Hinding hindi kita kayang patawarin sa pananakit mo kay Brother Jiamu.
So hanggang ngayon, hindi niya talaga kayang pantayan si Xu Jiamu, at noong
sandaling sinaktan niya ito, bigla nalang siyang nawalan ng kwenta.
May karapatan ka ba?
Tama, may karapatan nga ba siya?
Noong unang beses na magkita sila ni Qiao Anhao, ang bag palang na dala nito
ay kasing halaga na ng ilang buwan niyang sweldo sa dati niyang part-time job.
Noong nagkaroon ito ng period cramps at kinailangan nitong magpahinga muna
sa ospital, ang thirty dollar na binayad niya ay halos sixty percent na ng lahat ng
meron siya, pero noong sandaling buksan ni Qiao Anhao ang Chanel wallet nito,
bumungad sakanya ang napaka'kapal na pera.
Noong nagshopping sila Hangzhou kasama nina Xu Jiamu at Qiao Anxia, ang
tatlo ay walang pagdadalawang isip na bumili ng anumang magustuhan ng mga
ito kahit pa umabot na sa five digits ang presyo. Samantalang siya? Sobrang
nahihiya siya dahil kahit ang pinaka mura sa mall ay hindi niya kayang bilhin.
Kaya may karapatan nga ba siya?
Alam niya naman noon na wala talaga siyang karapatan kaya nga 'yun din ang
naging motibasyon niya para maging determinado at magtrabaho ng maigi.
Akala niya kapag nagkaroon na siya ng pera ay magkakaroon na siya ng
karapatang mahalin si Qiao Anhao, pero bandang huli pala ay hindi niya pa rin
ito maabot.
Noong Valentine's Day, hindi siya sinipot nito, pero ayos lang sakanya.
Tatlong araw siyang naghintay para rito, pero ayos pa rin sakanya.
Noong nadamay ito sa isang drug scandal, kinukutsa na ito ng lahat, pero noong
oras na 'yun, nagawa niya pa itong ipagtanggol.
Alam niya na kapag nadamay siya sa isang scandal ay malaking problema
talaga ang pwedeng mangyari sakanya.
Pero wala siyang ibang inisip kundi si Qiao Anhao.
Simula noong mahalin niya ito, naging determinado siyang protektahan ito.
Ibinuhos niya kay Qiao Anhao ang lahat ng pagmamahal na kaya niyang ibigay,
pero sinuklian siya nito ng "May karapatan ka ba?"
Tama, wala nga siyang karapatan. Kahit na namatayan ito ng mga magulang,
namuhay pa rin ito ng masagana.
Samantalang siya? Anak lang naman siya ng isang kabit at pokpok at isa lang
siyang anak sa labas… Simula noong ipinanganak siya sa mundo, puro negatibo
nalang ang sumalubong sakanya.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sakanya, ang kanyang nakaraan at kahit
ang nakaraan ng kanyang nanay ay hinukay rin ng mga tao kaya isa isang
nabunyag ang mga ito.
Isang gabi, nakaupo lang siya sa loob ng kanyang sasakyan habang tinitigan
ang text na [May karapatan ka ba?], at pakiramdam niya ay parang naguguho na
ang kanyang mundo.
Para mahalin si Qiao Anhao, marami na siyang nagawa na hindi niya naman
normal na ginagawa at dumating na ang punto na nakalimutan niya ng itrato ng
mabuti ang kanyang sarili. Noong mga oras na 'yun, napakababa na ng tingin
niya sa sarili niya kaya kahit pinagdudahan nito ang karapata niyang magmahal
ay nagmakaawa pa rin siya, [Qiao Qiao, ibabalik ko na kay Xu Jiamu ang Xu
Enterprise, pwede bang bumalik nalang tayo sa dati?]
Pero nalaman niya na blinacklist na siya nito.
Noong sandaling 'yun, pakiramdam niya na ay namatayan siya ng puso.
Ang pagmamahal na pinaka iningatan niya sa loob ng labintatlong taon…
Ngayon, wala ng dahilan para ipagpatuloy niya pa ang pagmamahal na ito dahil
isa isa ng nagpapakita sakanya ang mga dahilan para kalimutan niya na ito.
Pero bandang huli, kahit determinado na siyang umalis, nag'iwan pa rin siya
sakanyang assistant ng mahabang listahan tungkol kay Qiao Anhao.
Habang tinatype niya ang bawat salita, narealize niya na si Qiao Anhao lang
talaga ang naging mundo niya sa lahat ng lumipas na panahon.
Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian nang naramdaman niyang napaso na ang
kanyang daliri. Noong tignan niya ito, naubos na pala ang sigarilyong hawak
niya.
Hinagis niya ang sigarilyo sa ashtray at niligpit ang dati niyang phone bago siya
pumunta sa CR para hugasan ang napaso niyang daliri.