Dahil nakapwesto ang restaurant sa isang sikat na lugar, marami talagang
kumakain dito sa tuwing oras ng normal na kainan. Para makatipid sa taunhan,
may menu na gawa sa papel ang nakalagay sa bawat lamesa na mamarkahan
nalang ng mga customers at dadalhin sa counter.
Sinilip ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at nang mapansin niya na hindi ito
nagmamarka ng kahit ano, kinuha niya ang ball pen sa isang gilid at inihagis
dito.
Napatalon si Qiao Anhao sa sobrang gulat kaya inangat niya ang kanyang ulo
at nanlalaki ang kanyang mga mata na tignan si Lu Jinnian.
Kahit na wala pa rin masyadong emosyon ang itsura ni Lu Jinnian, hindi niya
napansin na di hamak na mas kalmado at mahinahon na ang boses niya
ngayon. "Markahan mo ang lahat ng gusto mong kainin."
"Oh." Kinuha ni Qiao Anhao ang ball pen at isa isang tinignan ang nakalagay
sa menu. Dahil nakasanayan niya na, kinagat niya ang dulo ng ball pen at sa
tuwing may makikita siyang nagugustuhan niya, minamarkahan niya ng maliit.
Habang nakatitig si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, unti unting lumabo ang kanyang
paningin habang inalala niya ang ilan sa mga nangyari noon. Kakatapos lang
ng klase niya noon sa Physical Education at may yakap pa siyang soccer ball,
nang sadyain niyang dumaan sa klase ni Qiao Anhao. May quiz ito noong mga
oras na 'yun at sa bandang dulo ito nakapwesto pero nang sumilip siya sa
classroom nito, si Qiao Anhao pa rin ang una niyang nakita.
Third year palang sila noon at tandang tanda niya na kapag hindi makasagot si
Qiao Anhao sa mga tanong ay bigla nalang nitong kakagatin ang dulo ng ball
pen nito habang nakakunot ang noo, na kagaya rin ng ginagawa nito ngayon.
Walang pinagbago, matagal pa rin ang pagitan ng pagmarka nito sa tuwing may
napipili ito.
Kahit na sadlit lang siyang nakatayo sa labas ng classroom ni Qiao Anhao, wala
siyang ibang ginawa kundi titigan lang ito sa loob ng sampung minuto. Kung
hindi pa tumakbo papalapit sakanya si Xu Jiamu na basang basa sa pawis ay
malamang hindi siya nahimasmasan kaagad.
May ilang partikular na nilalang at ala ala siguro talaga na hindi na maaring
mawawala sa isipan ng isang tao kahit na anong gawin niya para makalimutan
ang mga ito. Sa nagdaang apat na buwan, pinilit ni Lu Jinnian na kalimutan ang
lahat ng ginawa ni Qiao Anhao, pero dahil sa mga inosente nitong ikinilos
ngayon ay muli nanamang nanumbalik sakanya ang mga nakaraang ibinaon
niya na sa limot.
Nakapag'gabihan na si Lu Jinnian at hindi rin naman kayang umubos ni Qiao
Anhao ng maraming pagkain, kaya isa lang ang pinili niya sa tagal niyang
nagisip. Sa wakas, inilapag niya na ang ball pen at iniabot kay Lu Jinnian ang
menu.
Dahil sa ginawa ni Qiao Anhao, biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at muling
nanumbalik ang kanyang walang emosyon na itsura. Tinignan niya ang menu at
nang makita niya na isa lang ang minarkahan nito, muli nanamang kumunot ang
kanyang noo. Hindi na siya nagtanong, kinuha niya nalang ang ball pen at
nagmarka ng ilan pang kahon bago siya tumayo at mag'order.
Katatapos lang ng oras ng gabihan kaya hindi nagtagal ay nagsi'alisan na rin
ang mga tao at naiserve na rin kaagad ang mga inorder nila.
Napansin ni Qiao Anhao na ang lahat ng mga pinili ni Lu Jinnian ng mabilis ay
mga paborito niya – apat na putahe, isang soup, at dessert.
Bigla niya tuloy naalala ang mahabang email na pinadala ni Lu Jinnian sa
assistant nito kaya medyo nalungkot siya.
Noong minarkahan nito ang menu kanina, halatang sobrang pamilyar nito sa
mga posisyon ng bawat putahe… Ang ibig sabihin ba nito ay laging ganito ang
inoorder ni Lu Jinnian? Hindi kaya lagi itong pumupunta sa restaurant na ito
para kainin ang mga paborito niyang pagkain?
Habang iniisip niya ang mga ginawa ni Lu Jinnian para sakanya, medyo naging
mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata. Napakagat nalang siya sakanyang
labi at pabulong na sinabi, "I'm sorry."