Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 602 - Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (13)

Chapter 602 - Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (13)

Hindi nagdalawang isip si Qiao Anhao kung nasaan sila ng matandang babae.

Makalipas ang halos kalahating oras, may sasakyan na huminto sa harapan

nila.

Nagbukas ang pintuan ng driver's seat at may isang babae na mukhang nasa

edad na kwarenta hanggang sisenta. Nang makita nito si Qiao Anhao na

kasama ang matandang babae, dali dali itong tumakbo papalapit at sinabi,

"Madam, halos patayin mo naman ako sa sobrang takot! Bakit ba bigla ka

nalang tumakbo palabas?"

"Gusto kong hanapin si Jinnian," malungkot na sagot ng matandang babae.

"Hindi ba sinabi naman sayo ni Mr. Lu na may pinuntahan lang siya at

mamaya uuwi na siya para bisitahin ka? Malambing na panunuyo ng babae

para kumalma ang matandang babae.

Mr. Lu? Uuwi mamaya para bisitahin ka?

Biglang nagkaroon ng pagasa si Qiao Anhao at masaya siyang nagtanong,

"Bibisitahin ni Lu Jinnian si nanay mamaya?"

Nang marinig ng babae ang pagtatanong ni Qiao Anhao, bigla itong natigilan

at naglabas ng isang envelope mula sa bulsa nito. Agad nitong inabot

sakanya ang sobre at sinabi, "Miss, maraming salamat talaga. Kung nawala

ang matanda, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay Mr. Lu."

Hindi kinuha ni Qiao Anhao ang sobre at muling nagtanong, "Sabi mo uuwi si

Lu Jinnian para bisitahin si nanay? Kailan siya bibisita?"

Nagulat ang babae sa pagtatanong ni Qiao Anhao kaya imbes na sagutin ang

kanyang mga tanong ay nagtanong rin ito, "Miss, kilala mo ba si Mr. Lu?"

Masayang tumungo si Qiao Anhao. "Ako ay…"

Bago pa masabi ni Qiao Anhao ang salitang "kaibigan" ay muli nanamang

nagsalita ang matandang babae, "Siya ang asawa ni Jinnian!"

At noong sandaling iyon, biglang sumaya ang matanda at nagsalita na parang

may ipinagmamalaki na isang mamahaling kayamanan, "Tignan mo, maganda

talaga ang taste ng ating Jinnian! Napakaganda ng asawa niya!"

Gusto talagang pakasalan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian pero hindi naman

talaga siya asawa nito kaya ngumiti nalang siya sa babaeng nagaalaga sa

matanda at sinabi, "Kaibiganlang po ako. Hindi ko po alam kung anong

nangyari. Kanina pa ako tinatawag ni nanay na asawa ni Lu Jinnian…"

"Ikaw naman talaga ang asawa ni Jinnian!" Muli niya nanamang ginalit ang

matandang babae. Noong sandaling ding iyon, walang pasabi siyang hinila ng

matanda papunta sa sasakyan at binuksan ang pinto para pumasok siya sa

loob.

Wala ng nagawa si Qiao Anhao at napatingin nalang siya sa kasama nilang

babae, na humingi ng tawad sakanya at sumuyo sa matanda, "Madam,

nagkakamali ka. Wala pang asawa si Mr. Lu! Hindi pa siya ikinakasal!"

"Siya nga ang asawa ni Jinnian. Siya!" Paulit ulit na sigaw ng matandang

babae hanggang sa muli itong umiyak. Galit na galit nitong itinuro si Qiao

Anhao at sinabi, "Sumama ka sa akin, papatunayan ko sayo!"

Dahil doon, lalo pang lumakas ang iyak ng matandang babae.

"Sasama po ako. Sasama po ako. Wag ka ng umiyak nanay."

-

Pagkapasok ni Qiao Anhao sa sasakyan, ang matandang babae ay parang

bata na biglang tumahan. Nanumbalik ang masaya nitong ngiti habang paulit

ulit na tinatawag si Qiao Anhao na asawa ni Lu Jinnian.

Habang nagmamaneho ang babaeng nagaalaga sa matanda, humingi ito ng

tawad sakanya. Base sa paliwanag nito, nalaman niya na hindi talaga kadugo

ni Lu Jinnian ang matandang babae at magkapit bahay lang ang mga ito.

Wala pang sampung taong gulang si Lu Jinnian nang mamatay ang nanay

nito. Walang may gustong magalaga sa batang Lu Jinnian noong mga

panahong iyon. Sakto, ang kapit bahay nito ay namatayan ng asawa't anak sa

isang lindol kaya nang makita nito ang nakakaawang kapalaran ni Lu Jinnian,

napagdesisyunan ng matanda na pakainin ito ng dinner araw araw, paglabhan

ng mga damit at paglinisan ng kwarto.