Zhao Meng: [Qiao Qiao, sana magtagumpay ka na!]
Assistant ni Lu Jinnian: [Miss Qiao, kaya mo yan!]
Zhao Meng: [Qiao Qiao, sana kasama mo na si Mr. Lu pag balik mo!]
Assistant ni Lu Jinnian: [+1]
Habang binabasa ni Qiao Anhao ang mga messages ni Zhao Meng at ng
assistant, hindi niya mapigilang maantig sa sobra sobrang suporta na ibinibigay
ng mga ito. [Salamat] Nagreply siya sa pinaka huling pagkakataon bago niya
tuluyang patayin ang kanyang phone.
Pumikit siya at sumandal sa upuan. Kinapa niya ang kanyang bulsa at
hinawakan ng mahigpit ang maliit na kahon na nasa loob nito at hindi nagtagal,
unti unti siyang kumalma. Pinangako niya sa sakanyang sarili na hinding hindi
siya uuwi ng hindi kasama si Lu Jinnian.
-
Pagkatapos ng labinlimang oras na byahe, sa wakas lumapag na ang
eroplanong sinasakyan nina Lu Jinnian at Qiao Anhao sa Los Angeles,
America.
Bukod sakanyang phone, wallet at passport, wala ng ibang dala si Qiao Anhao
kaya wala na hihintayin na kahit anong maleta. Dahil dito, nagmamadali siyang
naglakad palabas ng economy section.
Noong oras na nagbook ang assistant ni Lu Jinnian ng ticket para kay Qiao
Anhao, naubusan na ng upuan sa business class, kaya sa economy class
nalang siya pwedeng umupo. Noong nakarating na siya sa pagitan ng economy
at business class, bigla siyang pinigilan ng air stewardess at sinabi, "Sorry
Miss, kailangan mo munang hintayin na makalabas ang lahat ng passenger sa
business class bago ka makalabas."
Kahit na mahina lang ang boses ng air stewardess, malinaw pa rin itong narinig
ni Lu Jinnian, na kasalukuyang nagaayos ng kanyang mga gamit. Napatingin
siya sa kausap nito at nang makita niya si Qiao Anhao, wala siyang naging
anumang reaksyon na para bang wala siyang pakielam dito at nagpatuloy lang
siya sa paghila ng kanyang maleta palabas ng eroplano.
Noong makababa na ang lahat ng pasahero sa business class, ngumiti nag
stewardess kay Qiao Anhao at sinenyasan siyang umabante na, "Miss, pwede
ka ng bumaba."
Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang air stewardess at mabilis siyang naglakad
palabas ng pintuan. Nang makapasok na siya sa airport, nagmamadali siyang
nag'tingin tingin sa paligid. Sakto, nakita niyang paliko si Lu Jinnian sa
kaliwang isle kaya hindi na siya nagdalawang isip pang habulin ito.
Hindi niya alam kung matatawag itong nagkataon lang o itinadhana talaga ang
lahat pero sa tuwing nawawala si Lu Jinnian sa paningin niya, nakikita rin ito
kaagad – Noong nakita niya itong pumara ng taxi, nagmamadali rin siyang
pumara ng masasakyan niya!
Walang ideya si Qiao Anhao kung saan siya pupunta, kaya sinabihan niya
nalang ang driver ng sinasakyan niya na sundan ang sinasakyan ni Lu Jinnian.
Tanghaling tapat sa Los Angeles kaya bihira lang ang mga sasakyang
bumabyahe sa mga kalsada. Magkasunod na dumating ang dalawang taxi sa
tapat ng isang hotel na nasa may puso ng siyudad.
Pagkababa ni Qiao Anhao ng taxi, kasalukuyang kinukuha palang ni Lu Jinnian
ang maleta nito mula sa likod ng taxi na sinakyan nito. Dali dali siyang
nagbayad sa taxi at sinundan ito papasok sa hotel.
Nag'check in si Lu Jinnian sa isang presidential suite, kaya ginamit niya rin ang
kanyang identity card para makapag'check in sa isa pang presidential suite.
Pareho silang gumamit ng card bilang pambayad kaya pareho din nilang
kailangang pumirma sa resibo. Sabay silang napatingin ni Lu Jinnian sa isang
ballpen na nakalapag sa front desk at hindi nila inaasahan na aksidente silang
magkakahawak ng kamay nang sabay nilang kunin ang ballpen.
Nanlaki ang mga mata ni Qiao Anhao at napatingin siya kay Lu Jinnian, pero
hindi man lang siya tinignan nito, bagkus, walang emosyon nitong inalis ang
kamay nito at kinausap ang staff ng diretsong English para humingi ng isa pang
ball pen. Pagkatapos pumirma at magbayad ni Lu Jinnian, walang
pagdadalawang isip nitong hinila ang maletang dala nito at naglakad papunta
sa elevator.
Ayaw palampasin ni Qiao Anhao ang pagkatataon kaya nagmamadali siyang
naglakad para habulin ito.