Chapter 635 - Kasal (6)

Naunang maglakad si Lu Jinnian samantalang tahimik lang na nakasunod si

Qiao Anhao habang papasok sila sa loob ng airport.

Dahil punit punit na ang ticket, bumili muna si Lu Jinnian ng kapalit bago niya

ihatid si Qiao Anhao sa gate. Inilagay niya ang paasport at bagong ticket sa

kamay nito.

Nang maramdaman ni Qiao Anhao na may nakalapag sakanyang mga palad,

kinuha niya ang mga ngunit nakatulala pa rin siya kay Lu Jinnian. Hanggang sa

mga oras na ito ay blangko pa rin ang kanyang isipan.

Kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang wallet at naglabas ng makapal na tumpok ng

pera na muli niya nanamang isiniksik sa mga kamay ni Qiao Anhao. "Pumasok

ka na."

Nakatayo lang si Qiao Anhao at nakatitig lang sakanya.

Hindi niya kayang makita si Qiao Anhao na ganito kaya umubo siya at walang

emosyong sinabi, "Paalam."

At bigla siyang tumalikod.

Halos sampung segundo siyang natigilan bago siya maglakas ng mabilis

papalayo.

Paalam?

Bahagyang kumunot ang noo ni Qiao Anhao. Yumuko siya para tignan ang isang

tumpok ng pera na isinuksok ni Lu Jinnian sakanyang kamay. Bigla niyang

naalala ang nangyari sa train station ng Hangzhou, matagal na panahon na ang

nakakalipas. Noong araw na 'yun, nawalan siya ng wallet kaya binigyan din siya

ni Lu Jinnian ng pera, ngunit ang tanging sinabi nito sakanya noon ay magingat

siya pabalik ng Beijing.

Pero ngayon nagpaalam ito sakanya.

Ang ibig bang sabihin nito ay hindi na sila magkikita ulit?

Ayaw niyang mangyari yun!

Ang sabi sakanya ni Zhao Meng ay mas interesado raw si Lu Jinnian na

malaman kung mahal niya rin ba ito o hindi kaysa sa malaman ang dahilan kung

bakit hindi siya sumipot. Malinaw ang pagkakasabi ni Lu Jinnian na hindi ito galit

sakanya.

Tama, bakit nga ba napaka tanga niya? Sobrang bobo lang? Dahil lang sa

sinabi ni Lu Jinnian na susubukan na siyang kalimutan nito ay hindi niya na

nasabing mahal niya rin ito?

Pagkatapos niyang sundan si Lu Jinnian mula sa Beijing hanggang sa America,

weala siyang ibang gustong gawin kundi ang magpaliwanag, pero nakalimutan

niyang sabihin na mahal niya rin ito.

Dahil dito, bigla siyang nagkaroon ng pagasa.

Kung sasabihin niya ba kay Lu Jinnian na mahal niya rin ito, magbabago pa

kaya ang isip nito na kalimutan siya?

Labintatlong taon siyang minahal nito at labintatlong taon niya rin itong minahal.

Buong kabataan niyang minahal si Lu Jinnian, kaya paano niya naman

hahayaang magtapos nalang sila ng ganito?

Kahit na ito pa ang maging katapusan nila, kailangan niyang harapin ito ng

matapang, hindi ba?

Biglang nanumbalik ang kanyang determinasyon at dali dali siyang tumakbo

papunta sa direksyon kung saan naglakad si Lu Jinnian.

Masyadong maraming tao sa loob ng airport at dahil nagmamadali siya, may ilan

siyang mga nabangga, ngunit sa pagkakataong ito ay wala na siyang pakielam

at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo ng hindi manlang humihingi ng tawad.

Noong nakarating na siya sa pintuan, nagumpisa na siyang kabahan na baka

hindi niya na makita si Lu Jinnian. Nagaalala niyang tinignan ang buong paligid

hanggang sa wakas, nakita niya itong naninigarilyo habang nakatayo sa tabi ng

isang basurahan.

Base sa itsura ni Lu Jinnian, alam niyang sobrang lungkot nito na muli

nananamang nagpabigat ng kanyang loob. Pero sobrang determinado niya kaya

hindi na siya nagdalawang isip pang tumakbo papalapit dito.

Naramdaman ni Lu Jinnian na may papalapit sakanya kaya bigla siyang

napalingon. Noong nakita niya si Qioa Anhao, biglang kumunot ang kanyang

noo at dali dali niyang itinapon ang hawak niyang sigarilyo sa basurahan.

Tumakbo si Qiao Anhao papalapit sakanya at bigla nalang siyang niyakap nito

sa bewang mula sakanyang likuran.

Nanigas ang buong katawan ni Lu Jinnian at bago pa siya makapagsalita ay

may narinig siyang nagsasalita habang humihikbi.

"Lu Jinnian, kung sasabihin ko ba sayo na mahal kita, ayaw mo pa rin ba sa

akin?"

Related Books

Popular novel hashtag