Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 603 - Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (14)

Chapter 603 - Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (14)

Ang matandang babae ang nagalaga kay Lu Jinnian hanggang sa

makagraduate ito ng high school. Noong lumuwas ito sa Hangzhou, wala itong

sapat na kakayanan para bayaran ang renta ng dati nitong tinitirhan kaya sa

tuwing uuwi ito sa kapag university holidays, sa bahay ng matandang babae ito

tumutuloy.

Nang lumaon at nagkaroon ng magandang buhay si Lu Jinnian, gumaan din

ang pamumuhay ng matanda, pero dalawang taon na ang nakakalipas simula

noong nagpakita ang mga sensyales ng katandaan nito: kumulit na ito at kung

anu ano ng mga pinagsasabi.

Naging abala na si Lu Jinnian sa trabaho kaya hindi na nito kayang alagaan

ang matanda sa lahat ng oras. Malusog pa si nanay kaya magkakaroon lang ng

mas malaking problema kung iiwanan ito sa isang nursing home o ospital.

Dahil doon, kinuha ni Lu Jinnian ang babaeng sumundo sa matanda para

magsilbing tagpagalaga nito.

-

Sinamahan ni Qiao Anhao ang matandang babae hanggang sa makauwi ito.

Nagmamadaling pumasok ang matanda loob ng bahay at naglabas ng isang

kahon. Ilang sandali rin itong nagkalkal hanggang sa may nakita itong

dalawang napaka liit na litrato, na masaya nitong ipinakita kay Qiao Anhao.

"Oh tignan mo. Ngayon mo sabihin na hindi ikaw ang asawa ni Jinnian. Tignan

mo nga. Malinaw na ikaw yan!"

Hawak ng matandang babae ang isang lumang litrato ni Qiao Anhao. Ang

kanyang buhok ay nakatali ng dalawang pigtail at nakasuot siya ng school

uniform na masayang nakangiti. Bata pa siya sa litrato pero hindi naman

mahirap na makilalang siya 'yun.

Pati ang babaeng nagaalaga sa matanda ay napasigaw sa gulat, "Yiiii, Miss.

Ikaw nga yan."

"Nakita mo na, paano ko naman makakalimutan ang itsura ng asawa ni

Jinnian? Ang sabi sa akin ni Jinnian noon na papakasalan niya raw ang

babaeng nasa picture." Noong mga sandaling na yun, biglang niyakap ng

matandang babae ang litrato na para bang ito ang pinakamamahal nitong anak,

at galit na galit na tumingin kay Qiao Anhao. "Ngayon, paano mo 'to

lulusutan?"

Base sa pagkakasabi ng matanda, naintidihan na nina Qiao Anhao at ng

tagapagalaga ang nangyari. Malamang itinago ni Lu Jinnian ang litrato noon at

sinabi nito sa matanda na gustong gusto nito ang babaeng sa litrato kaya

naman noong nakita ng matanda si Qiao Anhao ngayong gabi, nakilala siya

kaagad nito at pinanindigan na ang pagtawag sakanya na asawa ni Lu Jinnian.

Malalim na ang gabi kaya hindi nagtagal ay nakaramdam na rin ng pagod ang

matandang babae. Paulit Kahit buong magdamag pa silang magtalo, wala rin

namang patutunguhan kaya bandang huli, sinakyan nalang ng tagapagalaga

ang matanda. Nilalambing nito ang matanda at sinabi, "Tama tama tama,

Madam. Siya nga ang asawa ni Mr. Lu. Pero lumalalim na ang gabi kaya

Madam, kailangan na nating magpahinga ngayon.

Sa pagkakataong ito, masayang sumunod ang matandang babae sa kwarto.

Pero bago matulog ang matanda, inilagay muna nito ang pinakaiingatan nitong

litrato ni Qiao Anhao sa loob ng isang kahon.

Hindi na pinigilan ng tagapagalaga ang matanda sa kahit anong gawin at

sabihin nito. Nahihiya siya kay Qiao Anhao kaya tinignan niya ito at sinabi,

"Sorry, Miss. Yun lang ang paraan para mapasaya ko ang matanda."

"Wala pong problema." Nakangiting sagot ni Qiao Anhao. Hindi na siya

nagpaligoy ligoy at diretso ng nagtanong, "Anong oras po kadalasang binibisita

ni Lu Jinnian si nanay?"

"Noon, pumupunta si Mr. Lu dito tuwing Miyerkules, pero ngayon apat na

buwan na siyang hindi bumibisita. Siguradong miss na miss na siya ng

matanda kasi kung hindi, hindi naman siya tatakas."

Ang buong akala ni Qiao Anhao ay nahanap niya na ang paraan para mahuli si

Lu Jinnian, pero hindi niya inakala na ganito pala ang makukuha niyang sagot.

Noong mga oras na 'yun, wala siyang ibang maramdaman kundi ang

pagkadismaya. "Ah ganun ba…"

"Parang hindi kayo nagiisip! New Year's Eve ngayon. Siguradong pinuntahan

ni Jinnian ang nanay niya," bulong ng matandang babae habang isinasara ang

kahon. "Ang sementeryo ay nasa isang liblib na lugar sa bandang kanluran,

taon taon siyang nandoon para magcelebrate ng New Year kasama ang nanay

niya…."

Bago pa matapos ang matanda sa pagsasalita, biglang tumakbo si Qiao Anhao

palabas ng pintuan. Nasa labas na siya ng bahay noong naalala niya na wala

siyang dalang sasakyan kaya bumalik siya sa loob at kinuha ang susi ng

sasakyan na nasa lamesa. "Hihiramin ko muna'to. Ibabalik ko rin kaagad

bukas." At hindi pa man din pumapayag ang tagapagalaga ay muli nanaman

siyang tumakbo palabas.

Pagkasakay ni Qiao Anhao, agad niyang inilagay ang lugar na pupuntahan niya

sa navigation system. Wala siyang sinayang na oras at dumiretso na siya

kaagad sa isang sementeryo na nasa isang lilib na lugar sa bandang kanluran.

Hindi niya alam kung nasaan ang puntod ng nanay ni Lu Jinnian, kaya mula sa

paanan ng bundok, inisa isa niya ang bawat puntod.

Napakatahimik ng sementeryo at sa pagihip ng malamig na simoy ng hangin ay

kumalma ang kanyang puso.

Lalo pang lumakas ang pag'ihip ng malamig na hangin kaya hindi nagtagal ay

nanginginig na ang buong katawan ni Qiao Anhao, pero buo ang loob niyang

magpatuloy sa paglalakad.

Noong nasa kalagitnaan na siya ng bundok, sa wakas may nakita na siyang

isang taong nakatayo sa harap ng isang puntod.

Dahil sa ilaw na tumatama rito, sigurado siya na si Lu Jinnian ang taong 'yun.