Naiiritang tinanggal ni Lu Jinnian ang kanyang necktie at naiinis na sinipa ang
mga nakaharang na dokumento. Sa sobrang pagka'desperado, biglang
pumasok sa isip niya na tawagan ang kanyang assistant.
"Mr. Lu?" Mabilis na sagot ng assistant sa kabilang linya.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay parang isang automatic na robot na atat
na atat na nagtanong, "Alam mo ba kung nasaan si Qiao Qiao?"
Pagkatapos na pagkatapos niyang magtanong, bigla siyang nahimasmasan at
naalala, paano nga naman malalaman ng assistant niya kung nasaan si Qiao
Anhao?
Tama! Ano bang pumasok sa isip niya para tawagan ang assistant niya ang at
hindi si Zhao Meng? Pero noong puputulin niya na sana ang linya, hindi niya
inaasahan na sasagot ito, "Si Miss Qiao? Kumakain sila ni Zhao Meng ng
Japanese food sa ACR."
Ha? Hindi ba parang may mali na alam ng assistant niya kung nasaan at kung
anong ginagawa ng asawa niya? Biglang naging seryoso ang itsura ni Lu
Jinnian at nagtanong, "Paano mo nalaman kung nasaan si Qiao Qiao?"
Kabisadong kabisado ng assistant ang timpla ni Lu Jinnian kaya noong
sandaling magsalita ito, alam niyang nagseselos ito kaya nagmamamadali
siyang nagpaliwanag, "Mr. Lu, nakita ko kasi yung post ni Zhao Meng, ten
minutes ago. Nilike ko pa nga 'yun eh."
Pero mukhang hindi sapat ang mga sinabi niya para humupa ang inis nito…
Teka, may importante nga pala siyang dapat sabihin kay Mr. Lu! Kaibigan niya
rin si Qiao Anhao at ngayong pinaguusapan ito sa internet alam niyang si Lu
Jinnian lang ang pwedeng makatulong dito kaya nababagabag siyang
nagpatuloy, "Mr. Lu…"
Sa totoo lang, medyo nalungkot si Lu Jinnian dahil pakiramdam niya ay mas
updated pa ang kanyang assistant sa nangyayari kay Qiao Anhao kaysa
sakanya. Oo nga pala… Simula noong naghiwalay sila noong Chinese
Valentine's day, hindi na siya ulit nakapagbukas ng WeChat….Bukod sa
naiinis siya, wala na rin naman talaga siyang gustong sabihin sa assistant
kaya plano niya talaga itong babaan pero noong pipindutin niya na ang 'end',
bigla niyang napansin ang phone nakalapag sa isang nakabukas na drawer.
Bigla siyang natigilan at sumabat sa assistant, "Oh tama. Pumunta ka sa
pinaka malapit na branch ng China Mobile at ikuha mo ako ng SIM gamit ang
dati kong number, at dalhin mo sa ACR."
"Sige, Mr. Lu," sagot ng assistant. Desidido siyang ipaalam kay Lu Jinnian
ang tunay na nangyayari sa asawa nito kaya muli siyang nagpatuloy, "Mr. Lu,
si Miss Qiao kasi…."
"Doot-doot-doot…" At tuluyan ng pinutol ni Lu Jinnian ang tawag.
-
Sa sobrang pagmamadali ni Lu Jinnian, hindi na siya nag'abalang magpalit ng
damit at walang pagdadalawang isip siyang dumiretso sa kanyang sasakyan.
Noong magmamaniobra na sana siya, sakto namang dumating ang inorder
niyang mga bulaklak.
Pagkababa niya ng bintana niya, binigyan siya ng delivery boy ng isang card.
"Sir, pakipirmahan po."
Anong pipirmahan….wala dito yung taong dapat pumirma….at ginawa pa
nitong parang basurahan ang buong bahay….
Gusto sanang pagbuntungan ng galit ni Lu Jinnian ang delivery boy, pero
bandang huli, kinuha niya pa rin ang ballpen at pumirma. Pagkatanggap niya
ng mga bulaklak, hinagis niya lang ito sa back seat.
-
Noong oras na makarating siya sa ACR, naghihintay na ang kanyang assistant
sa entrance ng department store kaya nang makita siya nito, dali-dali itong
lumapit sakanya para ibigay ang SIM card.
Habang kumakaripas ng lakad papasok sa ACR, sinalpak niya ang SIM card
sakanyang phone at in'on ito.
Dumiretso siya sa mapa, na nasa first floor, para hanapin ang Japanese
Restaurant na sinabi ng kanyang assistant at nang makita niya na ito,
nagmamadali siyang pumunta sa escalator.
Habang nakabuntot kay Lu Jinnian, atat na atat na nagsalita ang
assistant,"Mr. Lu, mau kailangan akong ireport sayo, tungkol kasi 'to kay…."
"Kung ano man yan, mamaya nalang natin pagusapan." Sa mga oras na 'to,
walang plano si Lu Jinnian na pagusapan ang trabaho dahil ang gusto niya
lang mangyari ay makita si Qiao Anhao at malaman kung bakit siya
binababaan nito.
"Mr. Lu, ang gusto ko kasi sanang sabihin sayo ay…" Sa loob-loob ng
assistant, gusto na sana niyang sumigaw. Pwede bang patapusin mo muna
ang sasabihin ko? Gusto ko lang namang ibalita ang nangyayari sa asawa mo!
"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" Namimilosopong tanong ni Lu Jinnian
habang abala siyang nagtatype ng kanyang password sa WeChat.