Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 619 - Lu Jinnian, Buntis ako (10)

Chapter 619 - Lu Jinnian, Buntis ako (10)

Iisang elevator lang ang ginamit nina Lu Jinnian at Qiao Anhao papunta sa

pinaka taas na palapag. Wala ni isa sakanila ang gustong magsalita at bukod

sa dalawang staff na kasama nila, wala ng ibang tao sa elevator.

Tahimik lang na nakatayo si Lu Jinnian sa isang gilid habang nakahawak ang

isa niyang kamay sa maletang dala niya, samantalang si Qiao Anhao naman na

nakatayo sa tabi kanyang tabi ay nakatitig lang sakanya. Sa buong oras na

magkasama sila, ni minsan ay hindi niya ito pinansin o tinignan manlang.

Medyo nasasaktan na si Qiao Anhao sa ginagawang pagiwas ni Lu Jinnian.

Mula noong nakita niya ito sa sementeryo, wala siyang ibang gustong gawin

kundi ang ipaliwanag ang lahat ng nangyari pero noong sandaling makita siya

nito, bigla nalang itong umalis; sa bahay naman ng matandang babae, pinaalis

din siya kaagad nito; noong binaggit niya ang tungkol sa Valentines Day noong

pinuntahan niya ito sa hotel, nagalit ito sakanya ng sobra at pinalabas siya.

Ngayon na nasa loob sila ng iisang elevator, bakit hindi siya kayang kausapin

nito…

Kaya noong sandaling 'yun, hindi na kinaya ni Qiao Anhao at tuluyan niya ng

binasag ang katahimikan.

Natatakot siya nab aka bigla nanaman siyang sakalin ni Lu Jinnian habang

nagsasalita kaya hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at sinabi niya na kaagad ang

gusto niyang ipunta. "Nasa ospital ako 'nun."

Parehong Caucasians ang dalawang staff na kasama nila sa elevator at hindi

nakakaintindi ng Chinese ang mga ito. Noong una, ang akala ng mga ito ay sila

ang kinakausap ni Qiao Anhao kaya tumingin ang mga ito sakanya parea

ngitian siya, pero nang makita ng mga ito na si Lu Jinnian ang tinitignan niya,

muli nalang tumalikod ang dalawa at hindi na nagsalita.

Sa wakas, nasabi na rin ni Qiao Anhao ang mga salitang matagal niya ng

gustong sabihin kaya medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Hindi nagtagal,

muli siyang nagsalita para magpatuloy, "Noong gabi ng Valentine's Day, nasa

ospital ako kaya hindi ako nakapunta…."

Biglang humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sakanyang maleta. Huminga siya ng

malalim at hindi nagtagal ay biglang nagbago ang kanyang itsura na para bang

hindi siya kuntento sa paliwanag nito.

Pero noong narinig niya na na'ospital ito, hindi niya maintindihan pero nasaktan

siya.

Siguro hindi niya na talaga ito maalis sa sarili niya, na kahit sobrang nasaktan

na siya ni Qiao Anhao, may nararamdaman pa rin siya para rito.

Noong nalaman niyang pumunta ito sa America ng magisa, alam niyang

sinusundan siya nito kaya sinadya niyang maglakad ng mabagal para hintayin

ito ng ilang beses.

"Sinabi ko naman na sayo diba na ayoko na 'yang pagusapan!" Hindi malinaw

kay Lu Jinnian kung kay Qiao Anhao ba talaga siya nagagalit o sa sarili niya

pero noong sandaling magsalita siya, ramdam ang galit sa tono ng kanyang

boses. "Wala akong pakielam kung totoo ba ang sinasabi mo o nagdadahilan ka

lang. Wala na akong pakielam at ayoko ng malaman pa! Sigurado naman ako

na pareho nating alam na hindi lang ang hindi mo pagsipot ang problema…."

Biglang huminto si Lu Jinnian.

Lu Jinnian, gaano katagal mo ba balak saktan ang sarili mo?

Pinangako mo ng kakalimutan mo na ang lahat, kaya bakit ang dami mo pang

sinasabi?

Maliban nalang kung gusto mo nanamang ulitin ang mga naging pagkakamali

mo noon?

Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at hindi na nagpatuloy. Nang

sandaling mahimasmasan siya, muli siyang nagsalita, "Kalimutan mo na."

Pagkamulat niya ng kanyang mga mata, di hamak na mas kalmado na siya at

nanumbalik na ang kanyang walang kaemo-emosyong awra. "Miss Qiao, wala

akong pakielam kung bakit ka nandito, pero gusto ko lang linawin sayo na

ayoko ng magkaroon ng anumang ugnayan sayo."

Related Books

Popular novel hashtag