Kaya biglang kumunot ang kanyang noo at muling inilabas ang kanyang
wallet para kapain ang bulsa niya at doon niya nakita ang isang kulay asul
na envelope.
Halatang luma na ang envelope dahil medyo gusot-gusot na ang gilid nito. Sa
gitna, may nakadrawing na isang kupas na kulay pink na heart.
Ganitong ganito ang mga nakikita niyang ginagawa ng mga kaklase niyang
babae noon... 'Teka...Si Qiao Anhao ba ang naglagay nito sa bulsa ko?'
Noong una, medyo nagalangan siya, pero noong sakong bubuksan niya na,
bigla namang sumilip ang kanyang assistant at nanguusisang nagtanong, "Mr.
Lu, ano yan? Woooow!! Parang Love Letter yan ah?"
Sa totoo lang, pareho sila ng kutob ng assistant na love letter nga ang laman
ng envelope dahil noong estudyante palang siya, madalas siyang makakita ng
mga ganitong klase ng papel sa loob ng drawer niya, pero dahil may iba na
siyang nagugustuhan, ni minsan ay hindi na siya nagkaroon ng interes sa iba
kaya kahit hindi niya pa nababasa o sinisilip man lang ay tinatapon niya na
kaagad ang mga ito sa basurahan.
Pero habang hindi niya pa nakikita ang totoong laman ng sulat, ayaw niyang
magpakasigurado na love letter nga ang laman nito kaya nang marinig niya ang
boses ng assistant ay bigla siyang namula at dali-daling ibinulsa ang envelope
kasama ang kanyang wallet at sumagot, "Tara na, kailangan na nating bumalik
sa office."
Alam niyang si Qiao Anhao lang ang pwedeng maglagay nito sa bulsa niya
dahil bukod sakanya, ito lang naman ang may akses sa mga gamit niya. Isa pa,
plinantsa nito kanina ang suit niya kaya malaki talaga ang posibilidad. Dahil
dito, lalo siyang naintriga kaya habang nasa byahe ay walang ibang tumatakbo
sa isip niya kundi ang sulat.
"Kaya ba bigla nalang naisipan ni Qiao Anhao na plantsahin ang suit ko? Kasi...
nahihiya siyang ibigay ito sa akin ng personal?"
Alas tres pa ang call time para sa pangalawang parte ng meeting kaya
pagkarating nila ng alas dos imedya, dumiresto muna siya sakanyang office at
naglock ng pintuan. Nagmamadali siyang umupo sakanyang upuan at hindi
mapakaling kinuha ang papel. Noong hawak niya na ito muli, hindi niya
maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil pareho siyang naeexcite at
kinakabahan. Ganitong ganito rin ang naramdaman niya noong unang beses
silang nagusap ni Qiao Anhao...
Medyo matagal siyang nakatitig sa envelope bago siya huminga ng malalim at
dahan-dahan itong binuksan, kung saan tumambad sakanya ang isang kulay
pink na papel na nakatupi ng hugis puso.
Dahil dito, lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso.... Hindi siya pwedeng
magkamali... Ganitong ganito ang usong tupi ng mga papel noong kabataan
nila... Sa totoo lang, interesado rin siyang matutunan ito noon pero bilang isang
tahimik na bata, nahihiya siyang magpaturo sa iba kaya nakikinuod nalang siya
sa mga kaklase niyang babae habang gumagawa nito. Pero isang araw... akala
noong isa niyang kaklase ay crush niya ito kaya bigla itong lumapit sakanya
pagkatapos ng klase para yayain siyang manuod ng sine.
Literal na nanginginig siya habang kinakalas ang pagkakatupi ng papel at sa
sobrang kaba ay basang basa na ng pawis ang kanyang mga kamay. Sa totoo
lang, sa dinami-rami ng mga papel na nabasa niya; script, kontrata, dokumento,
at iba pa, dito lang siya kinabahan ng sobra kaya para kumuha ng sapat na
lakas ng loob ay lumunok muna siya ng laway bago siya dahan-dahang yumuko
para basahin ang laman nito.
Halatang pambata ang sulat... hmm... hindi naman ito nalalayo sa itsura ng
sulat ngayon ni Qiao Anhao pero halatang mas mukhang pambata, na para
bang high school na Qiao Anhao ang nagsulat.
Nagsimula ang liham sa 'Lu Jinnian' na may katabing kuwit.
Lu Jinnian,
Alam kong hindi mo inaasahan ang sulat na 'to, pero wag ka sanang mailang.
May nakadrawing pa na smiley face sa tabi ng salitang 'maiilang', kaya kahit
naguumpisa palang at wala pa siya sa mismong punto ay hindi niya na
napagilang mapangiti.