Chapter 786 - Buntis ako (7)

Hindi ba sasayaw siya ng drum dance? Bakit hindi niya suot ang kanyang

costume? At ang kanyang makeup? Ibig bang sabihin, sasayaw siya ng

nakaganyan?

Malinaw na hindi ganito ang plano ni Qiao Anhao… Napakunot ng noo si Lu

Jinnian at hindi pa man niya napoproseso ang nangyayari, biglang nagsalita

ang host, "Qiao Anhao, nasubaybayan naming lahat ang mga nakaraan mong

performance at sobrang napanganga mo kami kaya ngayon ang tanong ng

lahat, ano naman ang sorpresa mo sa amin?"

"Hmm.. Sa totoo lang, may hinanda akong espesyal para sainyong lahat, pero

dahil sa ilang kadahilanan, kailangan kong baguhin ng last minute." Sa ibabaw

ng stage, kitang kita ang hubog ng balingkinitang katawan ni Qiao Anhao.

Binago ng last minute? Dahil ba 'to sa ginawa ni Lin Shiyi? Gulat na gulat si

Lu Jinnian.

Muling nagtanong ang host, "Kung ganun, ano nalang ang gagawin mo

ngayon, Miss Qiao?"

Humarap siya sa camera at mahinahong sinabi, "Magkwekwento ako."

"Magkwekwento?" Masayang tanong ng host na para bang sobrang interesado

niyang pakinggan ang pasabog ni Qiao Anhao. "Sige. Ngayon, Ms. Qiao. The

stage is yours. Sabay-sabay naming pakikinggan ang kwento mo."

Pagkaalis ng host, naiwan ng magisa si Qiao Anhao sa gitna ng entablado at

halos sampung segundo pa ang lumipas bago niya ilapit ang microphone

sakanyang bibig para bigkasin ang mga kinabisado niyang linya sa backstage,

"Ang sabi niya, hinintay niya ako ng labintatlong taon. Labintatlong taon.

Napakadaling sabihin ng dalawang salitang ito, tama? Pero sa likod ng mga

salitang ito ay halos limang libong mahahabang gabi…Pero…wala siyang

kaalam alam na ang pinaka memorable sa mga gabing yun ay noong

naghintay siya sa akin ng labing anim na oras. Noong gabing yun, may plano

kaming magdinner, pero… inindian ko siya. Balita ko, umuulan daw noong

gabing yun, pero kahit sinong makiusap sanang umuwi na, hindi talaga siya

pumayag at nanindigan siyang hindi siya aalis hanggat hindi ako dumadating.

Walang tigil siyang nagtext ng nagtext ng nagtext sa akin para sabihing

maghihintay siya hanggang sa dumating ako."

Noong marinig ito ni Lu Jinnian, bigla siyang natigilan at tinitigan si Qiao

Anhao ng diretso sa mga mata.

Para talagang kiti-kiti ang assistant na hindi mapakali at muli nanamang

lumapit para bumulong, "Mr. Lu, ikaw ata yung tinutukoy ni Miss Qiao."

Ngumiti si Qiao Anhao at nagpatuloy. "Noong nagaaral pa kami, lagi ko siyang

nakikita na nagdodrawing habang may klase. Noong mga panahon na 'yun,

gustong gusto kong malaman kung anong mga dinodrawing niya, pero

nahihiya akong magtanong. Pagkalipas ng mahabang panahon, hinahanp ko

siya kaya pumunta ako sa bahay niya… Sa kakahalughog ko, may nakita

akong isang bukas na kwarto kaya pumasok ako. Doon tumambad sa akin ang

isang kumpol ng papel na puro drawing ng iisang babae. Iba-ibang anggulo…

May isang nagtutulak ng bike, natutulog sa klase, kumakagat ng pen habang

walang masagot sa exam…. At yung babaeng yun ay ako, noong bata pa ako."

Ibig sabihin, nakita niya pala ang mga drawing na iniwan ko sa Mont Yi.

Sa pagkakataong ito, malinaw na kay Lu Jinnian ang lahat…Ang drum dance

na sana gagawin nito ay napalitan ng story telling ng kanilang love story…at

hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti habang sinusundan ito

ng tingin.

"May isang beses na naaksidente ako habang nagfifilm. Nalaglag ako sa

bangin at naanod ng ilog, at wala pang ilang segundo, natangay na ako sa

malayo… Alam niyo ba, akala ko talaga mamatay na ako nun, pero ayoko pa,

kaya pinilit kong kumapit at labanan ang agos. Sobrang nakakapagod kaya

bandang huli, nawalan ako ng malay… pag gising ko akala ko nasa langit na

ako pero nakita ko siya… basang-basa at noong oras na 'yun, ako na ata ang

pinaka masayang babae sa buong mundo dahil kahit nasa bingit na ako ng

kamatayan, may tao pa rin na handang magbuwis ng buhay para sa akin."

Habang nagsasalita si Qiao Anhao, pinipilit niyang ngumiti pero gustong gusto

niya ng umiyak.

"Noong nakaraang spring, may dalawang magkaibigan na nahuling

nagd'drugs. Sakto, malapit kami noong isa kaya wala akong kaalamalam na

nadamay nap ala ako… Yun yung pagkakataon na nagkaroon ako ng scandal

at dahil sobrang nasaktan siya na nagagalit sa akin ang lahat, gumawa siya

ng paraan at ikinalat na isa siyang anak sa labas…Oo… napaka pribado

niyang tao pero nilabas niya ang lahat ng madidilim niyang nakaraan para

protektahan ako."

Related Books

Popular novel hashtag