Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 858 - Ang Katapusan (19)

Chapter 858 - Ang Katapusan (19)

Si Xu Jiamu mismo ang namili ng picture na ilalagay sa puntod ng mama niya.

Kuha ito noong honeymoon nito at ng papa niya.

Sa picture, sobrang ganda ng ngiti ng mama niya… Masaya at punong puno

ng buhay.

Sa buong buhay niya, wala siyang natatandaan na nakita niyang ngumiti ang

mama niya ng ganun kaganda, dahil ang lagi niya lang nakikita ay ang ngiti ng

isang ina na punong puno ng pagaalala. Hindi siya martyr… Alam niyang kahit

nakikita niyang masaya ang mama at papa niya, ang lahat ng yun ay

pagpapapanggap lamang dahil ang totoo ay matagal ng sira ang relasyon ng

mga ito.

Noong natanggap niya ang tawag ng pulis na nagbalita sakanyang

nagpakamatay ang mama niya, gustong gusto niyang mahimatay. Hindi niya

alam kung anong gagawin niya kaya habang nagmamaneho siya, paulit-ulit

niyang inisip ang pinagusapan nila kagabi. Sinabi niya na hihintayin niya itong

makalabas…. Bakit naman nito naisipang magpakamatay?

Ngunit sa kabila ng lahat ng 'bakit', maging siya ay hindi ay hindi

makapaniwala na sobrang kumalma siya noong oras na makita niya ang abo

ng mama niya.

Alam niyang napatawad na siya ng mama niya, pero siguro ayaw na talaga

nitong mabuhay.

Tandang tanda niya na sinabi nito sakanya, "Jiamu, alagaan mo ang sarili

mo." Siguro, dun nagdesisyon ang mama niya.

Siguro noong sandaling 'yun, narealize na nito ang mga nagawa nito at

nagsisi na ito para sa mga nangyari… Pero masyado ng huli ang lahat para

magumpisa ulit…. Masyado itong nilamon ng galit kaya noong sandaling

kinatok na ito ng konsensya, baka natakot ito ng sobra kaya mas pinili nalang

nitong tapusin ang lahat.

Siguro naisip nito na kamatay nalang ang solusyon para matapos ang lahat.

At ngayon, malaya na ito… sa mga bakal na rehas at higit sa lahat, sa galit…

Bilang anak, naiintindihan ni Xu Jiamu kung bakit para kay Han Ruchu ay mas

mabuti nalang na mamatay ito kaysa habang buhay na magdusa.

Noong nabubuhay ito, galit at poot ang sumakop sa puso nito, kaya bandang

huli, kinontrol na siya nito at naging demonyo.

Sinigurado ni Xu Jiamu na mabilis ang proseso, para na rin tuluyan ng

makapagpahinga ang mama niya. Sa loob ng ilang araw, pinilit niyang

magpakatatag, pero noong sandaling mailibing na ito, hindi niya na kinaya…

Lumuhod siya sa harapan ng puntod nito, at walang tigil na umiyak.

Sa kabila ng mga nagawa nitong masama, mama niya pa rin ito. Ang taong

nagpakahirap na ipagbuntis siya ng siyam na buwan, at ang taong walang

ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho para lang maibigay sakanya ang

lahat.

Sa buong buhay ng mama niya, kahit na naging plastik at mata pobre ito sa

iba, hindi niya itatanggi na pagdating sakanya, sobrang totoo ng pagmamahal

na ibinibigay nito.

Alas sinco na ng umaga noong nakaalis sa sementeryo sina Xu Jiamu at Song

Xiangsi . Hindi pa sumisikat ang araw at may mahinang ambon din.

Ngayong kapapasok lang ng tagsibol, sobrang lamig ng hangin sa labas kaya

hinubad ni Xu Jiamu ang suot niyang jacket para isuot kay Song Xiangsi, at

hinawakan ang kamay nito para alalaya habang bumaba sa basang hagdan.

Hindi pa rin sila naguusap, pero tulad ng nararamdaman ng isa't-isa, pareho

silang panatag. Minsan, lamang pa rin talaga ang taong handang makiramay

ng walang tanong tanong, kumpara sa kahit anong salita.

Medyo malayo ang sementeryong pinanggalingan nila, kaya alas onse na ng

umaga nang makauwi sila. Habang naliligo si Xu Jiamu, bumaba muna si Song

Xiangsi para bumili ng umagahan nila.

Pagkabalik niya, hinanda niya kaagad ang lamesa. Pumunta siya sa kusina

para kumuha ng mga plato, pero noong ilalapag niya na ang mga ito, bigla

namang nagbukas ang pintuan ng kwarto at lumabas si Xu Jiamu, hawak ang

kanyang phone, ng tumutulo pa ang buhok. "Phone mo."

Paulit-ulit itong nagring.

Kaya dali-dali niya itong kinuha kay Xu Jiamu para sagutin ang tawag.

"Xiangsi, anong oras ka pupunta sa ospital?"

Nang marinig niya ang tanong na ito, bigla siyang napatingin kay Xu Jiamu, na

kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok gamit ang twalya. "Medyo marami pa

akong ginagawa, okay lang ba kung tawagan nalang kita sa susunod na

araw?"