Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 896 - Pagkatapos (13)

Chapter 896 - Pagkatapos (13)

Alam niya naman na ayaw na talaga siyang makasama ni Song Xiangsi three years

ago… Ay mali… Four years ago pa nga eh… Paano niya na naman makakalimutan na

ilang beses na nitong sinabi sakanya na ayaw na nito?

Pero… sa takot niyang masaktan, pinili niyang magbulag-bulagan at maniwalang gusto

pa rin siya nitong makasama…

Kaso paano? Kasal na ito sa ibang lalaki…

"Baby, diguro oras na para itigil na ni Daddy ang kahibangang 'to…"

"Baby, sana wag mong sisihin si Mommy sa nangyari sayo… Ginawa niya yun hindi

dahil hindi ka niya mahal, kundi dahil ayaw niya na kay Daddy. Kaya kung may sisihin

ka, si Daddy nalang…"

Sa lugar na ito lang nasasabi ni Xu Jiamu ang lahat ng gusto niyang sabihin, kaya sa

puntong ito, hinayaan niya lang ang sarili niyang ibuhos ang lahat ng luha na kailangan

niyang ilabas.

-

Pagkatapos patulugin ni Jiang Licheng si Little Red Bean, maingat niya itong inihiga sa

kama, habang si Song Xiangsi naman ang dahang-dahang nagkumot sa munting

prinsesa. Pagkatapos, pinatay nila ang ilaw at tahimik silang lumabas ng kwarto.

Dumiretso si Song Xiangsi sa kusina para kumuha ng dalawang baso ng tubig, na ang

isa ay ibinigay niya kaagad kay Jiang Licheng. "Salamat."

Kinuha naman ng lalaki ang baso, pero hindi ito uminom kaagad, kundi, tumingin ito

sakanya at sumagot, "Nagpapasalamat ka ba sa akin dahil dinala ko ang mentor ko

galing America na gagamot sa papa mo o dahil sinamahan kita sa kindergarten

kahapon?"

Ramdam ni Song Xiangsi na mas madiin ang punto ng pagkakasabi ni Jiang Licheng sa

pangalawang pagpipilian, kaya ngumiti nalang siya, at walang imik na uminom ng tubig.

Sumandal si Jiang Licheng sa sofa, at habang nilalaro ang hawak nitong baso, muli

itong nagpatuloy, "Xu Jiamu, ang CEO ng Xu Enterprise, at ang tatay ni Little Red

Bean….Niregister mo siya sa pangalan ko at sa pangalan ni Song Yao… Bukod dun,

dinagdagan mo pa ng anim na buwan ang edad niya… Dahil ba 'yun sa ayaw mong

malaman niya ang katotohanan?"

Hindi alam ni Song Xiangsi kung paano niya sasagutin ang napaka prangkang tanong

ni Jiang Licheng, kaya napayuko nalang siya.

Noong dumating siya sa Seattle, tatlong taon na ang nakakaraan, wala siyang kaalam-

alam sa pagbubuntis. Nangyari yun bago pa siya singilin ng mga nagpataong patong

niyang kaso, kaya nakayanan niya pang kumuha ng isang private gynecologist, at yun

nga ay si Jiang Licheng.

Kaapilyido niya ang asawa nito na si Song Yao… Sa totoo lang, sobrang magkasundo

sila nito dahol marami silang pinagkapareha… kagaya ng pareho silang galing sa Su

Zhao… at pareho silang buntis.

Mauuna lang sana ito ng tatlong buwan na manganak sakanya, pero sa ikawalong

buwan nito, bigla itong naglabor. Sa kamalasan, suhi ang bata at hindi kinaya ng

mag'ina. Kaya noong maipanganak niya si Little Red Bean, totoong niregister niya ito sa

pangalan ni Jiang Licheng.

At kagaya nga ng sinabi ni Jiang Licheng, alam niya na darating ang araw na may mga

paparazzi na makakakuha ng picture nila ni Little Red Bean, at ayaw niya namang

maging dahilan pa ito ng gulo kapag umabot ito kay Xu Jiamu.

Sa tatlong taon nilang pagkakaibigan, wala namang naging problema ang desisyong ito

kay Jiang Licheng, pero sa araw na ito, may mga bagay lang siya na kailangang

klaruhin, kaya inubos niya lang sandali ang tubig, at kalmadong nagpatuloy, "Xiangsi…

alam mo ba, nakatulala ka noong nakita mo si Mr. Xu. Sa tingin ko, hindi ka pa

nakakamove on."

"Licheng…" Alam na ni Song Xiangsi ang gusto nitong patunguhan, kaya bago pa nito

masabi ay dali-dali siyang ngumiti, at kalmadong nagpatuloy, "Kanina, may tumawag sa

aking isang malaking make up company. Gusto daw nila akong kuning endorsement

model nila at balak ko sanang tanggapin."

"Xiangsi..."

Pero hindi binigyan ni Song Xiangsi ng pagkakataon na makapagsalita si Jiang Licheng

ng at nagpatuloy, "Sobrang laki ng nawala sa akin dahil sa mga binayaran kong kaso.

Sobrang gastos ko din sa America, kaya alam mo naman siguro na gipit na gipit na

ako… at ngayong nasa ospital si papa, kailangan ko ng malaking pera…"

Related Books

Popular novel hashtag