Muli, sinubukan ni Jiang Licheng na magsalita, pero katulad kahit anong gawin niya ay
hindi siya makasingit kay Song Xiangsi, "Mula ngayon, kapag nangailangan si Little Red
Bean ng pera, may mailalabas na ako. Kahit na mas mura ang inooffer nilang talent fee
sa akin ngayon, sobra sobra pa rin ang kikitain ko para matustusan ko si Little Red
Bean hanggang sa lumaki siya. Isa pa, hindi ko rin alam kung kailan gagaling si papa,
kaya sa tingin ko, tama lang na tanggapin ko ang offer na 'to."
"Song Xiangsi, alam kong alam mo ang gusto kong sabihin." Pagkatapos ng ilang
subok, bandang huli, ay hindi na natiis ni Jiang Licheng at pwersado niyang pinatigil si
Song Xiangsi sa sobrang galit.
"Pagkatapos, kapag naging busy na ako sa trabaho at hindi ko na mabantayan si Little
Red Bean, tulungan ako ha? Salamat." Pagkatapos ng walang tigil na pagsasalita,
kalmadong tumayo si Song Xiangsi, at hinila si Jiang Licheng papunta sa pintuan. "Oh
paano ba 'yan, Licheng, malalim na ang gabi. Mas mabuti siguro kung umuwi ka na
para makapagpahinga na rin."
"Song Xiangsi…" Hindi pa man din tapos si Jiang Licheng sa pagsasalita nang bigla
itong itulak ni Song Xiangsi palabas at walang pagdadalawang isip na sinaraduhan ng
pinto.
Sa likod ng pintuan, rinig na rinig ni Song Xiangsi ang padabog na yabag ni Jiang
Licheng, na sinundan ng tunog na 'ding dong' ng elevator. At hindi nagtagal, muling
nanahimik ang buong apartment.
Ilang minuto pa siyang nanatili sakanyang kinatatayuan bago siya dahan-dahang
naglakad papunta sa kwarto para silipin si Little Red Bean, na sobrang himbing na
natutulog, at dumiretso sa balcony.
Gamit ang buo niyang lakas, binuksan niya ang malaking sliding door at gaya ng
madalas niyang ginagawa, sumadal siya sa railings at dumungaw sa milyun-milyong
mga ilaw na nakapaligid sakanya, habang inaalala ang naging pagkikita nila ni Xu
Jiamu.
Kumpara sa itsura nito tatlong taon na ang nakakaraan, di hamak na mas mukha na
itong matanda ngayon. Mas malinis na rin ang gupit ng buhok dito na lalo pang
nagpagwapo rito, pero hindi kagaya dati, parang wala na ito masyadong pakielam sa
fashion.
Base naman sa titig nito, ramdam niya na may sincere ito ngayon.
Sa loob ng tatlong taon…. Sobrang laki ng pinagbago nito… At sa totoo lang, masasabi
niyang mas nag'matured ito ngayon… malayong malayo sa chikboy, burara at spoiled
na Xu Jiamu….
Jiamu, Xu Jiamu.
Tama si Jiang Licheng…. Hindi pa nga siya nakaka moved on… at sa tuwing iniisip niya
ito, pakiramdam niya ay parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya.
-
Bilang may ari, si Chief Luo talaga ang nakatokang makipagmeeting kay Song Xiangsi,
pero nang malaman ni Xu Jiamu na interesado si Song Xiangsi na tanggapin ang
advertisement, nakiusap siya sa board na kung pwedeng siya nalang ang
makipagusap.
Sa totoo lang, medyo bago ang ganitong galawan kay Chief Luo, pero dahil alam
niyang kapatid ni Xu Jiamu si Lu Jinnian, kapante siya na magaling din itong
makipag'negosasyon kagaya ng kuya nito, kaya nang marinig niya ang tungkol sa
'special request' nito, walang pagdadalawang isip siyang pumayag sa pagaakalang
gusto lang nitong tawaran si Song Xiangsi.
Pero matalino si Xu Jiamu… Alam niya na kapag nagpakita siya kaagad kay Song
Xiangsi, baka umatras ito, kaya para hindi ito magduda, pinaayos niya muna ang lahat
sakanyang secretary, at nagpakita nalang noong pirmahan na ng kontrata.
Nakaset ang meeting nila ng Miyerkules ng hapon sa The Capital Club.
Noong una, akala ng secretary ay pareho silang makikipagkita ni Xu Jiamu kay Song
Xiangsi, kaya laking gulat niya na pagsapit ng alas dose ng tanghali ay kinuha nito
sakanya ang mga kailangang dokumento at hindi na siya pinasama.