Halos limang minuto niyang pinakiramdaman ang paparazzi at nang
magkaroon siya ng pagkakataon, sinadya niya itong titigan para masindak.
Pero dahil sanay ito sa ganitong kalakaran, mabilis itong nakapagtago kaya
paglingon ni Qiao Anhao, nagmukha siyang nakatulala sa kawalan.
Kaninang umaga, pumutok ang balita ni Qiao Anhao kaya kung makukunan
ang kaibigan niya ng hindi magandang litrato, tyak na gagawa nanaman ito ng
panibagong tsismis.
Hindi pwede! Siguradong ikakasira nanaman ito ni Qiao Qiao at bilang
kaibigan, ayaw niya itong mangyari kaya dali-dali niya itong tinignan para
balaan ito, pero noong magsasalita na siya, bigla naman itong tumayo na para
bang may nakita itong multo.
"Qiao Anhao, nasisiraan ka na ba ng…." Habang nasa kalagitnaan si Zhao
Meng ng pagsasalita, biglang sumulpot si Lu Jinnian…. Huminto siya sa
harapan ni Qiao Anhao, na para bang wala siyang pakielam sa mga
nakapaligid sakanila na lantarang kumukuha ng picture. Sa totoo lang, walang
siyang pinangangambahang kahit ano dahil para sakanya, si Qiao Anhao lang
ang mahalaga. "Qiao Qiao."
Hindi maitatago ng mga mata ni Lu Jinnian ang naguumapaw niyang
pananabik, na kahit sinong makakita ay mararamdaman na kung wala lang sila
sa pampublikong lugar ay yayakapin niya talaga si Qiao Anhao ng sobrang
hipit.
"Mr. Lu?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zhao Meng. Gusto niya sanang
itanong kung anong nangyayari pero noong napansin niyang nakatingin ang
lahat sa dalawa, dali-dali niyang itinikom ang kanyang bibig at nagtatakang
tumingin sa assistant.
Nabasa ng assistant kung anong iniisip ni Zhao Meng kaya bilang sagot,
nagkibit balikat siya na para bang gusto niyang sabihin na "Hindi ko rin alam."
Noong mga oras na 'yun, parang biglang tumigil ang mundo nina Qiao Anhao
at Lu Jinnian… Pero hindi naman pwedeng magtitigan nalang sila, tama?
Pagakalipas ng isang minuto, nagmamadaling tumayo si Zhao Meng para
sensyasan ang assistant na umupo at paalalahanan ang kaibigan niyang
nakatulala. "Qiao Qiao, diba kakauwi lang ni Mr. Lu galing America?
Siguradong hindi pa siya kumakain.
Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at noong narealize niya na ang tagal
niya na palang natulala kay Lu Jinnian, bigla siyang namula at nahihiyang
gumilid para paupuin ito.
Kanina pa walang ganang kumain si Qiao Anhao, kaya hanggang sa mga oras
na 'to, halos wala pang bawas ang mga inorder nila, pero hindi naman
hahayaan ni Zhao Meng na pakainin ng tira-tira si Lu Jinnian kaya tinawag
niya ang waiter para humingi ng dalawang menu at dalawang bagong ng pares
ng chopsticks.
Kakatapos lang mananghalian ng assistant, kaya Sake nalang ang inorder nito
samantalang si Lu Jinnian naman ay nagdagdag lang ng konting sushi.
Pagkaalis ng waiter, biglang humirit si Zhao Meng, "Mr. Lu, malungkot lang si
Qiao Qiao dahil…."
Kabisado ni Qiao Anhao ang takbo ng isip ni Zhao Meng kaya alam niyang
magsusumbong ito kay Lu Jinnian na pinaparinggan siya ni Lin Shiyi sa
internet. Totoong malungkot siya pero wala naman siyang balak na idamay
ang asawa niya sa mga pinagdadaanan niya kaya dali-dali niyang sinipa ang
binti ni Zhao Meng sa ilalim ng lamesa at tinignan ito para tumigil.
Agad din namang itinikom ni Zhao Meng ang kanyang bibig at huminto sa
pagsasalita.
Pero huli na ang lahat dahil narinig na ni Lu Jinnian ang key word…
Maungkot?
Biglang kumunot ang kanyang noo at nagaalalang tumingin kay Qiao Anhao.
"Anong nangyari?"
Kung ngayon ang paguusapan, hindi na siya malungkot dahil napawi na ni Lu
Jinnian ang lahat ng bigat na nararamdaman niya lalo na alam niyang umuwi
ito sa kalagitnaan ng mahalagang trabaho para lang puntahan siya.
Mahigit fifty hours palang silang magkalayo, at mula noong lumapag si Lu
Jinnian sa America, dumiretso kaagad ito sa trabaho. Alam niyang hindi biro
ang pagod Lu Jinnian kaya ayaw niya namang bigyan ito ng dagdag na
problema dahil lang nagpapaapekto siya sa mga inosenteng tao sa internet at
sa mga walang kakwenta-kwentang pagpaparinig ni Lin Shiyi.