Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 857 - Ang Katapusan (18)

Chapter 857 - Ang Katapusan (18)

Bigla siyang natigilan para silipin ang kanyang phone. Hindi naka'save ang

number at hindi rin ito pamilyar sakanya, kaya medyo nagalangan pa siya

noong una bago niya sagutin ang tawag.

-

Mula sa hindi kalayuan ay nakatayo si Song Xiangsi nang mag'ring ang phone

ni Xu Jiamu, kaya bigla rin siyang napalingon. Wala siyang ideya kung sino

ang tumawag, pero base sa nakikita niya, mukhang masamang balita ang

narinig nito dahil bukod sa biglang nagbago ang reaksyon ng mukha nito, dali-

daliu itong lumabas ng hotel.

Siguradong may nangyari… Kung ano man yun, hindi niya alam…Pero kung

hahayaan niya itong umalis, paano kung kailangan pala nito ng karamay?

Kaya bandang huli, hindi na siya nagpaawat at sinundan ito.

Saktong pagkabukas ni Xu Jiamu ng makina, binuksan niya ang passenger

seat at nagmamadaling sumakay. Tumingin lang ito sakanya at nang

masigurado nitong nakaupo na siya ng maayos, bigla nitong inapakan ng

madiin ang accelerator at kumaripas ng takbo.

Wala ni isa sakanila ang nagsasalita sa kabuuhan ng byahe. Sobrang bilis ng

pagmamaneho ni Xu Jiamu, at si Song Xiangsi, na natatakot magtanong kung

anong nangyari, ay ramdam na ramdam ang pagnginig ng kamay habang

nakahawak sa manibela.

Hindi nagtagal, biglang huminto ang sasakyan sa harapan ng People's

Hospital, pero imbes na sa emergency room, dumiretso si Xu Jiamu sa

morge…

May isang pulis na nakatayo sa labas ng pintuan at pagkarating nila, lumapit

ito kaagad kay Xu Jiamu para samahan ito sa loob.

Medyo mahina ang loob ni Song Xiangsi pagdating sa mga ganitong bagay,

kaya bandang huli, nagdesisyon siyang magpaiwan nalang sa labas.

Itinuro ng pulis kay Xi Jiamu ang isang partikular na kama.

Malinaw na may nakahigang tao na nakatalukbong ng puting tela.

Alam niya kung sino ang nasa ilalim ng puting tela, kaya ilang segundo pa ang

lumipas na nakatitig lang siya rito. Gusto niyang sabihin sa sarili na panaginip

lang ang lahat, pero malinaw sakanya na kalokohan 'yun… Dahil walang ibang

mas totoo pa kundi ang nasa harapan niya ngayon… Dahan-dahan at nanginig

niyang ibinaba ang tela… Ang mama niya… na sobrang putla, pero halatang

mapayapa…

"Pinutol niya yung dila niya tapos namatay siya sa sobrang daming dugo na

nawala sakanya."

Si Song Xiang, na naiwan sa may pintuan, ay nagaalalang tumingin kay Xu

Jiamu.

Hindi mahahalata ang lungkot at pagdadalamhati…. Sobrang tahimik lang nito

habang nakatitig sa babaeng nakaratay sa kama.

Pagkalipas ng limang minuto, binitawan ni Xu Jiamu ang puting tela at

umatras. "Paki kontak ang crematorium."

Sobrang kalmado ng boses nito, pero kitang kita ni Song Xiangsi ang luhang

naiipon sa mga mata nito.

-

Nagiisang anak si Han Ruchu at mula noong magpakasal ito kay Xu Wanli,

sinakop na ng negosyo ng Xu Family ang negosyo ng Han Family.

Pagkatapos mamatay ng mga magulang nito, bihira nalang makipag usap si

Han Ruchu sa iba nitong mga kamag-anak.

Noong una, may ilan itong mga kaibigan, pero pagkatapos ng lahat ng mga

nangyari, sobrang nasira ang reputasyon nito, kaya nitong mga nakaraang

buwan, wala ng may gustong makipag-usap dito.

Bilang lang ang mga kaibigan nito, na bandang huli ay tinalikuran din ito, kaya

ngayong namatay na ito, sino nalang ang gustong magluksa para rito?

Kahit ang sarili nitong asawa na si Xu Wanli ay sobrang hirap ding tawagan.

Kaya bandang huli, ang anak nito, na sobrang kinamuhian nito, ang tanging

taong naiwan sa tabi nito sa pinaka huling pagkakataon.

Hindi na nagdaos ng lamay si Xu Jiamu dahil naniniwala siya na ang lamay ay

para lang sa mga taong nagluluksa. Masyadong maraming nagawa ang mama

niya, kaya ayaw niya namang pilitin ang iba na magluksa para rito.

Sa kabuuhan ng cremation at libing, hindi siya iniwanan ni Song Xiangsi.

Related Books

Popular novel hashtag