Hindi mapalagay si Qiao Anhao nang hawiin ni Lu Jinnian ang kanyang kamay.
Sa sobrang kaba, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na sabihin ang
gusto niyang ipaliwanag, "Lu Jinnian, noong gabi ng Valentine's Day…"
Hindi niya nagawang tapusin ang gusto niyang sabihin dahil ang mga salitang
'Valentine's Day' ay parang sumpang biglang nagpagalit kay Lu Jinnian ng sobra
sobra. Ang kaninang kalmadong lalaki ay biglang naging mapusok. Sinandal
siya nito sa pader at hinawakan ang kanyang leeg na para bang gusto siya
nitong patayin sa sakal sa sandaling magpatuloy siya.
Ramdam na ramdam niya ang galit ni Lu Jinnian sa higpit ng pagkakawak nito
sakanyang leeg. Hindi nagtagal, unti unti siyang namula dahil hindi na siya
makahinga.
Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sakanya na parang gustong
gusto na siyang patayin nito. "Nandito ka ba para makipagusap? O para
sumbatan ako?"
Nanahimik si Lu Jinnian ng isang segundo at nang muli siyang magsalita, di
hamak na mas kalmado at pautos na ang kanyang boses. "Kung nandito ka
ngayon para pagusapan ang nakaraan, pwes hindi na kailangan. Anumang
nangyari noon ay nasa nakaraan na at hindi na 'yun mahalaga sa akin."
Binitawan niya ang leeg ni Qiao Anhao at hindi pa man din nito naproproseso
ang mga nangyari ay bigla niya namang hinila ang kamay nito para palabasin.
Pagkabukas niya ng pintuan, itinulak niya ito ng malakas, na sa sobrang lakas
ay tumilapon ito sa pintuan ng katapat na kwarto.
Nang mawala ang presensya si Qiao Anhao, unti unting kumalma si Lu Jinnian.
Ilang sandali pa ang lumipas na nakatayo lang siya sa likod ng pintuan bago
siya bumalik tulugan. Gusto niya sanang magshower noong una, pero dahil sa
mga nangyari, kinuha niya ang kanyang sigarilyo sa loob ng kanyang maleta at
nagsindi ng isang stick.
Habang may isang stick ng sigarilyo sakanyang bibig, may napansin siyang
phone na nakasiksiksa gilid ng kanyang maleta.
Matagal siyang nakatitig sa phone bago niya ito kunin.
Naitapon niya na noon ang SIM card ng dati niyang phone. Pagkabukas niya
nito, bumungad sakanya ang paalala na mababa na ang kanyang battery. Ilang
sandali siyang nakatitig sa isang picture ng paguusap nila ni Qiao Anhao bago
niya ito unti unting izinoom.
Ang picture ay ang mga huli nilang pinagusapan ni Qiao Anhao apat na buwan
na ang nakakalipas.
Medyo matagal din siyang natigilan bago niya muling basahin ang laman ng
bawat text.
[Wag mo na akong hintayin, hindi ako pupunta.]
Malinaw pa sa alaala niya na sinend ito sakanya ni Qiao Anhao noong ikatlong
araw na siyang naghihintay sa labas ng mansyon ng mga Qiao. Noong oras na
natanggap niya ang message na ito, mahihimatay na siya sa sobrang pagod.
Noong panahong 'yun, kabibili niya palang ng malaking porsyento ng Xu
Enterprise. Pagkatapos niyang maghintay ng buong magdamag noong
Valentine's Day, 'yun palang ang kauna-unahang message na natanggap niya
mula kay Qiao Anhao.
Hanggang ngayon, naalala niya pa rin ang kaba at takot na naramdaman niya
noong mga oras na 'yun.
Pagkabasa niya ng message, nalaman niya na alam naman pala ni Qiao Anhao
na naghihintay siya…. At sadyang ayaw lang talaga siya nitong makita.
Sobrang nadedesperado na siya, pero ayaw niyang sumuko. Sa huling
pagkakataon, nagbakasakali siyang makumbinsi pa ito kaya sumagot siya ng
[Qiao Qiao, I love you]
[I have loved you for thirteen years.]
Parang nalunod sa karagatan ang huling dalawang text na sinend niya dahil
dalawang oras ang pagitan noong nakatanggap siya ng reply.
[May karapatan ka ba?]
[Hinding hindi ko matatanggap ang sinumang nanakit saking Brother Jiamu.]