Natatakot si Qiao Anhao na baka may masabi Zhao Meng o ang assistant na
lalo pang magpalala ng lahat kaya nagmamadali siyang lumapit sa tenga ni Lu
Jinnian para bulungan ito, "Wala. Nalulungkot lang ako kasi dalawang beses
mo kong binabaan kagabi."
Well, totoo naman. Medyo pareklamo ang pagsasalita ni Qiao Anhao, pero
siguro dahil galing sa babaeng pinaka mamahal niya, pakiramdam ni Lu
Jinnian ay para itong naglalambing na bata.
Ang tagal inisip ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ni Qiao Anhao bago niya
maalala ang mga nangyari kagabi.
Ah… Kaya naman pala siya paulit-ulit siyang binababaan nito kanina….
Paglingon niya, saktong nakatagilid si Qiao Anhao at habang nakatitig sa
perpekto nitong mukha, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil muli
niyang naalala ang bawat linya ng mga sinabi nito kagabi. "Qiao Qiao, alam
mo ba sobrang saya ko."
"Sobrang saya ko dahil sa mga sinabi mo sa akin kagabi."
Walang private room ang napiling restaurant ni Qiao Anhao kaya natural lang
na maraming boses silang naririnig, pero nang marinig niya ang boses ni Lu
Jinnian, pakiramdam niya ay biglang tumahimik ang lahat.
Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman pero noong mga
oras na 'yun, halos hindi na siya makahinga dahil parang sasabog na ang
puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito. "So ibig sabihin, nagmadali kang
umuwi galing America dahil masaya ka?"
"Uh huh," Walang pagdadalawang isip na sagot ni Lu Jinnian. "Gusto sana
kitang isurprise pero paguwi ko, wala ka pala dun at sobrang gulo na ng
bahay. Halos wala na nga kong matayuan sa sobrang kalat eh."
Napa "Ah" nalang si Qiao Anhao nang maalala niya kung gaano kagulo ang
iniwan niyang bahay. Alam niya kung gaano kasinop si Lu Jinnian sa gamit
kaya bigla siyang namula sa sobrang kahihiyan.
Plano niya naman talagang maglinis bago mag Biyernes kasi yun ang alam
niyang uwi ni Lu Jinnian. Eh hindi niya naman alam na mapapaaga ito ng
dating…
So ibig sabihin, alam niya ng nagkalkal ako sa study room niya?
Napabuntong hininga si Qiao Anhao at naiilang niyang tinignan si Lu Jinnian.
"Kung…Kung ganun, alam mo ng may kinuha ako sa gamit mo?"
"Kagabi ko pa alam." Masayang sagot ni Lu Jinnian habang nakatitig sa mga
mata ni Qiao Anhao.
"Eh?" Paano nalaman ni Lu Jinnian kagabi? Wala naman siyang binanggit na
kahit ano at noong mga oras na 'yun, sigurado siyang nasa America pa ito….
Gamit ang kanyang baba, itinuro ni Lu Jinnian ang assistant na nakaupo sa
tapat niya. "Tinawagan niya ako kagabi."
Ah… Ibig sabihin, kalat na pala ang nangyari sa charity gala kagabi.
"Oh." Nahihiyang sagot ni Qiao Anhao.
Hindi nagtagal, biglang itinaas ni Lu Jinnian ang kamay niya para himasin ang
buhok ni Qiao Anhao, na lalo pang nagpapula sa tenga nito, at masaya niyang
sinabi, "Qiao Qiao, salamat."
Biglang napahawak si Qiao Anhao ng mahigpit sakanyang Chopsticks at ilang
sandali rin muna niyang kinalma ang kanyang sarili bago siya magsalita ng
sobrang lambing, "Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Sinong nagsabi
sakanya na pwede ka niyang ibully…"
Ha? Nagbibiro ka ba? Paano naman ako binully ni Han Ruchu?
Sa totoo lang, medyo nakababa ng pagkalalaki ang sinabi ni Qiao Anhao, pero
imbes na mainis ay lalo pa siyang sumaya. "Qiao Qiao, anong ibig mong
sabihin?"
Sa sobrang kilig, hindi na namalayan ni Qiao Anhao na mali ang nasabi niya
kaya noong sandaling marinig niya ang tanong ni Lu Jinnian, bigla siyang
namula at kung saan saan tumingin para iwasan ang titig nito bago siya
muling magsalita, na halatang hiyang-hiya, "Ah… wala… ang ibig kong
sabihin, sino siya para ibully ang anak natin…"