Chapter 700 - Paliwanag (9)

Tinext siya ni Qiao Qiao? Eh bakit hindi niya nareceive?

Kinutuban na siya…

Nagpatuloy si Qiao Anhao, "Pero habang nagta'type siya, bigla siyang inutusan

nung auntie na kumuha ng tubig.

"Syempre pumayag yung babae… Kaya nilock niya muna ang kanyang phone

at kumuha ng tubig sa baba. Noong mga oras na 'yun, walang ibang tumatakbo

sa isip niya kundi kung maganda na ba ang nagawa niyang message…

"Pero noong paakyat na siya…." Sa pagkakataong ito, biglang nagluha ang

mga mata ni Qiao Anhao kaya tumingin siya sa kisame para pigilan ang

pagtulo nito. "Noong paliko na siya, may biglang tumakbo papalapit sakanya at

tinulak siya. Sa sobrang gulat ng babae, hindi na siya nakaiwas kaya

nagpagulong-gulong siya sa hagdan."

Biglang namutla ang mukha ni Lu Jinnian. Naalala niya noong sinundan siya ni

Qiao Anhao sa America, nabanggit nga nito na hindi ito nakasipot sa dinner

nila dahil daw naospital ito…

Noong oras na 'yun, nasaktan siya para kay Qiao Anhao, pero hindi niya

naman inakala na ganun pala kaseryoso ang nangyari rito.

Pagkalipas ng ilang sandaling paghihintay, mahinahong siyang nagtanong,

"Tapos?"

"Tapos…Tapos…akala nung babae mamatay na siya…"

Ngayon na inaalala ni Qiao Anhao ang mga nangyari sakanya noong araw na

'yun, parang nanumbalik sakanya ang lahat ng sakit at takot.

"Naramdaman niya na habang tumatagal, pahina ng pahina ang katawan niya.

Sobrang natatakot siya pero noong oras na 'yun, wala siyang ibang gustong

gawin kundi kausapin ang lalaki. Kahit wala na siyang lakas, gusto niyang

kunin ang kanyang phone para isend ang message na sobrang pinagisipan

niya kasi natatakot siya na baka 'yun na ang huling pagkakataon na

magkausap sila…."

Medyo nagong pautal-utal ang boses ni Qiao Anhao. "Pero noong naabot at

napailaw niya na ang kanyang phone, bigla naman siyang nawalan ng malay."

Gusto sanang magtanong ni Lu Jinnian ng "Tapos, anong sunod na nangyari?"

pero hindi niya kayang magsalita.

Noong mga sandaling 'yun, biglang nanahimik ang magkabilang linya.

Pagkalipas ng isang minuto, huminga ng malalim si Qiao Anhao at tumingin sa

screen. Bakas sakanyang mga mata ang sobrang pagpipigil ng luha. "Muntik

ng mamatay yung babae. Apat na gabi siyang na'comatose. Pero noong

nagising, wala na yung lalaki..."

Habang inaalala niya yung gabing tumakas siya sa ospital para halughugin ang

buong Beijing mahanap lang si Lu Jinnian, hindi niya na napigilan ang kanyang

mga luha at tuluyan na siyang umiyak.

"Ibig sabihin…Noong araw na 'yun, hindi mo nakita ang mga message ko sayo

at hindi ka rin sumagot ng kahit anong tawag ko? Ibig sabihin, hindi mo alam

na naghintay ako sa labas ng mansyon ng mga Qiao ng tatlong araw?" Halata

ang kaba ni Lu Jinnian sa nanginginig niyang boses habang nagtatanong.

Hindi na nakasagot si Qiao Anhao, at nagpatuloy lang siya sa paghikbi.

Sa loob ng tatlong araw na 'yun, comatose pa rin si Qiao Anhao…. Kung

ganun, sino naman kaya ang nag'text sakanya?

May kutob na si Lu Jinnian pero hindi pa rin siya sigurado dahil may bagay pa

ring hindi nakaklaro mg maigi.

Pagkalipas ng ilang sandali, nagpatuloy si Qiao Anhao ng pabulong, "Lu

Jinnian, kung alam lang ng babae na nagconfess yung lalaki sakanya sa text,

hinding hindi niya irereject 'to."

Dahil sa huling sinabi ni Qiao Anhao, malinaw na kay Lu Jinnian ang lahat.

Noong ora na 'yun, hindi maipaliwanag ni Lu Jinnian ang nararamdaman niya.

Hindi siya makagalaw at nakatulala lang siya sa screen hanggang sa bigla

niyang putulin ang linya.