"May gagawin ka ba mamaya?" Base sa tono ng boses ni Lu Jinnian, mukhang nasa
kalagitnaan ito ng isang importanteng meeting.
"Wala naman, bakit?"
"Kung wala kang gagawin, makikisuyo lang sana ako na ikaw muna ang sumundo kay
Little Rice Cake. May kliente kasi ako ngayon, at sabi ni Qiao Qiao, pinapunta daw siya
sa bahay ng mga Qiao dahil may sakit si Uncle Qiao." Habang nagpapaliwanag ang
kapatid, rinig na rinig ni Xu Jiamu ang tensyon sa kabilang linya. "Hindi pwede yan,
ulitin mo."
"Okay lang ba?"
"Oo naman."
Pagkaputol ng tawag, dali-dali siyang sumilip sa orasan – Nako! Late na siya para sa
uwian ni Little Rice Cake! Kaya naman, wala na siyang sinayang na oras at agad na
humarurot ng takbo papunta sa school ng pamangkin.
Pero dahil sa sobrang lala ng traffic, karamihan sa mga bata ay nakauwi na at ang
tanging naiwan nalang sa school ay si Little Rice Cake at ang isang magandang batang
babae, na matyagang binabantayan ng principal at isang teacher.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sinundo niya si Little Rice Cake, kaya nang makita
siya ng principal pagkababa niya ng sasakyan, dali-dali nitong tinawag ang bata, "Little
Rice Cake, nandito na ang uncle mo para sunduin ka."
Pero hindi kagaya ng dati, hindi ito tumayo at tumingin lang sakanya. "Uncle."
Pagkatapos, parang walang nangyari at nagpatuloy lang ito sa pakikipaglaro sa kasama
nitong batang babae.
Malakas si Little Rice Cake kay Xu Jiamu, kaya kahit gaano man kabigat ang naging
takbo ng araw niya, hinding hindi niya ito pagbubuntungan ng galit. Isa pa, ito rin ang
kauna-unahang pagkakataon na nakita niya itong hindi atat umuwi, kaya wala talagang
rason para magalit siya kaagad. Kagaya ng madalas na nangyayari, dumiretso siya sa
bag area para ligpitin ang mga nakalabas pa nitong gamit bago niya ito lapitan sa may
sand area at mahinahong kausapin. "Hey, uwi na tayo."
Pero imbes na tumayo, dumakma lang ito ng buhangin, na ibinigay nito sa kalaro nitong
batang babae, bago ito tumingin sakanya para maglambing, "Uncle, pwede po bang
maya-maya na po tayo umuwi?"
Kaya tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata, para hintayin ang paliwanag nito kung
bakit ayaw pa nitong umuwi.
"Uncle, wala pa po kasi yung mommy ni Little Red Bean. Kung uuwi na po tayo, siya
nalang yung maiiwang mag-isa rito. Pwede po bang hintayin nalang natin yung mommy
niya?"
Little Red Bean… Napaka espesyal na pangalan….Parang kinuha ito sa paborito
niyang tula na may pamagat na "Xiangsi": Beautiful Red berries grow in the South /
When spring comes, I don't know how many branches there will be / But I hope you can
gather more for these are a symbol of love.
Kaya bukod sa napaka amo nitong mukha, lalo pang naaliw si Xu Jiamu kay Little Red
Bean nang malaman niya ang pangalan nito. Isa pa, base sa pigura ng katawan nito,
tantsa niyang halos kaedad lang nito si Little Rice Cake, kaya anong klaseng tao ba
naman siya para matiis na maiwanan itong mag-isa.
Pero siguro dala ng kahihiyan, dali-daling sumabat ang principal nang makita nitong
hindi siya kaagad sumagot, "Siguro marami lang ginagawa ang mommy ni Little Red
Bean. Ilang beses ko na siyang tinawagan, pero hindi talaga siya sumasagot. Sila lang
talaga ni Little Rice Cake ang laging magkasama kaya siguro ayaw niyang iwanan ang
best friend niya."
At dahil dito, bigla siyang nahimasmasan , pero bago niya tignan ang principal, ilang
segundo pa siyang nanatiling nakatitig sa maliit na mukha ni Little Red Bean, "Okay
lang ba kung magstay muna kami dito?"
"Walang problema." Nakangiting sagot ng principal.
"Kung may kailangan pa kayong gawin, ako nalang muna ang magbantay sakanila."
Bilang tugon, masayang ngumiti ang principal, at kagaya ng suhestyon ni Xu Jiamu,
bumalik muna ito sa office nito para magtrabaho.
Hindi kagaya ng ibang mga bata, hindi nagaaway sina Little Rice Cake at Little Red
Bean, na sobra namang nagpaaliw kay Xu Jiamu.
Time trickled by. Even when sunset came, Little Red Bean's mother still didn't arrive.
Mabilis na lumipas ang oras, pero lumubog na ang araw at lahat, wala pa rin ang nanay
ni Little Red Bean.