Pero… malinaw rin sakanya na inosente sina Lu Jinnian at Qiao Anhao… at ang
totoong may kasalanan ay ang nanay niya. Kahit masakit, kailangan niyang
piliing tumayo sa tama… Ilang araw na siyang hindi pinapatulog ng konsensya
niya kaya hindi siya makatingin sa sarili niyang kapatid at sa taong tinuring
niyang best friend… hiyang hiya siya sa mga ito lalo na noong nalaman niyang
aalis nalang ang mga ito ng bansa para matakasan ang sakit ng pangungutsa ng
mga taong nabubulagan sa kasinungalingan….
Kagaya ng pagmamahal niya sa kapatid at best friend niya… mahal na mahal
niya rin ang mama niya… kaya kung papiliin siya ng isang ilaglag, doon siya sa
nagkasala…
Nasabi niya na ang lahat ng kailangan niyang sabihin at siguro sapat na ito para
mapalaya niya na rin ang sarili niya, kaya sa huling pagkakataon, muli niyang
kinuha ang microphone at nagsalita, "Sana nalinaw ko ang lahat ng mga
katungan ninyo kaya sana tantanan niyo na si Qiao Anhao… si Mrs. Lu.
Maraming salamat sa pakikinig."
Yumuko siya hawak ang microphone gamit ang dalawa niyang kamay at sinabi,
"Patawad."
Wala siyang pinangalanan…
Ang mga taong kilala siya ay alam na ang paghingi niya ng tawad ay para kina
Lu Jinnian at Qiao Anhao.
Samantalang ang mga taong ngayon lang siya nakita, ay iniisip na para ito sa
nanay niya.
Kalahating minuto siyang nakayuko, bago siya tumayo ng maayos at ibalik ang
microphone sa host na nakatayo sa tabi niya. Habang gulat na gulat pa rin ang
lahat, kalmado siyang naglakad papunta sa backstage.
-
Sa buong oras na nagsasalita si Xu Jiamu sa entablado, nakatitig lang si Qiao
Anhao sa screen kaya noong sandaling nakita niya itong bumaba, dali-dali
siyang tumingin sa pintuan.
Sobrang namumutla ang itsura nito at nagmamadali.
Kaya noong dumaan ito harapan niya, hindi niya na napigilan ang sarili niyang
tawagin ito, "Brother Jiamu!"
Pero huminto lang ito ng sandali para tumungo sakanya, at muli nanaman itong
naglakad ng mabilis palabas.
-
Dahil sa biglaang pagpapakita ni Xu Jiamu, medyo nalihis na ang atensyon ng
mga manunuod kaya nagannounce muna ang host ng limang minutong
commercial break para kumalma ang lahat.
Live ang show kaya ang video ni Xu Jiamu habang nagsasalita ay madaling
kumalat sa internet at naging headlines.
Kagaya ng inaasahan, ang mga netizens na dating galit na galit kay Qiao Anhao
ay muli nanamang bumaliktad ng panig at naghanap ng ibang masisisi. Pero,
may iilan pa ring ayaw magpatinag ng galit dahil sa pandaraya ni Lu Jinnian sa
competion. Totoong nagulantang ang buong sambayanang internet at imay ba
pang humingi ng tawad sakanya sa Weibo.
-
Mabilis na lumipas ang limang minuto…
Muling naglakad ang host pabalik sa gitna ng entablado at nagpasalamat sa
mga naging sponsor show bago nito tawagin ang pinaka huling contestant.
-
"Mr. Lu, si Miss Qiao na ang sunod. Gusto mo bang bigyan kita nito?"
Hindi niya alam kung saan nakuha ng kanyang assistant ang dalawang glow
sticks na hawak nito, pero binigyan siya nito ng isang kulay pink.
Immature! Naiiritang daing ni Lu Jinnian sa loob-loob niya. Bilang siya si Lu
Jinnian, naninindigan siya na hindi kunin ang glow sticks at nakatingin lang siya
sa entrance ng stage.
Tsk. Bahala ka! Sagot ng assistant sa loob-loob niya. Ikinaway niya ang
dalawang glow sticks gamit ang isa niyang kamay at sumigaw, "Miss Qiao,
galingan mo!"
Nang magumpisa na ang tugtog, dahan-dahang nagbukas ang pintuan, at sa
wakas, ang pinakahihintay ni Lu Jinnian na makita sa entablado ay palabas na…
Dahil final round na ito, natural lang na lahat ng mga naunang contestants ay
kinareer talaga ang paghahanda ng costume, samantalang si Qiao Anhao ay
lumabas ng nakasuot lang ng isang simpleng kulay pink na knitted long dress
habang nakalugay ang kanyang mahabang buhok, at sa nipis ng kanyang make
up ay hindi ito nahalata pagdating sa screen.