Chapter 636 - Kasal (7)

Nanigas ang buong katawan ni Lu Jinnian at bago pa siya makapagsalita ay

may narinig siyang nagsasalita habang humihikbi.

"Lu Jinnian, kung sasabihin ko ba sayo na mahal kita, ayaw mo pa rin ba sa

akin?"

Masyadong maraming tao sa loob ng airport kaya sobrang maingay at ang boses ng

bawat isa ay di hamak na mas malakas kumpara sa boses ni Qiao Anhao ngunit

malinaw niyang narinig kung anong sinabi nito.

Kung sasabihin ko ba sayo na mahal kita, ayaw mo pa rin ba sa akin?

Ang tagal bago naproseso ng utak ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao pero

bandang huli ay naintindihan niya lang ito bilang simpleng: Mahal kita.

Sinabi ni Qiao Anhao na mahal siya nito.

Sa totoo lang, ang pakiramdam ni Lu Jinnian ay nanaginip lang siya.

Bakit naman sasabihin ni Qiao Anhao na mahal siya nito? Kung talagang mahal siya

nito, bakit pinaghintay siya nito ng sobrang tagal at higit sa lahat, sinabihan pa siya

nito ng napaka sakit na mga salita?

Siguro dala ng sobrang pagmamahal niya kay Qiao Anhao, kahit tirik na tirik ang araw

ay nanaginip siya.

Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi pa rin sumasagot si Lu Jinnian kaya

nagumpisa ng kabahan si Qiao Anhao. Hindi niya alam kung anong nararamdaman ni

Lu Jinnian kaya lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap sa bewang nito at nagpatuloy

habang humihikbi, "Lu Jinnian, pwede bang wag mo na akong kalimutan, pwede bang

wag mo na akong paalisin, pwede bang ako nalang…"

Napakarami niyang sinabing "pwede ba" pero hindi pa rin gumagalaw si Lu Jinnian.

Bandang huli, hindi niya na natiis at muli siyang nagsalita, " Lu Jinnian, mahal kita,

mahal na mahal kita, pwede bang tayo nalang? Pwede ba? Pwede ba?"

Ang paulit ulit na "pwede ba" ni Qiao Anhao ay nagpagulantang sa puso ni Lu Jinnian.

Palihim niyang kinurot ang kanyang hita at nang maramdaman niya ang sakit, doon

niya lang nakumpirma na hindi siya nanaginip.

Ang babaeng minahal niya ng labintatlong tayo ay nandito para sabihing mahal din siya

nito.

Kagabi, pinainom siya nito ng droga para may mangyari sakanila. Noong mga

sandaling mahimasmasan siya, gusto niya na sanang makipagbalikan pero natatakot

siya na baka muli lang siyang masaktan. Magdamag siyang umupo sa balcony para

magisip hanggang sa mabuo niya ang pinaka masakit na desisyong pakawalan na ito

ng tuluyan dahil kung gusto niya talaga ng mapayapang buhay, kailangan nilang

mamuhay na parang hindi sila magkakilala.

Pero ngayon, bigla nitpmh sinabi na mahal rin siya nito.

Unti unting lumalambot ang kanyang puso na pinilit niyang patigasin.

At ang pinaka malala sa lahat ng nangyayari ngayon ay ang sobra sobrang saya na

naramdaman niya nang marinig niya ang pagtatapat nito.

Lu Jinnian, handa ka na bang isuko ang sarili mo, na ialay kay Qiao Anhao, na muli

kayong bigyan ng pagkakataong magumpisa?

Palalim ng palalim ang sugat sa puso ni Qiao Anhao habang tumatagal ang

pananahimik ni Lu Jinnian at dahil dito ay lalo lang siyang hindi mapakali.

Noong hinawakan ni Lu Jinnian ang kanyang kamay para tanggalin ito sa

pagkakakapit, bigla bumilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang takot.

Tumalikod si Lu Jinnian at tumingin sakanya pro bago pa ito makapagsalita ay bigla

niya itong niyakap at nagpabuhat na parang isang pugita. Dahil sa pwersa, napaatras

si Lu Jinnian at nang muli siyang makabalnse, bigla namang umiyak ng malakas si

Qiao Anhao.

"Hindi ako uuwi, hindi ako uuwi!"