Chapter 701 - Paliwanag (10)

Si Qiao Anhao, na dalang-dala sa pagkwekwento, ay biglang natigilan noong

narinig niya ang 'doot-doot-doot' mula sa kabilang linya. Napatulala nalang

siya sa kinauupuan niya dahil hindi niya maintindihan kung anong nangyayari.

Nagpapaliwanag pa siya… Pero bakit biglang ibinaba ni Lu Jinnian?

-

Walang ginawang kahit anong nakakapagod si Lu Jinnian, sumagot lang siya

ng isang simpleng tawag na punong-puno ng emosyon…

Pero pakiramdam niya ay para siyang tumakbo sa isang marathon na halos

hindi na siya makahinga sa sobrang pagkahingal.

Inihagis niya ng malakas ang kanyang phone sa kama, kung saan din siya

humiga habang pinapakiramdaman ang napaka bilis na tibok ng kanyang puso.

Hindi nagtagal, bigla niyang hinawi ang kumot na nakataklob sakanya at

naglakad ng pabalik balik sa loob ng kanyang tulugan.

Ano nga ulit yung mga sinabi ni Qiao Anhao?

Diba ikwinento nito na na'comatose ito ng apat na araw? Malinaw rin ang

pagkakasabi nito na hindi ito nagtext sakanya at gusto nga sana nitong

humingi ng tawad sakanya?

Kung ganun, malayong-malayo pala sa katotohanan ang pinaniniwalaan niya!

Ibig sabihin, hindi si Qiao Anhao ang nagsabi sakanya na wala siyang

kiarapatan!

Eh kung ganun, sino naman kaya 'yun?

Kung alam lang ng babaeng 'yun na nagconfess siya, hinding-hindi siya

irereject nito!

Sa sobrang saya ni Lu Jinnian, hindi niya na alam kung anong gagawin niya.

Panaginip lang ba lahat ng ito?

Dali-dali siyang dumungaw sa bintana para silipin ang kalangitan. Noong

namomroblema siya, madalas gabi umaatake ang pagooverthink niya, pero

ngayon malinaw na mataas pa ang araw….

Minasahe ni Lu Jinnian ang kanyang noo niya para pakalmahin ang sarili niya.

Mukhang malaking problema ito, baka bumabalik nanaman siya sa dati. Hindi

pwede! Kailangan niyang tawagan si Lucy sa lalong madaling panahon!

Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang phone."Lucy I don't think I'm finally

okay. Could you get me a psychiatrist now, I'm in Hilton hotel room 1513..."

Hindi na alam ni Lu Jinnian kung anong sunod niyang sasabihin pero bago niya

putulin ang tawag, bigla siyang humirit, "Get two doctors, I don't think its

depression this time but hallucination."

Pagkababa niya ng kanyang phone, tumambad sakanya ang katatapos lang na

call history nila ni Qiao Anhao.

Totoo ngang kakatapos lang nilang mag'usap…

Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sakanya pero medyo

nagalangan pa siya noong una bago niya muling tawagan si Qiao Anhao.

"Tinawagan mo ba ako?"

Dahil sa bungad ni Lu Jinnian, lalo pang nagulat si Qiao Anhao kaya nagtataka

siyang nagtanong, "Lu Jinnian, bakit mo ako binabaan?"

Gusto talagang makasigurado ni Lu Jinnian na totoo at hindi hallucination ang

mga narinig niya kaya tuloy-tuloy siyang nagtanong, "Sinabi mo na

na'comatose ka ng apat na araw? Tama diba?"

Magsasalita palang sana si Qiao Anhao pero naunahan nanaman siya ni Lu

Jinnian, "Sinabi mo rin na hindi ka nagreply sa mga text ko, tama diba?"

"At kung alam mo na nagconfess ako, hindi mo ako irereject? Tama ba?"

Sa pagkakataong ito, hindi na alam ni Qiao Anhao kung anong sasabihin niya

at medyo naiinis na siya sa pagiging biglaang aligaga ni Lu Jinnian. Gusto niya

sanang magtanong kung anong nangyayari pero bigla nanaman itong

nagsalita, "Qiao Qiao, sa puso mo, may karapatan naman akong mahalin ka,

diba?"

Sobrang natamaan siya sa tanong ni Lu Jinnian at noong sandaling 'yun,

biglang nawala ang inis na nararamdaman niya at emosyunal na sumagot, "Oo

naman."

Nagpatuloy siya, "Sa totoo lang, paraho tayo ng nararamdaman na…."

Pero bago niya pa masabi ang gusto niyang sabihin, muli nanamang ibinaba ni

Lu Jinnian.