Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 557 - Labintatlong taon kitang minahal (28)

Chapter 557 - Labintatlong taon kitang minahal (28)

Magaalas nuebe imedya na – dalawang oras na ang nakakalipas sa napagusapan nila ni Qiao Anhao. Ibig bang sabihin ay hindi na siya sisiputin nito?

Ah, labintatlong taon… labintatlong taon niyang hinintay na dumating ang araw na ito. Hanggat maari, ayaw niya sanang pakawalan ang pagkakataon bago siya mamatay. Ayaw niyang magkihawalay sila.

Hindi nagtagal, inalis niya ang kanyang pagkakatingin sa mga makukulay na ilaw at muli niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si Qiao Anhao. Sa pagkakataong ito, tatlong beses na magkakasunod itong nagring. Gulat na gulat siya dahil may sumagot pero matapos niyang sabihin ang salitang "Qiao" ay bigla namang naputol ang tawag at tuluyan ng naging busy ang linya.

Sinubukan ulit ni Lu Jinnian na tawagan si Qiao Anhao pero sa pagkakataong ito, ay ng sumagot sakanya.

Bakit naman biglang ibababa ni Qiao Anhao? Hindi kaya galit pa rin ito sakanya dahil sa pagbili niya sa Xu Enterprise? O di naman kaya dahil sa mga ginawa niya kanina?

Pero sinagot ni Qiao Anhao ang tawag, ang ibig sabihin lang 'nun ay nakabantay ito sa phone ngayon. Biglang nagkapagasa si Lu Jinnian kaya dali dali niyang inilayo sa tenga niya ang kanyang phone para itext ito. [Qiao Qiao, bad mood lang ako kanina. Hindi dapat kita pinalabas at iniwanan. I'm sorry.]

Nang makita niya ang ga salitang "Message sent" na lumabas sakanyang screen at masigurong nabasa na ni Qiao Anhao, dali dali siyang nagtype para muli itong itext. [Qiao Qiao, alam kong nababasa mi ang mga messages ko. Naghihintay pa rin ako sayo dito sa Lijing Pavillion. Pumunta ka na dito at magusap tayo, okay?]

Pero makalipas ang ilang minutom, wala pa rin siyang natanggap na reply. Nakahawak lang siya sakanyang phone hanggang sa magdesisyon siya na muling tawagan si Qiao Anhao. Hindi nanaman ito sumagot kaya muli niya itong tinext, [Qiao Qiao, maghihintay ako hanggang sa dumating ka.]

Ilang sandali nanaman siyang naghintay. Noong wala pa rin siyang matanggap na reply, muli niya itong tinext. [Kahit na hindi ka pumunta, hihintayin pa rin kita.]

Nang masigurado niyang nasend na ang kanyang message, iniangat niya ang kanyang phone at ikiniskis sa kanyang mukha sa sobrang pagkainis sa mga nangyayari. Tumayo siya sa tapat ng bakod habang nakatitig sa mga liwanag ng ilaw mula sa malayo.

Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakatayo nang magvibrate ang kanyang phone. Sabik na sabik niya tinignan ang kanyang screen pero napagalaman niya na galing lang pala ang message sa 10068 na nagbabalita tungkol sa magiging panahon.

Muli nanaman siyang pinanghinaan ng loob.

Pagsapit ng alas onse ng gabi, muling bumalik ang manager ng Lijing Pavilion para paalalahanan si Lu Jinnian na papatayin na ang mga ilaw.

Tinignan ng assistant ang kanyang amo na nakatayo lang sa harap ng bakod. Para hindi na makadagdag sa sama ng loob, sumensyas siya sa manager na magusap muna sila. Pagkalabas nila ng kwarto, nakiusap siya na maghintay pa ng ilang sandali.

Siguro dahil Chinese Valentines day ngayon kaya kahit alas onse na ay buhay na buhay pa rin ang Beijing. Nasa pinaka itaas ang Lijing Pavilion pero naririnig pa rin ni Lu Jinnian ang mga boses ng taong naguusap at nagkakantahan sa Sky Bridge. 

"Do you know that I'm waiting for you? If you really care about me,

"How could you leave me to spend these never-ending nights alone..."

Ang paghihintay na siguro ang pinaka mahirap na pagsubok sa pasensya ng isang tao. Pagpatak ng alas dose ng madaling araw, ang kanina'y masayang siyudad ng Beijing ay biglang nabalot ng katahimikan.

Lalong kinabahan at natakot si Lu Jinnian noong wala na siyang ibang marinig kundi ang tibok nalang ng kanyang puso.

Natatakot talaga siya na baka mawala si Qiao Anhao ng ganun ganun nalang…