera para maoperahan

ako. Noong panahon na 'yun, gusto nalang sanang magtabi para kay Sisi, pero

nagulat ako, gumawa siya ng paraan para makaipon ng pangopera ko."

"Noong panahon nay un, sobrang hirap namin. Huminto si Sisi sa pagaaral at

naging isang sales attendant sa isang mall. Buwan-buwan, kumikita siya hg

three thousand dollars, at yun yung ginagamit niya pambili ko ng gamot."

Biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu.

Noong panahon na 'yun, nagsasama na sila, pero pagkatapos niya itong

bigayan ng fifty thousand dollars, hindi na ito humingi ulit sakanya ng kahit

singkong duling.

Ang alam niya, pumapasok ito dati sa A college… Tandang-tanda niya na

kapag pinapapunta niya ito sa lugar niya, hindi ito tumatanggi o

nagrereklamo… pupunta ito ng gabi at aalis ng umagang umaga kinabukasan

raw pumasok sa school… May mga pagkakataon na sinusundo niya ito sa

tapat ng A college, kaya ang buong akala niya talaga ay nagaaral ito…

"Pagkatapos, naging artista na siya. May isang beses na binisita ko siya sa

set… Grabe yung pinagawa sakanya, at winter pa nun…Hindi ko

makakalimutan na ang taas taas ng lagnat niya, sabi ko nga magpahinga muna

eh… Pero ayaw niyang pumayag… Bilang papa niya, sobrang sakit nun para

sakin… May isang beses din na may nambully sakanya. Pinagsasampal daw

siya at sinara ang damit niya… Alam mo ba? Umuwi siya nung gabing yun at

iyak lang siya ng iyak sa akin…"

Habang tumatagal, lalong nagiging emosyunal si Mr. Song, at sa pagkakataong

ito, mangiyak-ngiyak siyang nagpatuloy, "Noong panahon na 'yun, siguro

sobrang nasaktan siya… Baka wala siyang mapagsumbungan kaya kahit

malayo ang bahay namin, umuwi siya para magsumbong sa papa niya. Halos

kalahating buwan siyang nagstay dito bago siya bumalik sa set. Pagkatapos

nun… Siguro nahiya na siya sa akin, kaya mula 'nun, ala na siyang

sinusumbong na kahit ano, pero alam ko, tinitiis niya lang ang lahat….

Pakiramdam ko tuloy, wala akong kwentang tatay…"

Dahil sa mga sinabi ni Mr. Song, biglang naalala ni Xu Jiamu noong tinanong

niya si Song Xiangsi kung bakit pa nito tinuloy ang pagfifilm kung namamaga

na ang paa nito. Noong oras na 'yun, sinabi lang nito sakanya na matagal na

itong nagtitiis…

Sa totoo lang, noong narinig niya 'yun kay Song Xiangsi, sobrang nasaktan

siya, pero ngayon na nalaman niya na ang lahat… isang daang beses na mas

masakit ang nararamdaman niya, na para bang paulit ulit na sinasaksak ang

puso niya…

Walong taon silang nagsama…. Gabi-gabi, magkatabi silang matulog… Mahigit

tatlong libong gabi, pero wala siya ni katiting na ideyang nasasaktan pala ito,

sinasampal ng iba, nilalagnat, malungkot, masaya, o kahit noong tumigil ito sa

pagaaral…