Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 721 - Ang Lu Qiao Couple (10)

Chapter 721 - Ang Lu Qiao Couple (10)

Pagkarating nila sa parking lot, pinagtulungan nilang iimbak ang lahat ng

mga ipinamili nila sa loob ng sasakyan ni Qiao Anhao at dahil may dala rin

si Lu Jinnian na sasakyan, inutusan niya nalang sina Zhao Meng at ang

kanyang assistant na imaneho ang punong-punong sasakyan pauwi sa

Mian Xiu Garden.

Pagkasakay ni Qiao Anhao sa sasakyan ni Lu Jinnian, napansin niya

kaagad ang bouquet na nasa back seat. Itatanong niya palang sana kung

kanino nanggaling at para saan ang mga ito nang makita niya ang maliit

na card na nasa pagitan ng mga nagagandahang bulaklak kaya maingat

niya itong kinuha para basahin ang nakasulat sa card, na alam niyang

gawa ni Lu Jinnian, "Para kay Qiao Qiao."

Kagaya ng mga normal na babae, mahilig din siya sa mga bulaklak pero

ang higit na nakakakilig ay galing pa ang mga ito kay Lu Jinnian kaya sa

sobrang saya niya ay kinuha ang kanyang phone para magselfie. May

naka peace sign, naka pout, naka puppy eyes at ang pang huli ay

nakangiti ng sobrang saya.

Habang tutok na tutok si Lu Jinnian sa pagmamaneho, pasimple siyang

sumisilip sa rear view mirror at kahit na mukha siyang suplado, kagaya ng

tipikal niyang itsura, ay hindi niya maitatago sa mga mata niya na sobrang

saya niya.

-

Kagabi, dumiretso si Xu Jiamu sa isang bar para uminom ng uminom

hanggang sa mawalan na siya ng malay. Pagkagising niya, para siyang

nagka'amnesia na hindi niya maalala kung anong petsa na. Sa sobrang

kalasingan, hindi niya na namalayan na nakatulog na siya sa sofa at base

sa huli niyang natatandaan ay namomroblema ang mga nakainuman niya

kung kanino siya ipapasundo pero bandang huli ay sumuko nalang ang

mga ito at iniwanan siya sa private room.

Sobrang sakit ng ulo niya dahil sa hangover kaya hindi niya muna pinilit

ang sarili niya na bumangon. Noong medyo gumaan na ang pakiramdam

niya, kinapa niya ang kanyang bulsa para kunin ang phone niya pero

laking gulat niya noong hindi niya ito mahanap. Medyo disoriented pa siya

kaya ilang sandali pa ang lumipas bago niya maalala na itinapon niya nga

pala ito sa loob ng sasakyan niya kagabi noong paulit-ulit siyang

tinatawagan ni Han Ruchu.

Bago siya tumayo sa sofa, minasahe niya muna ang parte ng ulo niya na

kumikirot. Medyo nahirapan siyang gumalaw dahil nakatulog siya kagabi

ng nakabaluktot kaya medyo nangalay ang buong katawan niya. Nakita

niya na natutulog ang bartender kaya hindi niya na ito inistorbo at nagiwan

nalang siya ng pera sa may bandang tenga nito at tahimik na umalis.

Pagkalabas niya ng bar, doon niya lang napansin na palubog na ang araw.

Wala na ang impluwensya ng alak sa sistema niya pero hindi pa rin siya

gaanong nahihimasmasan. Nakalimutan niya kung saan siya nagpark kaya

inikot niya muna ang buong parking lot bago siya makasakay. Una niyang

hinahanap ang kanyang phone pero deadbatt na pala ito dahil halos bente

kwatro oras na rin ang lumipas noong huli niya 'tong nagamit.

Chinarge niya muna ito sa port ng kanyang sasakyan at yumuko sa

manibela para magpalipas ng hilo. Noong narinig niyang nag'on na ang

kanyang phone, sinilip niya ang screen at kagaya ng inaasahan,

napakaraming text at missed call ang sunod-sunod na nagalert.

Karamihan sa mga tawag at text ay galing kay Han Ruchu. Noong nakita

kung gaano karami ang notification na lumabas galing lang sa iisang tao,

lalo lang siyang nalungkot. Alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga

siya galit sa nanay niya pero sa mga oras na 'to, kailangan niya lang muna

ng oras para makapagisip-isip kaya bago niya iistart ang sasakyan niya,

binura niya muna ang lahat ng messages at logs na galing dito para

gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya.

Wala siyang partikular na ideya kung saan siya pupunta kaya nagmaneho

lang siya ng nagmaneho hanggang sa makauwi siya sa Mian Xiu Garden

ng hindi niya namamalayan. Pagkahinto niya sa tapat ng kanyang villa,

hindi siya bumaba at binuksan niya lang ang kanyang bintana para

manigarilyo habang nakatitig sa bakuran ng katapat ng villa: ang villa

kapatid niya na si Lu Jinnian.

Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya na rin alam kung gaano katagal na

siyang nakatulala noong may narinig siyang pintuan ng sasakyan na

nagbukas galing sa likod niya. Bigla siyang nahimasmasan at sinilip ang

katapat niyang bahay. Nakita niya si Qiao Anhao na bumaba galing sa

passenger seat: may yakap-yakap itong bouquet ng bulaklak at halatang

sobrang saya. Hindi nagtagal, nagbukas din ang pintuan ng driver's seat

kung saan lumabas naman si Lu Jinnian.

Noong sandaling makita niya ang gilid ng mukha ni Lu Jinnian, hindi niya

alam kung bakit pero sobrang kinabahan siya kaya dali-dali niyang

iniangat ang bintana ng sasakyan niya sa takot na baka makita siya nito.

Dahil sa sobrang pagmamadali, hindi niya namalayan na naidikit niya ang

hawak niyang sigarilyo sa kumpol ng mga papel na nasa passenger seat

niya.

Para siyang tinamaan ng kidlat sa sobrang pagkagulat at dali-dali niyang

pinatay ang apoy na para bang hindi siya napapaso.

Related Books

Popular novel hashtag